Chapter 56

84 6 1
                                    

"Liligawan kita Cassiopeia McDowell"

Tulala ako at laglag pangang naiwan nung binitawan nya ang kamay at bewang ko.

Ayaw magsink-in sa utak ko eh..

Si Devianni?

Yung bakla na yun..

Yung bakla na yun liligawan ako?!

"next, 18 treasures.."

Pero bakit ganun? Imbis na magulat ako may nararamdaman ako sa kalahati ng puso ko na masaya ako. Eh? I can't explain the feeling.

Or baka naman sinabi niya lang yun kasi magkasayaw kami ni Jace kanina. Di kaya nagselos lang sya?

Ang gulo!!

"My soon to be daughter-in-law. This is for you, sana may progress na sa inyo ni Devianni"

Tsaka naman ako natauhan nung nagsalita si tita Irene sa harapan ko. Dun ko lang napansin na sunod-sunod na pala yung mga taong nasa 18 roses.

"Legal age ka na. Pakasal na kayo bukas. Gusto ko na ng apo." dagdag nito. Napatawa nalang ako at tinanggap yung regalo.

Kasal agad?

Liligawan pa nga lang daw nya ako eh....

Marahan kong sinampal yung sarili ko dahil sa imagination ko.

Hays Cass! Gising! Not the right time to overthink!

Inilagay ko yung gift ni tita Irene sa katabi kong table at hinarap pa ang 17 na tao na may dala-dala ring mga regalo.

--

Natapos na din lahat-lahat at sa wakas ay kainan na. Nandito ako sa center ng stage habang nakaupo sa mala-pang prinsesa ng upuan. Tinitigan ko nalang yung mga bisita sa tables nila habang kumakain dahil yung akin wala pa.

"Oh.."

Napatingin ako sa taong nakasuot ng white na coat at may hawak hawak na plato na may iba't ibang pagkain. Sa isang iglap, nakaramdam nanaman ako ng pagka-ilang sa sinabi niya kanina.

"Wag kang mailang. I'm serious with what I said awhile ago" seryoso niyang saad. Mas lalo pa sya lumapit para ilapag yung plato sa table na kaharap ko. Tumalikod na sya para bumalik sa table nya pero nakakatatlong hakbang palang sya ay lumingon nanaman sya sakin. Sa puntong yun nahuli ng mga mata nya ang mga mata kong nakatitig sakanya kaya yumuko nalang ako at nagkunyaring naghahanda na sa pagkain.

Narinig ko ang yapak nya pabalik sa pwesto ko. Halos mabuhusan ako ng tubig nang maramdaman ko ang kamay niya na marahang hinawakan ang chin ko para iangat at makakita ulit sa mga mata niya.

At wala akong masabi kundi.... ang gwapo niya. isama mo pa yung mga labi niyang nakakapang-akit..

Naramdaman ko nalang ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sakanya. Bakit ba ko kinikilig? Hoy Cassiopeia! Baka natatandaan mong inaaway ka lang nya noon? Just think of those memories!

"Wag ka mag overthink okay? Just enjoy your party. But.. it also doesn't mean na wag mo seryosohin sinabi ko sayo. I don't have any experience about this pero tsaka ka nalang mag overthink kapag nagstart na ko magmake ng moves sayo. But for now, ienjoy mo muna party mo dahil kanina ko pa napansin na lutang ka after kita makasayaw"

"Kapal" Yan nalang nasabi ko. Ako lutang after nya makasayaw? Gulat lang ah! Kasi naman nakakagulat kaya!

Kasi! Kasi! Kasi!

Kung bakit naman kasi biglaang ganyan sya!!

"Eat well, my princess" He said At Hindi ko inaasahan yung sunod nyang ginawa..

What....

Chickenipotato. Hinahabol ata ng zombie yung puso ko.. Ang bilis

Ngumiti siya at tuluyan nang umalis sa stage.

"Yieee! Sweet!" sigawan ng mga tao sa kanilang mga table.

Huh?

What the! Nakita nila yun?!

Napayuko nalang ako at napahawak sa pisngi kong nag-iinit. Kainis! Baka namumula ako!!

Bakit ba sya ganyan! Di daw ako mag overthink pero sa mga pinaggagawa nya di ko maiwasan mag overthink!

Kinuha ko na yung kubyertos sa gilid ng mesa na kaharap ko. Sakto naman na nakita ko yung reflection ng mukha ko dito kaya napatingin ako sa point ng nose ko.

Tama ba namang halikan yung part na yun sa harap ng maraming tao?

Devianni, nasapian ka na ba??

--*

It's been a while.. Whuuut? Kahit ako medyo limot ko na plot ng story na to kaya very short update lang muna ngayon. sorry,irerefresh ko muna sa utak ko yung story nito. Hahaha. Thank you po sa mga nagbasa :)

-Sheng.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon