Chapter 6

140 7 0
                                    

Cass' POV

Nakasimangot at padabog kong sinara ang pinto ng kotse ko. Di ko pa rin maalis sa isip ko yung nangyari sa room kanina.

Yes, tahimik ako na minsan ay palaban. Moody kumbaga at alam ko naman yun pero kada maaalala kong first time kong matalo sa pakikipagbangayan at pakikipagsagutan kanina naiinis ako.

Sa harap na ng classmate ko, sa isang lalaki pa! Hays.

At isa pa, Nakakapagod ngayon at nakakastress kaya wala talaga akong ibang gustong balikan kundi ang pinakamamahal kong kama kaya naman Mala-zombie akong pumasok sa loob ng bahay at naghihikab-hikab pa.

Sinimulan ko ng akyatin ang daan papuntang room ko para makahiga narin sa kama. Bubuksan ko na sana yung pintuan nang may nagsalita sa likuran ko.

"Mukhang pagod na pagod ang baby ko hah."

Oh my.

Hinarap ko agad yung nagsalita at tama nga ako. Boses palang nya kilalang-kilala ko na!

Bakit di niya sinabi??!

Nagmadali akong tumakbo sakanya para salubungin sya ng yakap. Feeling ko natanggal lahat ng inis at pagod ko.

"Mom... Di niyo sinabi na ngayon balik niyo." I told her.

"Diba I told you last week na ngayong linggo ang balik ko para sa business? So eto na ako ngayon." Casual at ngingiti-ngiting sabi pa ni mommy.

"Uhh.. I miss you" Niyakap ko sya ulit. Yung mas mahigpit na.

Minsan nalang kasi kami magkita ni mommy eh. Siguro twice a year tapos dahil pa sa business.

Swerte nalang ako kapag nakakauwi sya tuwing birthday ko o christmas.

"So.. What happened kanina sa school mo? Uhm. Did you see him?" Nagbago naman ang emosyon ko dahil sa sinabi ni mommy.

Alam ko kung sinong him yung binanggit niya.

"Mom, let's not talk about him"
she patted my back.

"Okay baby, basta if you want to tell something puntahan mo lang ako ah? I'm always here"
"Thanks mom" I smiled.

"Okay, alam kong pagod ka. Go to your room and have some rest at ako'y magpapahinga din. Alam mo na, jetlag" Sabi nya. Patalikod na sana sya kaso may hinabol siyang sasabihin. "At oo nga pala, may pupuntahan tayo bukas na dinner."

Pagkatapos nun dumiretso na ko sa room. Bagsak agad ako sa kama pagpasok ko tapos niyakap yakap ko pa ang unan ko.

"Babe, you look tired" alalang sambit niya sakin.

Di ko siya pinansin at nanatili lamang na nakapikit at nakahiga sa kama niya. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paglalim ng kama sa kabilang side ko na tanda na may umupo rito.

"Babe.." this time hinawakan na niya yung kamay ko at alam ko na ring malapit din yung mukha niya.

I can't move. Sobrang pagod na ko. Magdadalawang oras din kami nagtakbuhan kanina habang naglalaro sa ulan.

At feeling ko magkakasakit ako sa sobrang sama ng pakiramdam ko.

"Sorry for making you tired. Pinilit pa kita makipaglaro sakin sa ulan."
sabi niya. Ramdam ko naman ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko kahit nakahiga kami while yung ulo niya ay nasa leeg ko.

"Im sorry" bulong niya sakin.

Hindi ko alam yun pero feeling ko bigla ako nakuryente dahil ramdam na ramdam ko yung hininga niya sa leeg ko.

Tumagilid na rin ako para makaharap ko siya. At shet.

Bakit ba ang pogi ng nilalang na to?

"Babe, baka mamaya tunaw na ko ah" mapang asar niyang banggit. Pabiro kong pinalo ang braso niya at tumawa ng mahina.

"Ang panget mo pala" pang-aasar ko rin pabalik. Pero syempre joke lang yun.

"Pero mahal mo."
"Kapal talaga" tumawa naman siya sa sinabi ko.

"Pero sorry talaga babe. Dahil sakin napagod ka pa. Hayaan mo aalagaan kita."

"Nah, no need. Makasama palang kita okay na ko."

Ngumiti naman siya sakin at hinawakan yung pisngi ko. Ilang minuto niya rin ako tinitigan kaya medyo nailang na ako.

Baka madumi mukha ko.

Baka ang panget ko.

Tsaka nakakahiya.

"You look so cute" matawa-tawa niyang sabi sa akin.

"Eh kasi! Para kang aso na nakatitig sa pagkain niya!"

ngumiti siya sakin at tsaka niyakap ako. Hindi lang basta yakap. As in mahigpit.

"Masama bang titigan yung prinsesa ko? Araw-araw kita tinitigan at araw-araw kong alam sa sarili ko na ang swerte ko dahil ako ang minahal mo pero ngayon ko lang narealize na hindi lang
ako swerte, kundi napakaswerte. Kung pwede lang na wag na tayong pumasok sa school at umalis. Dito nalang tayo araw-araw para palagi kita makasama" Kiniss niya yung forehead ko at tinitigan ako sa mata ko.

"Cass, Kahit minsan loko-loko ako, pls dont give up on me. Di ko alam mararamdaman ko kapag ka nawala sakin. Ayokong mawala ka sakin at lalong ayokong mapunta ka sa iba. Pls ako lang Cass. Ako lang kasi ikaw lang ang gusto ko. I love you Cass. Words are not enough para mapakita ko sayong mahal kita. Walang bagay sa mundo ang makakapag explain kung gaano kita kamahal. Tandaan mo palagi yan Cass"

Napabangon naman ako sa naalala ko.

At kahit ayoko. Kusa nalang nag-unahan bumagsak ang mga luha sa pisngi ko.

--*

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon