Chapter 7

151 7 0
                                    

[CASS]

6 am palang nandito na ko sa school. At simple lang naman ang rason, ayokong makipagsabayan sa maraming estudyanteng magpapasukan mamaya lalo na at baka malaki amg chance na makasalubong ko dun si Darwin.

Hanggang ngayon di pa rin kami nagkikita ng talagang harapan after ng nangyari sa mall. Ako na rin kasi ang umiiwas eh. Pakasaya na siya sa bago niyang babae tutal pareho silang higad at makati.

At isa pa, di naman ako matatakot sa room ngayon dahil for sure, may tao na rin dun sa ganitong oras. Siguro mga 3-6 na tao? Reason? Para daw tahimik makapag isip at magbasa.

Alam kong nasa section kami ng matatalino pero parang mas may pagkaweird sa sobrang talino ng mga kaklase ko. Eh may library naman.

Napatigil ako sa pag-iisip ko tungkol sa mga kaklase ko nang may makasalubong ako na papunta rin sa direksyon ng hagdan paakyat.

Speaking of kaklase.

Nakita ko yung asungot kong seatmate.

At tulad ko, hindi niya rin ako nginitian at patuloy lang na naglakad paakyat ng hagdan.

MADAPA KA SANA. tsk

Ang tahimik lang dito sa hagdan at tanging footsteps lang namin ang naririnig namin. At base sa footsteps na maririnig mo, halatang padabog ang way ng paglalakad namin. Sarap sipain nitong isang to.

Same scenario lang din ang nangyari sa hallway papuntang room pero this time, mukha na kaming nag uunahan kahit na mukhang normal lang kaming nakatingin sa harap habang naglalakad at habang patagal ng patagal ramdam kong nag-uunahan na kami patungo sa classroom.

Anong akala niya? Papadaig ako?

N O . W A Y

Nung naabot na ng tingin ko sa malayo yung pinto ng room namin ay di na ako nag atubiling tumakbo. At tulad ng inaasahan ko ganun rin ang ginawa niya.

"Hoy tabi! Ako nauna-- Arayy-- Sinabing--"
"Ako kaya--Ara--ouch!"

Paano ba naman kasi nakikisiksik siya sa pinto at nakikipagpilitang makapasok.

Ako ang unang makakapasok!

"Sinabing ako nga e-- Ouch--!!" daing niya. Wala akong pake kung maipit siya.

"J-jake at.. C-Cass. Kahit naman mag-unahan kayo makakapasok pa rin kayo eh."

Tumigil naman kami sa sinabing iyon ng kaklase ko at nag-ayos ng tayo. Like what I've said before, papadaig ba ko dito sa asungot na to? Pumasok akong chin-up at seryoso lang ang mukha. Ganun din naman ang ginawa niya.

NapakaGaya-gaya talaga.

Nung pareho na kaming nasa tapat ng upuan ay inunahan ko na siyang irapan bago pa niya pa ko maunahang matitigan na parang mamamatay tao.

Buti nalang di na nya ko kinulit pa nung dumating na si Teacher Namee kaso after recess mukhang nagbalik siya sa pantritrip niya at nasanggi niya pa yung milk na hawak ko kaya muntikan na yun matapon sa damit ko.

"Nanadya ka na ba??" hindi ko na napigilang sumigaw kaya mukhang naagaw ko nanaman ang atensyon ng mga kaklase ko.

"Hindi ko kasalanan yan!"
"Masyado ka na ah!" bulyaw ko pa sakanya.

"Miss. Cass, kita mong hindi ko naman sinasadya. Inabot ko lang yung isang book kaya nasagi kita. Buti nga hindi natapon yang gatas sa uniform mo eh. Oh ayan! Edi Sorry!! Nagsorry na ako ah! Baka magalit ka pa eh tulad nung pagsanggi mo!" speech niya pero imbis na kumalma yata ako ay lalo lang akong nainis. Mararamdaman mong sarcastic niya dahil sa tono niya.

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon