Chapter 27

93 3 0
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

"Naku, kumain kayo ng marami ngayon lalo na't alam kong pagod kayo sa school. Oh Jake, sinigang na hipon o kaya adobo? o bicol express. Minsan nalang ako magluto ng putaheng pinoy dahil alam kong purga na purga na kayo sa mga foreign foods. .. Oh Cass, masarap ba?"

"Oo naman Manang Sita. Ikaw pa ba?"

Tumawa naman si Manang Sita at nagpasalamat siya sakin at kumuha na rin ng kanin.

Nagdidinner na kami kaya niyaya ko na si Manang na sumama sa hapag kainan. Naka-ilang pilit pa ko bago siya pumayag.

Ngiting tagumpay naman ang suot ko sa labi ko habang inaabot yung Bicol Express. Hindi dahil masayang masaya ako sa luto kundi dahil natutuwa ako sa pagmumukha ng lalaking nasa tapat ko ngayon.

"Oh Jake, may problema ba? Kanina ka pa nakasimangot diyan? Ayaw mo ba ng luto ko? Papaluto nalang ak-"

"No need po Manang. Masama lang talaga pakiramdam ko." sabay tingin ng masama sakin.

Imbis na matakot ako ay natatawa na lang ako sa pagmumukha niya ngayon. Alam kong di niya ko masusugod agad dahil nandito pa si Manang. Kaya ko nga siya pinilit sumabay samin e.

Oh well, ready na rin naman ako sa nanggagalaiti niyang statement.

Nung maubos ko na yung laman ng plato ko ay tumayo na ako at chin-up pa na parang model na rumampa papuntang hagdan para umakyat. Sa likod ko, narinig ko ang ingay din ng upuan sa dining table na tanda na may tumayo sa pagkakaupo. At kilala ko na yun.

Pang-apat na baitang na ata ako sa hagdan nang may humila sa braso ko at kinaladkad ako ng may galit paakyat.

"Aray ko Devianni! Ang sakit!"

Pinalo-palo ko pa yung kamay niya sa braso ko kaso di niya pa rin ako pinapansin.

Ang sakit kaya!

"Yung picture!" pambungad niya sakin nung nakaladkad na niya ko sa tapat ng kwarto niya.

Di ko siya pinansin at tinignan ko muna yung braso kong namumula. Asar! Ang sakit kaya!

"Cassiopeia! Yung picture!" tuluyan naman niya naagaw yung atensyon ko nung binanggit niya yung pangalan. Taray! Buo!

"What?" malumanay ko pa na sagot. Siguro pang-asar sakanya?

"Wag mo kong pinagloloko. Yung picture! Akin na!" sigaw niya.

"Picture?" pacute ko pang sabi. Gagayahin ko muna yung pabebe tone ni Annabelle ngayon dahil kailangan ko. Pero malamang mas cute naman ako dun.

"MCDOWELL SERYOSO AKO!" nagitla naman ako dahil piling ko puputok yung ugat niya sa leeg sa pagsigaw niyang yun.

Nakikita ko tuloy sarili ko sakanya nung sinira niya phone ko. Pero medyo iba kasi yung sakanya pati butas ng ilong lumalaki.

"Jake? Anong nangyayari?"

nilingon naman ni Devianni yung pinanggalingan mg boses sa baba. "Wala po Manang!" balik sa tonong sagot ni Devianni.

Tumingin siya muli sakin nang nanlilisik ang mata.

"Di ako nagbibiro. Walang nakakatuwa! At yung picture na yun... That, that was only a dare kaya akin na!" impit na boses niya sakin para di marinig sa baba.

This time ako naman ang nagbago ang mukha. "Oh really? Dare? Maniniwala pa sana ako kung dare yun eh. Kaso nandyan pa yung wig na ginamit at syempre yung picture. If I were you, siguro sinunog ko na yung mga yun. O kaya tinakasan ko yung dare."

"Bakit ba ayaw mo maniwala?"

"Bakit hindi? Ano ibig sabihin nung mga libro? Ano? For research project?"

Sandali syang natigilan sa sinabi ko. At after nun nagbalik nanaman yung mukha niyang papatay ng dyosa.

"Hindi ako natutuwa"

"Hindi din ako natutuwa pero feeling ko mas di matutuwa si Tito Jacob. What do you think?" mapang asar ko pang sagot. Mas lalo naman tumindi yung itsura niya.

"Blina-blackmail mo ba ako?"

Pumeywang naman ako at hinawakan ko ang baba ko na kunyari ay nag-iisip. Di ako nakasagot kaya binigyan ko nalang siya ng sexiest evil smile ng isang Cassiopeia Mcdowell.

Napaface palm naman sya at tumingin ulit sa akin.

"Fine! Ano gusto mo?"

At dahil dun mas lalong lumawak ang ngiti ko.

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon