Chapter 11

115 6 0
                                    

[CASS]

Dalawang palapag. Simple ang style at malinis. Yun ang kasalukuyan kong nakikita. Maganda yung bahay pero di ko maisip kung magiging maganda din takbo ng buhay ko dito sa mga susunod na araw lalo na kung may kasama akong halimaw.

Yeah. Si Devilliani este Devianni Jake.

"They're already here" Hindi pa kami ganun kalapit sa pinto ng bahay pero kitang kita ko na si Tita Irene na may malapad na ngiti kasama ang asawa't anak nya na kasalungat ng emosyon nya. Kalmado lang si Tito Jacob samantalang yung anak nila ay nakabusngaot.

Parang akala naman nya sakanyang mundo lang bumagsak ngayon. Feeling nya gusto ko rin tong desisyon ng parents namin?

I gave my best to fake a smile para hindi masira ang gabi ngayon. Hinawakan ako ni mommy sa braso at tinignan ako ng mabuti, Alam kong guilty pa rin sya pero tama na yung matinding sagutan namin kanina.

I don't want to hurt her.

Sinalubong kami ng yakap at beso ni tita irene, at ganun pa rin ang ginagawa ko. Fake smile sa kanila. Except kay Devil, di ko sya pinansin.

"So.. Tara. Papakita muna natin sa mga bata yung loob ng bahay"

Nag-agree naman sila dun kaya sunod-sunod na kaming pumasok. Pagpasok mo sa pinto ang una mong ay mga bookshelf sa gilid. Halos kuminang na ata ang mata ko dahil sa nakita ko. May maliit na table at upuan sa gilid nito. Yun ata ang living room. Unang puntahan ng mga bibisita sa bahay.

Next na pinuntahan namin is entertainment room, dito may T.V, Computer, may mga gitara at keyboard din.

Pagkatapos nun ay sa kitchen at dining area naman. Di ganun kalaki ang table dahil siguro alam naman nilang kami lang titira.

Sa taas naman ay may Apat na kwarto. Yung isa dark blue ang wall at alam mo nang panglalaki kaya malamang kay Devialianni yun. Yung pangalawa naman ay Purple at kahit aminin kong ayoko dahil sobra naman ang pagkababae ng room, alam kong akin to. Kaya no choice.

Third room, plain lang. White tapos black sa baba. Which is mas type ko pa kaysa sa napuntang kwarto sakin.

Last, doon daw sa mag-aalaga at magbabantay samin dito sa bahay.

"Mas maigi nang malapit lang ang kwarto ni Manang Sita sa inyo para talagang bantay kung anong mangyayari. Alam niyo na.." mapang asar niyang sabi.

Nanatili nalang akong nakangiti sa sinabi niya dahil di ko alam irereact ko.

"Oo nga po. Naku, mas maganda pa rin ang marriage before sex." sagot nung babaeng i think ay nasa 50s na. Si Manang Sita.

"Hayaan niyo po, wala po akong balak sa mga ganyang bagay" diretsahan kong sabi at walang paligoy-ligoy.

Makipag usap nga sakanya nababanas na ko eh, yung iniisip pa kaya nila?!

After nun, kumain na kami ng dinner dito sa bahay. At ganun pa rin, di parin mawala-wala mga energy at bunganga nila sa kakadaldal. Pakiramdam ko tuloy mas bagets si mommy at tita Irene. Samantalang ako, si Jake at tito Jacob naman ay seryoso lang.

Di ko kaya magsaya ng sobra ngayon. Magkunwaring ngumiti kaya pa pero yung tatawa na kunyari okay lang sakin lahat? I don't think so.

Mga around 9 or 10 pm, napagdesisyunan nang umuwi nila mommy at nila tita Irene. May konti pa silang bilin na iniwan samin pati kay Manang Sita bago tuluyang lumisan.

"We need to go honey. I'm really sorry. Don't worry, you can still sleep sa bahay" my mom whispered. I smiled at her at tumango. "I love you"

"I love you too" Sagot ko.

After that, tinitigan ko nalang sila na pumasok sa kanya-kanyang sasakyan. At sa huling pagkakataon, nginitian ko si mommy hanggang sa maglaho yung sasakyan nila sa harap namin.

Sa tabi ko, nandun si Devianni Jake at Manang Sita.

Tahimik lang kaming nakatitig sa kawalan kung saan nakaparada ang mga kotse kanina.

"Naku, akala ko pa naman dito sila matutulog ngayon. Kaso isang guest room lang pala meron." si Manang Sita na ang bumasag sa katahimikan.

"Di bale, aalagaan ko naman kayo" Masaya nyang dagdag. Nginitian ko nalang sya at nagGoodnight sakanya. Umakyat ako sa
kwarto at binagsak yung katawan ko sa higaan.

Ngayon palang namimiss ko na kwarto ko.

Namimiss ko si mommy.

Namimiss ko yung panahong mas okay pa.

Bakit naman kasi kailangan pa magkaroon ng fixed marriage? Sino ba kasing nag-isip nyan?

Nararamdaman ko ang onti-onting pagbagsak ng mata ko dahil sa antok, pero bago yun nakita ko pa ang pag-ilaw ng screen ng iPhone ko bilang tanda na may text na dumating.

Jace 10:17 p.m
Goodnight Cassy :)

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon