Chapter 1

531 12 1
                                    

A/N:

First time ko po magpublish ng isang story dito sa wattpad. Kung may grammatical errors, technical errors o kahit anong error pa. Sorry na po in advance.

Thank you. Hope you like it guys. Peace be with you :*

------

Cassiopeia McDowell's POV

"Agghhhhh! Ang boring"

Reklamo ko sa sarili ko. Nagawa ko na yata ang gusto kong gawin pero pakiramdam ko ang boring pa rin.

Kanina pa ko kumakain pero di pa rin naman ako nabubusog. Nakakasawa din naman mag instagram at twitter. Wala na rin akong mga bagong libro dito sa kwarto at ayoko ng mga palabas sa TV.

Sumalampak ako sa kama ko at nagsimulang mag isip nang pwede kong gawin.

Ahh! Alam ko na!

Kinuha ko yung phone ko at dinial yung number nya. Yay! Namiss ko na sya. Isang buwan na yata kami di nakapagkita dahil nagbakasyon sila ng pamilya nya sa Europe ngayong taon.

Siguro naman nakauwi na sya lalo na't next week na ang back-to-school.

Makalipas ng limang pagring mula sa pagtawag ko ay sumagot na rin naman agad yung nasa kabilang linya. Yes!

"Babeeee!" malambing kong tawag sa kabilang linya.
"Oh babe? Napatawag ka?" sagot nya. Napapout naman ako sa sinabi.

"Para namang nagulat ka pa. Di mo nga sinasagot tawag ko sa skype eh tapos di ka pa nagrereply sa mga dm ko sayo sa twitter pati mga message ko sa fb binabalewala mo. Gaano ba karami yang lugar na pinasyal niyo sa europe at ni isang tuldok di mo magawang ireply sakin." pagmumuktol ko.

Gumulong naman ako sa kabilang side ng higaan ko. Okay lang yan, queen size bed naman to.

"Ahh sorry babe. Ahmm alam mo naman na may business rin kami sa Europe kaya ayun. Imbis na bakasyon, yung kalahating time ko napunta sa pagmamanage ng business namin doon." paliwanag nya.

"Gaano ka ba kabusy at ni isang minuto lang para makapag type ka ay di mo magawa?" tanong ko nang wala sa tono.

Ayoko naman ipakita sa kanyang malungkot ako kapag ganito na lagi kaming nagtatalo. Alam nya kasi na madali ko syang papatawarin kaya idadaan nya lang yan sa lambing. Tapos pag okay na gagawa nanaman sya ng bagay na pag aawayan namin.

Medyo nakakaabuso kasi.

"Aww. Sorry na babe. Okay? Babawi ako sayo swear. Where do you want to go? Skyranch? Picnic Groove? EK or what? Makabawi lang ako."

Napaupo naman ako ng maayos sa sinabi nya.

"Talaga?" masigla kong sabi.
"Yes, but.. uhmm hindi pa ngayon. Meron pa kasing mga pinapatapos si dad sakin. Okay lang ba sayo?"

"Di pa rin tapos yung pinapagawa sayo nung dad mo?"
"Oo, alam mo naman na nag-iisang anak lang ako kaya ako lang ang tagapagmana ng mga negosyo at kumpanya ni dad." Sagot nya sa kabilang linya. Nafefeel ko naman na medyo may pagkairita na yung mga pagsagot nya sa tanong ko.

"Bakit ako din naman ah? Pero hindi ako prinepressure ni mommy sa mga ganyang bagay"
"Syempre lalaki ako. Babae ka. Sorry na babe okay? Sige na, smile ka na. I promise babawi ako. Got to go. Bye"

Hindi pa ko nakakapagsalita ay binaba na nya ang tawag. Ni hindi man nga lang nakapagsabi ng I love you sakin eh.

Napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa pagkakahiga sa kama habang nakatulala sa kisame ng kwarto ko.

He's Darwin Veligne at siguro naman nahahalata nyo na kung ano ko sya? We're in a relationship for almost 11 months. Ewan ko ba. He is popular in our school for being a jerk, i mean for being a heartbreaker. He makes every girl in our school fall for him at kapag nagsawa na sya? Parang mga barbie lang yung mga babae na tinatapon nya.

Pero noon yun.

he's my classmate since junior high school. Actually unang kita ko palang sakanya ayoko na sakanya, Obvious naman na babaero tapos mahilig mantrip.

Nung tumuntong kami ng Grade 10 nagbago na lahat. Naging sweet nalang sya sakin at iniiwasan na nya yung mga babae sa school. Yung dating paglalandi sa mga babae di na nya ginagawa. Akala ko nung una trip nya lang ako pero the way you observe him lalo na kung paano sya mag effort at magsurprise, ibang-iba.

Sinabi nya sakin na liligawan nya ko so I made him wait for 7 months. Kahit nung bakasyon last year nanligaw pa sya dito at nagpaalam kay mommy. Napakilala nya na rin ako sa mom nya, yung dad nya kasi that time nasa ibang bansa for some business matter. Nung second week namin nung nag Grade 11 na kami, doon ko sya sinagot.

Tandang tanda ko pa kung gaano kalawak yung ngiti nya at kung gaano sya kasaya dahil sa epekto ng simpleng "Yes" ko sakanya that time.

Napangiti naman ako sa mga alaalang bumalik sa isipan ko.

Kahit paano napapangiti pa rin ako nung mga pangyayaring yun kahit na minsan di kami nagkakaintindihan ni Darwin lalo na nitong mga nakaraang tatlong buwan na lagi kaming nagtatalo.

"BRUHAAAAAAAAA~"

Napatigil ako sa pagrereminisce nung may narinig akong pamilyar na boses mula sa unang palapag ng bahay namin. Habang patagal ng patagal ay palakas ng palakas din ang naririnig kong boses, tanda na palapit sya ng palapit hanggang sa marinig ko na yung boses nya sa tapat ng pinto ng kwarto ko.

"BRUHA!!~"

Kasabay nang nakakabinging pagtawag nya ay ang siya ring malakas na paghampas ng pinto.

Shocks! Sisirain nya ba pinto ng kwarto ko?!?

"Omg bruha!! Anong ginagawa mo dyan sa kama? Bata ka pa!~ Masamang gawain yan!"

Napairap naman ako sakanya at napasagot nalang ng "Gaga". Kahit kailan talaga napakaberde ng utak nito. If you know what I mean kung anong iniisip nyang kababalaghan na ginagawa ko daw dito sa kama.

"Bakit ka pala nandito? At bakit ka nakapasok?" tanong ko sakanya.

Kumuha muna sya ng piattos at pepero sa stocks ng mga junk foods at chocolate ko dito sa room dun sa kulay red na cabinet sa kwartong ito at dumiretso dito sa kama ko. Kahit kailan talaga. Ano pa ba ieexpect ko sa isang Andie Smritti Villafuerte?

"HOY WAG KA NGA MAGKALAT DITO" paninita ko.
"PARA NAMANG DI KA NAKAIN DITO SA KAMA MO." pagmamaktol nya sabay yakap sa pagkaing kinuha nya sa takot na kuhanin ko ito.

"Nakain ako pero di ako nagkakalat noh!" sabi ko sakanya "Pero bakit ka nga pumunta dito?"

"Parang di mo naman ako bestfriend. Wala lang. Yayain lang kita mag-mall tutal 11:30 ng umaga pa lang tsaka
alam mo na, sinusulit ang maliligayang araw ng bakasyon. Boring din kasi sa bahay."

"Sus. Boring daw eh araw-araw ka ngang nakatambay sa mall"

"Tse! Di kaya. Bilis na magbihis ka na! Tsupii!! Choo~"

Binato nya ko ng unan at tsaka tinaboy na parang aso. Wala na kong nagawa at kumilos nalang tutal totoo naman ang sinabi nya na boring talaga kaya nagbihis na ko para makapunta na ring mall. At isa pa, bestfriend ko si Smritti kaya hindi ako pwedeng mawalan ng time sa kanya.

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon