Chapter 33

90 4 1
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

Buong byahe ata ay tulala ako sa mga kotse sa labas habang papunta sa Astro Avenue.

Kinakausap naman ako ni Jace pero kasi. Walang pumapasok sa isip ko kundi yung itsura ni Devianni kanina.

Ughh! I mean. Yes, pang ilang beses na ba nya kong binantaan na hahalikan pero kanina kasi parang may something e.

Dahil mas malapit sya sakin kanina at halos magdikit na talaga mukha namin nung sinabi nya yun?

O dahil eye to eye nya sinabi sa akin yun.

O dahil sa husky na boses nya?

"We're here"

Natigil naman ako sa pagmumuni nang magsalita si Jace. Tsaka ko lang narealize na heto kami at nasa parking lot na nga.

Di ko man lang namalayan na nandito na kami dahil sa Devianni na yun. Nakakainis talaga!

Tinanggal ko na agad yung seatbelt bago pa makalapit si Jace. Siguro dahil naexcite sa cake? Uhmm..

Napakamot nalang ng ulo si Jace sa inasta ko. Bubuksan ko na sana yung pintuan ng pinatigil ako ni Jace.

"No! Ako na. Just wait!" agad-agad syang bumaba sa kotse at lumipat sa labas ng pintuan ko. In-open nya yun sabay lahad ng palad nya. I have no choice but to take it.

"Let me be your prince today" Aniya with his sweetest smile. Nabigla naman ako sa sinabi niya pero di ko nalang pinahalata. Medyo nakayuko nalang akong lumabas habang magkalapat ang palad namin dahil sa medyo nahiya ako. Or maybe I'm blushing?

Habang papasok kami sa mall ay di ata nakatiis si Jace kaya tinanong nya ko.

"Himala ata at di ka nagtataray ngayon?"

Automatic naman na tumaas ang kabila kong kilay dahil sa sinabi nya. Tumawa sya sabay sabi ulit ng "Ayan. That's the real Cassiopeia"

Nakataray mode man, di ko napigilan ngumiti sa sinabi nya kaya hinampas ko nalang sya sa braso nya na syang lalo pang nagpatawa sakanya.

Matiwasay naman kaming nakaabot sa cake shop nila pero pagpasok na pagpasok palang namin halos lahat ng staffs sa loob ay napatingin samin. Pero hindi sila ang pinagtuunan ng pansin ko kundi yung mga cake na nakadisplay.

Ughh! Omg! Chocolate agad nakita koooo!

"Hi Sir Jace. Girlfriend niyo po?" Bungad nung babaeng siguro ay nasa 5'0 ang height at maikli ang buhok sa counter.

"Special Friend" tipid pero ngiting-ngiti na sagot ni Jace. Kinuha nya ang kamay ko at sinama na ko sa likod. Maybe sa kitchen.

At nung pagpasok na pagpasok ko palang ay halos mamangha ako ulit.

Halos lahat ng mga tao dito ay busy pero syempre binati parin nila si Jace pati na ako. Nakita ko rin yung mga hinahandang icing. Yung mga shineshape na cake. Pati mga ginagawang toppings at madami pang iba. Natutuwa din ako sa dinadagdag nilang decorations sa cake.

Nakapunta kami sa isang side ng kitchen kung saan clear ang table pero nandun lahat ng ingredients at mga kailangan sa paggawa ng cake.

"German Chocolate Cake nalang ituturo ko sayo. Madali lang yun"

Um-oo nalang ako dahil wala naman akong alam sa pagbebake. Atleast diba pag wala akong magawa sa bahay makakagawa na ko ng cake pag may natutunan ako dito.

Medyo nagtagal kami ni Jace pero masaya naman. Nung nilagay nanamin sa oven nila na sobrang laki yung cake ay wala na kaming ginawa kundi paglaruan yung mga natirang icing na nagawa namin. Sinimulan nya yun sa pagkuha nito gamit ang daliri at pinahid sa ilong ko.

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon