Chapter 50

90 1 3
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Well, hindi naman ganun kalala ang natamo niya at mabuti hindi siya nagkaroon ng malalang head injury but you still need to take care of her. Siguro bukas ng umaga pwede na siyang makauwi. for now, dito muna siya magstay sa hospital"

Tulala at nag-aalalang nakatitig si Jace sa kinaroroonan ng nakahiga at walang malay na si Cass habang kausap siya ng doktor.

Hindi man malala ang sinapit ni Cass, matindi nalang ang pag-aalala ng binata sa dalaga lalo na't kapag nakikita niya ang matitinding kalmot nito sa braso.

"Next week na ang debut niya. Tuluyan na rin naman siyang makakarecover that time diba doc?"

"Hmm. Next week? Yes. Bukas pwede na siya makalabas. Basta ba kailangan pa rin nya ng pahinga para mas mapabilis pa ang paggaling niya. Let's be thankful na walang malala na epekto ang paulit-ulit na pagbagsak sa ulo niya"

Nagbuntong hininga nalang si Jace at pinasok ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pants niya. "Mabuti nalang talaga. She's strong" at bahagya sya dun napangiti at tumingin ulit sa natutulog na si Cass.

Pagkatapos ng ilang usapan lumabas na ulit ang doktor kaya't naiwan na lamang si Jace sa room ni Cass. Lumapit siya rito at inobserbahan ang natutulog na dalaga. Mula sa mahimbing at maamong mukha nito hanggang sa braso niya na may mga sugat.

Matapos niyang makita si Cass na walang malay sa school nila, Di na siya nag dalawang isip na dalhin ito sa hospital. Mabuti nalang at may koneksyon siya sa may ari ng school kaya maari siyang makalabas ng kahit anong time o kahit anong oras ng klase kapag kailangan.

Umupo si Jace sa couch at tinignan ang cellphone nito. Hindi niya alam kung anong itatype niya para iinform ang ina ni Cass na bukas pa ito makakauwi dahil sa nangyaring insidente. Hindi sila ganun kaclose ng ina ni Cass pero nakilala niya na to noong 13 years old palang siya sa isang event ng mga bigating kompanya na ginanap sa Australia.

Nung panahon na yun, dun din niya unang nakita ang dalagang nakahiga sa harap niya ngayon at natutulog.

Binalik niya ang atensyon niya sa cellphone at nagsimulang magtype sa email niya upang ipaalam kay Mrs. Mcdowell sa nangyari kay Cass. Umabot naman ng limang minuto bago ito makatanggap ng tawag.

"Hello Mr. Montefalco?" Alam na ni Cheska, ina ni Cass ang nangyari sa anak niya matapos tumawag sakanya ang staff ng school nito ngunit di pa rin niya kayang kumalma at mag-alala.

"Good afternoon po ma'am"

"Ikaw daw nagdala kay Cass? What happened? Where is she?" Ramdam na ramdam ni Jace ang pag aalala ni Mrs. Mcdowell base sa tono nito.

"She's here po Mrs. Cheska. Wala pa rin siyang malay dahil sa nangyari. Mabuti nalang po at hindi ganun kalala ang sinapit nya"

"My goodness. Who did that to her?"

"Don't worry po. May mga CCTV sa school kaya nahuli na gumawa sakanya nito. Nakick out na po."

"The principal already told me. Aba'y mabuti lang sakanila yun. Pero I still need to talk to them. Hindi pwedeng basta basta nalang sila mawala. Muntik na nilang mapatay ang anak ko. Mabuti nalang at bukas na ang uwi ko diyan."

"I know Ma'am. pero about Cass, Pwede na daw po sya makalabas ng hospital bukas. Ako nalang po mag-aalaga sakanya hanggang sa magkamalay sya"

"Thank you Talaga Mr. Montefalco. Kung hindi sayo baka ano pang nangyari sa anak ko. Don't worry, tatawagan ko nalang yung fiance niya para puntahan sya dyan at makapagpahinga ka na"

"No ma'am. Okay na po ako. Wag niyo nalang po papuntahin ang fiance nya. Mahalaga po sakin si Cass kaya bukal sa akin ang mag alaga sakanya. At wag niyo nalang po muna sabihin sa fiance nya dahil baka mag-alala lang yun"

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon