Chapter 41

96 3 3
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Devianni? Darwin?" naguguluhang tanong ng lasing na si Cass habang nakalapat ang mga palad ni Devianni sa kanyang pisngi.

"Darwin ka ng Darwin. Si Devianni to, tsk" iritadong sagot ni Devianni dahil sa inaasal ng lasing na si Cass.

Di makasagot si Cass dahil panay ang pag observe niya sa itsura ng lalaking kaharap niya. Kanina lang ay si Darwin pa ang nasa paningin niya ngunit halos magulat sya nang maging si Devianni.

'Fudge. May magic ba o lasing na talaga ako?' bulong nito sa isip niya.

Dahil tuluyan nang natulala, inalalayan nalang niya si Cass para maupo doon sa mahabang couch para maihiga ang lasing na lasing niyang fiance.

"May drugs siguro yung nainom kong beer" nabanggit nalang ni Cass habang iniisip pa rin kung paano naging si Devianni ang nasa harap niya.

"Sino ba naman kasi may sabing uminom ka" naiinis na tanong ni Devianni kahit may ideya na sya kung sino ang dahilan nito.

Hindi gaanong nakahiga sa couch si Cass kaya nakaupo pa si Devianni sa dulo nito.

Tila nabalot ang tree house ng nakakabinging katahimikan sa loob ng ilang minuto ngunit nawala iyon ng magsalita ulit si Cass.

"Nagkaroon ka na ba ng ex?" wala sa sarili niyang tanong.

Para namang nagulat si Devianni pero kinompose nya agad ang sarili niya at nagtanong ng "Bakit?" pero imbis na statement ang marinig, tawa lang ang naging sagot ni Cass.

'Lasing nga talaga to' sa isip ni Devianni

"Alam mo yung feeling na ginawa mo naman lahat kahit minsan lumulubog na yung relasyon niyo kaso talagang siya na mismo sumuko" Natigilan si Cass dahil naramdaman niya ang nagbabantang luha sa mata niya. "Tapos ngayong naka move on ka na babalik-balik siya. Kapal pa ng mukha para makipagbalikan."

Kahit may kakaibang bigat na nararamdaman dahil sa narinig. Minabuti nalang ni Devianni na makinig.

Hindi ito ang oras para sermunan niya si Cass dahil para sakanya mas nakakagaan ng pakiramdam ang kahit may makarinig lang ng sama ng loob kung siya ang nasa posisyon nito.

"Kapal ng mukha niya para sabihin di siya masaya. Eh siguro nga tuwang tuwa siya dun sa Annabelle na yun eh" kahit nahihilo, umupo siya ng maayos at pinunasan ang mga luha niya sa pisngi. "Naisip ko tuloy ano bang pagkukulang ko para iwan niya ko. Hah Devianni? Ano?"

Tinitigan siya ni Devianni at sinuri ang buong mukha niya. Nakaramdam naman ng ilang si Cass pero mas minabuti niyang ipairal pa rin ang pride niya para magtanong dahil sa pagkadesperada niya para malaman ang mali sa sarili.

"Ano na?" hintay niya kay Devianni na tila di sumasagot at nakatitig pa rin sakanya.

"Di ko rin alam kung bakit ka niya iniwan. Everything's special about you. Tanga lang siguro siya" nakatitig pa rin siya kay Cass. Nakaramdam naman ng kung anong kakaiba si Cass sa sarili niya lalo na't nakatitig rin siya sa mata ni Devianni. Umabot yun ng dalawang minuto bago bumitaw si Devianni.

"Don't blame yourself. Kung ako lang siya? Di kita iniwan kahit moody at mataray ka"

May kung ano nanamang naramdaman si Cass sa tiyan niya kaya umiling-iling nalang sya at tumawa.

'butterflies? nah. Baka natatae lang ako' paalala nito sa sarili niyang utak dahil sa kakaibang nararamdaman.

"Taray magsalita ah. Yiee straight na sya" pag-iibang topic ni Cass.

Ngumiti naman si Devianni sa kinilos ni Cass.

"Nga pala Devianni" umayos ulit ng upo si Cass at lumapit na ng kaunti kay Devianni. Muntik pa syang mahulog sa couch dahil sa pagkahilo nya pero buti nalang nasalo agad ni Devianni ang braso niya na una dapat babagsak sa sahig ng tree house.

"Devianni, ano yung sinunog mo kagabi?"

Bigla nalang naalala ni Cass ang mga nakita ni Cass na sinunog nito kagabi.

Nabigla naman si Devianni. Siguro dahil ay hindi nya alam na nakita siya ni Cass.

"Hm.." panimula nito. "Burning and forgetting some memories"

"Some memories of being a girlaloo" biro ni Cass.

"Oo. Paano mo nalaman?"

Di ineexpect ni Cass ang sagot ni Devianni kaya natahimik sya at napatingin kay Devianni habang nakaawang pa ang bibig niya sa gulat.

"Seryoso? A-are you trying to change? I mean nagbabago ka na?"

"Yes"

"But why?"

Ngumiti nalang si Devianni at umiling-iling. Medyo nagdabog pa si Cass sa kinilos nito kaya ngumisi sya upang maasar pa niya lalo ito.

"Bakit nga?? Di ko pa nga ikaw nakikitang magsuot ng pambabae eh. O kaya kumendeng. Baka naman lalaki ka talaga?"

"Seriously Cass? Bisexual ako. So it means 50-50. Possible magkagusto sa babae. Possible sa lalaki. Tulad ko may mga BI rin naman na hindi nagdadamit pambabae pero aminado ako na mas type ko ang mga gamit pambabae kaysa panlalaki"

"May make-up ka nga eh. Tsaka ano yung picture mong naka wig ka noon?"

"Dare yun! Sumali kasi ako sa group sa facebook para sa mga LGBT. Napilitan lang ako."

"Napilitan pero ginawang wallpaper" di pa rin naniniwala si Cass.

"Kasama yun sa dare"

"Pero di nga. Bakit ayaw mo na maging Bi?"

Ngumiti nalang si Devianni na tila ba inaasar ulit si Cass. Gusto niyang gumalaw sa pwesto niya at kumuha ng maibabato kay Devianni pero nandun pa rin ang kaunting hilo dahil sa epekto ng alak.

"Ano nga kas---"

Sa isang iglap, umalingawngaw sa buong tree house ang ringtone ng phone ni Devianni na palatandaang may tumawag sakanya. Nasilip pa ni Cass ang pangalan nung tumawag sa screen ng phone nito"

Tumayo si Devianni at sinagot ang tawag.

"Aj Fort?" banggit ni Cass sa nakitang pangalan nang makalayo si Devianni.

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon