Chapter 4

162 7 0
                                    

A/N:

So bago ang lahat, pinapaalam ko po sa inyo na naedit ko po pala yung mga naunang chapters. Hindi sya basta naedit dahil as in lahat ata nabago dun kaya para maintindihan nyo tong chapter na to, kailangan niyo ulit basahin yung tatlo na yun. Sorry and thank you<3

--*

[Cass]

Ilang oras na kong nakatitig sa cellphone ko na hawak hawak ko pero hanggang ngayon di pa rin ako makapag isip ng tama kung bababa ba ako ng kotseng to o hindi.

Isipin ko palang yung mga mangyayari lalo na kung makikita ko sya ngayong araw di ko na kaya. Paano pa kaya kung naging totoo talaga diba?

"Ma'am mag-iisang oras na po kayo dito sa loob ng kotse at magsisimula na po yung klase niyo. Hindi pa po kayo bababa?"

Nanatili lang akong nakayuko at nakahawak sa phone ko. Tama si Kuya Ronald, yung driver ko. First day of school ngayon this year at Maaga talaga akong pumasok pero di ko alam kung bakit pagkakita ko sa school na to kanina bigla nalang akong napaatras para pumasok ngayon.

Ayoko syang makita.

Ayoko syang makausap.

Ayokong marinig boses nya.

Kasi pag nangyari yun baka bumigay nanaman ako at patawarin sya. Magiging tanga nanaman ako.

Akala ko pa naman okay na ko at kaya ko nitong nakaraang mga araw. Pero di pala at di ko rin alam kung bakit sa katarayan at pagiging sarcastic kong ito nagiging mahina at mababaw ang luha ko pagdating sakanya.

"Ma'am masama po ba pakiramdam niyo?"

This time hinarap ko na si Kuya Ronald at pinilit ngumiti at umiling.

"Ahh hindi kuya. Ok lang ako. Medyo nahilo lang siguro ako kanina. Sige got to go. Tawagin nalang kita kapag last subject na para magsundo." mahinahon kung saad.

"Hala ma'am. Kailangan niyo po bang dalhin sa hospital?"

"No need kuya. Sige na po. Got to go. Thanks"

Hindi ko na inantay ang mga susunod nyang sasabihin. tuluyan ko nang binuksan ang pinto ng kotse para lumabas at huminga ng malalim.

You can do it Cass.

Pagchecheer ko sa sarili ko.

I started to walk papuntang entrance at ngumiti na para bang wala lang yung pag aalinlangang nararamdaman ko.

May mga estudyante mula sa Grade School building at Junior High school akong nakakasalubong at bumabati sakin. Binigyan ko sila ng mga matatamis na ngiti bilang pagsagot sa bati nila.

"Ate Cass!!!"

I turned around to see the kid who's calling me at napangiti naman ako nung niyakap niya yung mga binti ko.

"Ate Cass!! I miss you!!"

Lumuhod ako para maging magkasing height kami at niyakap ko rin sya.

"I miss you too baby Jane. How's your vacation?" I asked her. She's Jane from Lower Grade School Department. I think Grade 2 na sya ngayon at nakilala ko sya nung nakita ko syang umiiyak noon sa playground sa likod ng building nila nung kinder palang sya.

"We went to Hongkong Disneyland ate Cass! I shaw Mickey and Minie! Pati shi Daisy and her noisy boyfie. I also found bush light yirr! Yung sumigaw ng 'to inpiniti and beyonddd'" She proudly told me with matching gaya pa nung sinasabi ni buzz light year.

"Talaga? Sayang di ako nakasama.." sagot ko dun sa bata.
"Its okay ate cass. We can go shometimes there if you want. Basta tell me okay at ishama na rin natin shi Kuya Darwin." Masaya nyang pahayag. Nawala naman ang pagngiti ko dahil sa binanggit nya.

"Ohh.. Okay baby.. Oops, i forgot! Titignan ko pala bago kong room this year baby okay. So bye for now. Punta ka na sa room mo at wag takbo ng takbo. Bye, pakabait hah~ love youuu"

After that iniwan na nya ako para bumalik na sa room nya.

Nalungkot nanaman tuloy ako. Im sure may iilang estudyante nang alam na break na kami. At dahil nga famous sya dito sa school di maitatangging sobrang dami din ng mga babaeng naghahabol sakanya.

At malamang masaya na sila ngayon.

Nung nasa hallway na ko ng Senior HS building. Di ko na maiwasang kabahan. Ughh! Pls naman Cass! Di ka pumatay! in fact puso mo nga yung pinatay so bakit ka kailangang kabahan. Nakakainis.

"Hi Kuya Darwin!!"

Sht.

Halos maging yelo ako sa narinig ko at para akong napako sa kinataayuan ko. Utang na loob. Ayoko pa sya makita. Di ako ready. Ayoko pa plsss!!!

So no choice, para akong tangang wala sa sarili nung tumakbo pakanan sa isa pa naming hallway para lang makaiwas pero muntik na kong maout of balance nung may lalaking nakasalamin ang bumunggo sa balikat ko dahil rin ata sa pagtakbo.

"What the fudge! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo! Bullsht!" Galit kong sinabi sakanya kaya napatigil sya sa pagtakbo at tinignan ako.

"Ako pa? Eh ikaw nga tong wala sa sarili na tumatakbo tapos ako pa ah? Wow!" sarcastic nyang sagot.

Sasagutin ko pa sana sya kaso nakita ko na sa malayo ang pagdating ni Darwin pakanan din sa direksyon namin.

Ughh!

"Oy ano na? Ma---"

Gusto ko pa sanang makipagbangayan dun sa lalaking nakabangga ko pero nawalan na ko ng chance. Tinakbuhan ko na sya at patuloy nang naghanap ng ibang lugar para makalayo doon. Narinig kong tinatawag pa nya ko pero di na ko lumingon.

Ays. Ano bang nangyayari sa akin?

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon