Chapter 43

80 1 4
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

Aj. Sino ba yang Aj na yan?!

Di kaya lalaki ni Devianni?

Napatakip naman ako sa bibig ko dahil sa gulat. Hala! Paano kung lalaki nga ni Devianni? Eh panglalaki kayang pangalan yun.

Omg.

"Anong iniisip mo diyan?"

Umiling-iling nalang ako sa tanong ni Devianni. Hays. Imagination ko talaga. Nakakainis.

Nandito kami ngayon sa garden ni Devianni at tinutulungan niya kong mag-isip kung sino ang mga isasama ko sa list sa debut.

"Pag tapos ka na punta tayo dun sa office nung kilalang photographer para makapag photo shoot ka na at mailagay sa invitation mo"

"Okay."

Dahil wala si mommy, si Devianni ang inaatasan niyang sumama sakin para sa mga kailangan ko pang paghahanda sa debut. At tutal di na kami nakapasok edi pupunta na kami mamaya dun sa office at didiretsong Sirenas de garden dahil dun ako magphophoto shoot.

"Ilan nalang kulang?" tanong niya. Tinignan ko ulit yung journal ko na pinagsulatan ko ng mga isasali ko sa candles, gift at roses.

"dalawa sa 18 roses." Actually ito talaga yung huling listahan na talagang nahirapan ako ng pipiliin kasi wala akong mga close na lalaki kaya puro pinsan ko nalang ang nilista ko.

Tinignan ko ulit yung listahan. Gusto kong ilagay si Jace kasi friend ko naman siya kaya lang alam ko naman sitwasyon nila ni Devianni at lalo na't inamin nga niyang may gusto sya sakin nung nag away sila ni Devianni sa M-shop.

"Cass, debut mo to. Wag mo ko intindihin"

"Hah?"

Tinuro nya yung journal ko. "Kitang kita sa mukha mo na gusto mo isulat si Jace kaso nag aalanganin ka"

"Wow ah! May superpowers ka mambasa ng isip? Tsaka kapal ah. Porket nag aalanganin, concern ako sayo?"

Kumunot naman ang noo niya at di nalang sumagot. Napahiya ko ata kahit totoo yung naiisip niya. Pero sige nalang, wag ko na bawiin. Minsan nalang ako makapang away sakanya na talo siya eh.

Dahil tumahimik na siya, nilista ko nalang sa number 17 si Jace at ang mokong napasimpleng tingin sa papel ko habang nakapang halumbaba.

"Siguraduhin mo lang na hanggang sayaw lang yan ah. Baka manligaw yan pagkatapos ng party mo"

Pinalo ko siya ng journal ko. "Baliw. Sa tingin mo may pag asa to? Ano? May fiance na ko tapos maghahanap pa ko ng boyfriend?"

Ngumiti naman siya na mukhang timang sa sinabi ko. "Good. Mabuti alam mo. Loyal ako sayo kaya dapat ganun ka din"

Napairap nalang ako sa kawalan. Loyal daw eh laging may katawagan na Aj.

Eh teka? Pake ko kung may Aj siya? Tsk.

Bumalik na ulit ako sa pag iisip ng last dance ko sa 18 roses kaso lang wala na talaga akong maisip. Kung di lang naman sumakabilang bahay si daddy ngayon edi sana nalista ko na sya at kumpleto na to.

Nung makita ni Devianni wala na kong masulat inagaw nya sakin yung journal ko at may sinulat dun sa last number. Pagtingin ko pangalan niya ang sinulat niya dun.

"Uy nandyan ka na ah?"

"Wala ka na masulat kaya tanggapin mo nalang na ako na first and last dance mo"

"Edi shing!" Yan nalang ang nasabi ko tapos tumayo na. Di na ko pumalag dahil ayoko na rin mag isip kung sino isasayaw ko.

Inutusan na niya ko magbihis dahil pupunta kaming office sa kilala niya daw na photographer at para makapag photo shoot na sa Sirenas de Garden. Ang cute pa naman dun. Daming butterflies at mga fountain.

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon