Chapter 38

83 3 0
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

"Yiee! Nagkakamabutihan na sila!!"

"Mommy??"

Kinuha ko yung toblerone sa drawer sa gilid ng kama ko at binuksan ito para kunin.

"Ano pang ginawa niyo ni Devianni?" kinikilig na tanong ni mommy. Shocks! Isip teenager talaga sya.

Tulad ng sabi niya kanina, tumawag nga sya sa skype para kausapin ako. Akala ko debut ang pag-uusapan namin pero ang una niyang tinanong nya sa akin ay yung nangyaring pagpapasukat namin ni Devianni kay Ninang Venice.

"Ano na?" nandun pa rin yung kilig sa tono nya.

"Yun lang. Nagpunta kaming parlor tapos boutique. Wala na" bored kong sabi.

"Wala man lang date? Sine?"

"Hmm.." Kumagat muna ako sa toblerone na hawak ko. "Dinner"

Yes. Nag dinner kami ni Devianni kanina bago umuwi sa isang resto. Mga 6:45 pm na kasi nung umalis kami ng mall kaya nagyaya na siyang maghapunan kami.

Napapikit naman ako saglit dahil sa biglang pagtili ni mommy sa screen. Naka full volume ako!

Ughh siguro naman soundproof ang office niya?

"Tamang-tama lang na siya talaga pinili ko para maging escort mo sa debut"

Napaupo ako ng maayos.

"Tutal nabanggit mo na ang debut, nagplano ka na po pala. Di mo manlang sinabi"

"Ahh yes. Last month ko pa nakausap yung may ari ng Diamond Palace na place ng event mo. Alam kong ayaw mo sa princess kaya simple yet elegant nalang ang theme ng debut mo. Basta lahat okay na. Yung gown mo nalang at yung list ng 18 roses, candles at gifts. I need it na para makapag pagawa na ng invitation."

Oh shoot. Yung mga list pa pala. Wala naman akong masyadong friends so baka mas madami akong malista na kamag anak namin. I'm sure uuwi naman yung mga pinsan ko galing U.S, England, Japan and Korea eh.

Kung nakalimutan kong sabihin, si mommy ang gitna sakanilang apat na magkakapatid. Dalawang lalaki at dalawang babae. Sila Grandpa and Grandma nasa U.S din.

"Uuwi sina Paps and Mams?" Yeah. It's slightly weird but I call my grandparents Paps and Mams.

Mas lalo naman sumaya yung mood niya at napahawak pa sya sa pisngi niya. "Ahh yes! Actually they already met Jacob and Irene. They want to meet Devianni too. Uuwi sila the day before your debut."

Nanlaki naman ang mata ko.

"What? Why they want to meet Devianni?"

"Pamamanhikan?" aniya.

"Mom? Pag pamamanhikan diba lalaki ang nagpapakilala"

Napakamot sya sa ulo niya. "Uhm. Eh siguro gusto nila makilala mapapangasawa mo" Hay nakuu.

"Okay. Sabi mo eh" Say ko tapos kagat ulit sa kinakain kong tsokolate. Malapit na maubos. Ano ba yan.

"Nga pala uuwi na ko sa Wednesday!!"

Natigilan ako sa pagnguya at saglit na sumilip sa calendar na nakapatong sa drawer sa gilid ng kama ko. May marka itong nakabilog at nakalagay na Divison Journalism Contest Awarding.

Sa two weeks palang nangyari. Naganap na rin yung Journalism Contest sa Astro Avenue. And yes oh yes! 1st place kami ni Jace.

"Too bad. Awarding namin yun. Nasabi ko na sayong panalo kami sa Division Journalism Contest diba?"

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon