Chapter 45

60 1 1
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

"Bakit ka nandito?"

"Grabe ka talaga Cass. Parang di mo ko bestfriend" nagtatampo niyang sagot.

Tinignan ko sya ng masama at pinulot yung unan sa kama ko tsaka ko ito binato sakanya.

"Hala bakit?"

"Paano mo nalaman na dito ang bahay namin ni Devianni?"

Never ko pang nasasabi kay Smritti kung saan ang bahay namin. Yung mansion lang namin ni mommy ang alam niya.

But imbis na sagutin ang tanong ko ngumisi sya sakin at tataas baba pa ng kilay na para bang may pinahihiwatig.

"Bahay niyo ni Devianni?" Oh. So I get it. Nagsisimula nanaman syang mang-asar. Kinuha ko ulit yung unan ko sa kama at binato sakanya.

"Duh, I'm telling the truth you childish potato. Alangan naman sabihin kong my house kung binigay to para sa amin ni Devianni"

"Yeah what ever" mapang asar niya pa ring sagot tapos tumayo siya. Bago pa sya makarating sa drawer na pupuntahan niya inunahan ko na sya at prinotektahan ang mahiwagang drawer ko.

"Not my chocolates!"

"But!" At mula sa mapang asar na mukha para syang nanlumo.

"Bakit mo muna nalaman ang bahay ko" Ayan. Pinalitan ko na dahil hiyang hiya naman ako sakanya.

"Sinundan kita nung isang araw okay? Masaya ka na? Nasaan pala yung fiance mo?"

Sa di malamang dahilan napairap ako sa kawalan. "Nandun sa Aj nya"

"Who's Aj?"

"Babae niya."

"Hmm. May naamoy akong selos. Mind telling me who's that btch para makaHire na ko ng assassin nang mabura na sya dito? But before that bigyan mo na ko ng pagkain para mapasarap ang usapan"

Tss. Patatas talaga to kahit kailan. Kumuha nalang ako ng isang pack ng stick-o at dalawang jar ng nutella at binigay sakanya. At ang loka tuwang tuwa na inabot yun sabay diretso sa kama ko.

"Now, mind telling me who's that btchy?"

Sinundan ko sya sa kama at kumuha na rin ng stick-o.

"Remember the girl na sumalubong kay Devianni sa Nutella Frozen Shop?"

"I remember. But hey, she doesn't look like a btch."

"Well yes. Pero kabaliktaran ng mukha nya yung ugali niya."

"Sus, selos ka lang eh" This time ngumisi-ngisi nanaman sya. Sa inis ko tinangka kong kunin yung kinakain niya kaya naman sumuko siya. "Joke lang. Continue"

And with that, kwinento ko na lahat-lahat ng nangyari kanina nung makasalubong namin yung Anjelica Jeraid na yun. Di ko na rin napigilan yung pagkwento sakanya ng biglang pagbabago ni Devianni na mistulang sinapian ng fvckboy sa kakabanat at pagiging sweet sakin paminsan-minsan.

At ayun, tili ng tili ang loka-lokang patatas with matching hampas pa ng braso ko. That's what you called bestfriend,

"What if... nafafall na sya sayo?" pigil tili nyang sabi. "Di ko alam pero kahit nalaman kong bakla ang fiance mo boto ako sakanya"

"Duh. Impossible"

"Duh. It's possible" panggagaya nya sa tono ko.

"Pero nagtataka ako ah, kaano-ano ba ng Anjelica na yun si Devianni"

"Aber malay ko" sabay kagat ko sa stick-o na sinawsaw sa nutella.

"Nangangamoy bitter"

"Shut-up"

Sinubukan ko nang mag-iba ng topic kaso pang aasar lang ang ginagawa ni Smritti. Palibhasa kasi puro ka Omegle na kakalandian kaya buhay ko pinagsasamantalahan eh.

Sa gitna ng pang-aasar sakin ni Smritti, nabigla kami ng magring ang phone ko dahil may tumatawag kaya naman chineck ko agad yun kung sino.

I thought it was Devianni pero iba nakalagay sa screen.

Jace calling...

"Ooh.. Another boylet ni bessy----Aray!" binatukan ko nga. Hinimas himas niya yung part ng ulo niyang binatukan ko at nagpout.

"Hello?" sagot ko sa tawag ni Jace.

"Hey Cass"

"Bakit ka napatawag?"

"I just want to check you. Di ka kasi pumasok kanina"

"Nah, nalate ng gising"

"Ahh." aniya. "Mabuti naman. Akala ko kung ano eh. Pinag-alala mo ko eh"

This time nakikinig na rin si Smritti at nagpipigil tumili. Sinamaan ko sya ng tingin kaya nagpout nanaman sya.

"Ano gawa mo?" he asked.
"Naghahanda ng sinulid para magbigti. Sali ka sakin?"

I heard him giggle on the other line. "Sure. Para diretso na tayo sa langit"

"Anong tayo? Di ka tatanggapin sa langit." pang aasar ko. Muntik naman mapatawa si Smritti kaya sinubo ko agad sakanya yung tatlong Stick-o para mapigilan yun at di sya marinig ni Jace.

"Masungit talaga. By the way, where's your fiance?"

Nagbago nanaman mood ko.

Lahat nalang ba talaga pag Devianni itatanong sa akin? Nakakabanas kaya magkwento na nasa ibang babae sya ngayon. Tsk. Ipaalala pa ah?!

"Please, wag mo na itanong sa akin" matabang kong sagot.

"Hmm. Nag away siguro kayo noh? Pero sige. Kung yun ang gusto mo"

Nilingon ko si Smritti para icheck, kinakain niya nalang yung stick-o habang nakikinig sa amin.

At ang loko nginisian ako na para nanamang may pinapagiwatig kaya pasimple ko siyang hinampas pero ginantihan nya lang din ako ng hampas at ngiting aso.

"I hope makapasok ka na sa Wednesday para makasama na kita sa Awarding" sabi ni Jace. Napa ayos naman ng upo si Smritti at parang gulat na gulat.

'May awarding pa pala kayo' Smritti mouthed to me.

'Yup' sabi ko.

Nagvibrate yung phone ko tanda na may dumating na message. Lumabas sa screen na galing ito kay Devianni.

"Uhm, Jace. I have to end the call. Bye?"

"Aww. Sige bye" nanlulumo nyang sagot. Ibababa ko na sana yung tawag ng humabol ulit si Jace. "Cassy, uhmm.. Pwede tayong.. lumabas tomorrow after class. Kasi uhmm alam mo na nasira yung last na bonding natin?" tumigil siya saglit "Yayayain kita ng uhm.. Date"

Sa pangawalang pagkakataon nanlaki nanaman ang mata ng katabi ko pero naagaw nanaman ang atensyon ko dahil nagvibrate nanaman ang phone ko tanda na nagtext nanaman si Devianni kaya nataranta ako.

"okay. Sige bye" sabay patay ng tawag.

Agad kong hinanap ang messages sa phone ko at Binasa yung dalawang message ni Devianni. Pareho lang yung sinend nya sakin pero sa pangalawa ay may sad emoji na.

From Devilianni:

I can't call you. Busy ang number mo. Sino katawag mo? :(

Sus. Akala ko naman kung ano. Magtatype na sana ako kaso sumingit si Smritti at may kasabay pa na malakas na batok.

"Ouch! Anong meron?" asar kong sabi at hinawakan yung ulo kong binatukan niya.

Ang sakit.

"Pumayag ka?"

"Anong pumayag?"

"Pumayag ka na magdate kayo ni Jace?"

What? Bakit naman? Aangal na sana akong maalala ko huli kong sinagot kay Jace.

"Okay. Sige Bye"

Fudge.

OKAY?

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon