Chapter 28 (Part 1)

94 6 0
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

"ANONG SLAVE KA DIYAN? NO WAY"

"Edi wag! Tawagan nalang natin si tito Jacob" akmang kukunin ko na sana yung phone ko nung pinigilan ako ni Devianni.

"No! No! Fine!" nagbuntong hininga sya "Paanong Slave?"

Ngumiti naman ako sa reaksyon niya.

Di naman pala mahirap pakiusapan to eh.

"Basta Slave. Don't ya worry. Hindi naman ako yung tipong utos dito, utos doon. Sapat na sakin yung mabait ka lang at uutusan lang kita kapag sobrang kailangan na. Basta mabait ka lang okay na ko" pero syempre joke lang yun. Ano? Happy-happy lang ang peg niya?

Nakatitig lang siya sakin na parang may masama sa sinabi ko. Kaya tinaasan ko siya ng kilay na siya namang sinagutan niya ng pagbuntong hininga ulit sabay bulong ng "lang hiya naman oh"

Di ko nalang yun pinansin at tumayo ako ng tuwid sabay palakpak. "Okay! Tutal tinatamad ako ngayon, ikaw na gumawa ng research work natin. Bye!" tatalikuran ko na sana siya nung hinawakan niya yung braso ko. "Teka! By pair yun ah! Anong kadugaan at katamaran yan?!" aniya.

Lumapit naman ako sakanya ng sobrang lapit kaya medyo napaatras siya. Nilapit ko medyo yung labi ko sa tenga niya sabay bulong ng "Ano nga palang rule para matago yung sikreto?" kaya ayun. Halatang nag-init nanaman yung ulo niya sa binulong ko pero pinigilan niya lang.

"Good night Devianni Jake! Mwah!" sabi ko sabay flying kiss para mang-asar. Napangiwi naman siya sa ginawa ko.

Bakla nga talaga to.

Tumawa nalang ako at tinalikuran na siya.

---

"Musta yung research work?" salubong ko sakanya. Pareho kaming kakalabas lang ng kwarto at pareho narin kaming naka uniform. So that means papasok na rin kami.

Inabot niya sakin yung makapal na folder kaya binasa ko ito. Medyo nagulat pa ko dahil sobrang kapal. Siguro nasa 40+ pages tapos ang liit pa ng font.

Nice. Madadala lang pala talaga tong isa sa takot.

Di ko na siya pinansin at bumaba na. Tahimik nalang din siyang sumunod sakin.

Halatang antok pa ata siya pero di ko nalang pinansin.

After namin i-take yung breakfast, sumakay na kami ng kotse para makapasok na. As usual, Pareho kaming nasa likuran pero ang layo namin sa isa't isa. Kinuha ko nalang yung earphone ko at nakinig ng music sabay tingin sa labas ng bintana. Nagfefeeling nasa music video lang.

Habang nakatulala ako sa labas. Di ko tuloy maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Tulad ng kung paano ako makakagawa ng paraan para di matuloy kasal namin ni Devianni. Paano ko siya mapapahirapan lalo na't tali ko na ang leeg niya at bakit..

Bakit parang ang tahimik niya ngayon?

Nilingon ko siya sa kabilang side at ayun, nahuli kong nakapikit at mahimbing ang tulog. Halatang puyat na puyat. Teka? Ano bang pinagpuyatan nito?

"Nandito na po tayo"

Napatingin naman ako kay Kuya Ronald at oo nga. Nasa parking lot na kami sa school. Masyadong tahimik at maluwag ang kalsada nagyon kaya siguro mabilis kaming nakapunta. 5 minutes lang ata ang naging biyahe namin ngayon imbis na 15 minutes.

"Gigisingin niyo na po ba si Devianni?" aniya.

Tumango naman ako at napasabi nalang ng "Oo. ako na bahala"

Sinimulan ko nang tapikin si Devianni pero di siya natinag at patuloy pa rin sa pagtulog. Medyo tinapik ko ulit siya sa braso pero ganun pa rin. Di na ko nakatiis kaya sinampal ko ng malakas yung pisngi niya na siyang nakapagpagising sakanya.

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon