Chapter 29

91 4 0
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

Di pa rin ako mapakali. Bakit ganun di ko maiwasan maisip yung mukha nung baklang yun nung ngumiti siya?

Hays.

O sige na. Medyo cute siya. Cute niya pala pag nakangiting dalandan siya.

Nakatunganga lang ako sa dingding ng kwarto ko ngayon habang nakahiga ng diretso. Di ko kasi feel tumayo.

"Aray.." muling pamimilipit ko sa sakit sabay hawak ko sa puson ko.

Red days nga naman. Amp.

"Wala naman akong ginawang masama. Bakit kailangan ko to maranasan.." mangiyak-ngiyak ko pang sabi.

Dumapa ako na nakataas ang nakaraan ko at muling namimilipit sa sakit.

Nanghihina ako at masakit tumayo kaya wala akong magawa kundi magtambling nalang dito sa kwarto.

"Anong nangyari?"

Kahit masakit, napaupo ako ng maayos ng wala sa oras dahil sa pagsulpot ng bakla sa kwarto. "Bastos ka! Uso kumatok! Hayop!" sigaw ko.

"Paano ba naman kasi! Rinig na rinig ko boses mo sa kwarto ko. Akala ko may ginawa ka nang kababalaghan" maarte nyang sabi. Nakakainis. Ang panget pakinggan. Di porket alam kong bakla na sya ilalabas din nya paminsan minsan yung maarte nyang accent. Kakairita kaya!

"Ano ba namang tinutuwad-tuwad mo dyan?" sandal nya sa pader sa kwarto ko habang naka cross arms pa.

"Huh?"

"Wag kang magmaang-maangan. Nahuli kita"

Unti-unti, nararamdaman ko nanaman ulit ang pananapak sa puson ko kaya napahawak ako dito.

"Natatae ka?"

Tinitigan ko sya ng masama at binato ng unan. "Lumayas ka dito sa kwarto ko! Nyeta!"

Di naging alintana sakin ang sakit dahil sa pag init ng ulo ko kay Devianni. Tumayo ako sa kama ko at pumunta sa direksyon nya para palayasin sya sa kwarto ko.

"Layas! Panira ka ng araw!" Kinuha ko yung braso nya at hinila ito para ipilit na itulak sya palabas ng kwarto.

Kaso hays. Malaki ang biceps niya. Yung muscles.. Nakakadistract- este nakakairita!

"Hala! May tagos."

Natigilan naman ako sa sinabi niya nang makita ko syang tinuro yung kama ko at packing tape!

Asdfghjkl!

Meron nga!

Nabitawan ko siya at tumingin sa likod ko. At hayuf. Meron nga talaga.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig at pakiramdam ko na nag akyatan lahat ng dugo sa mukha ko ng marealize ko pa ulit na nasa harap ko ang bakla kong fiance.

"L-layas!! B-bawal bakla dito!!"

Napakamot nalang sya ng ulo niya at di na nagpatulak sakin dahil kusa na syang lumabas ng kwarto ko.

Pagkaalis na pagkaalis nya ay dumiretso na ko ng C.R para magpalit sana..

Kaso pag kaminamalas nga naman.

"Nasan na napkin ko?!"

Wahh! Di yun pwede maubos. Bakit ngayon pa!! NO!!

Kinuha ko yung robe ko at Lumabas ako ng cr at pinindot yung puti na gadget na nakaconnect sa kitchen at kwarto ni manang pa sa direct communication sakanya.

"Manang. Nandyan ka?" sabi ko dito hoping na marinig agad ni Manang Sita.

"Manang? Nandyan ka? I need something" ulit ko pero wala pa rin nasagot. Baka may ginagawa kaya inulit ko ang sinabi ko.

"Manang. Ubos na sanitary napkin ko. I need it right now" pagmamakaawa ko na dito.

Biglang umilaw yung gadget ko hudyat na sasagot si Manang sakabila.

YES!

"Wala si manang"

Natameme naman ako at sa pangalawang pagkakataon. Para akong binuhasan ng tubig mula sa north pole ng iba ang marinig kong boses.

"Hoy?"

Tulala at nahihiya pa rin ako ng marinig ko boses nya. Nakakainis! Kainin mo na ko lupa!! Kanina nakita nya yung tagos ko.

Tapos... Tapos.. Tapos ngayon...

"Ano ba brand na ginagamit mo? Whisper o Modess? ako na bibili"

Kahit nainis ako bigla sa pagmamaarte accent nanaman nya, nandun pa rin yung hiya ko dahil sa mga nasaksihan nya ngayon.

Hinawakan ko yung pisngi ko at umiling iling sa hiya. UGHHH! Wae?? (why??)

Umilaw ulit ang gamit na nasa harapan ko ngayon tanda na may paparating ulit na voice message.

"Whisper nalang ah? Pakiramdam ko mas maganda yun eh. Bibili na rin ako ng chocolate. Pampakalma mo yun diba sabi ng mommy mo tuwing may regla ka?"

Ang bunganga mo Devianni! Nakakainis!!!! Hiyang hiya na ko!

"Ayy bahala ka. Bibili na ko ah. Bye"

At ayun. Tuluyan na ata akong nalugmok sa dagat ng kahihiyan.

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon