Chapter 39

81 3 0
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

"Cass, anong oras ka uuwi?"

Nilingon ko si Manang at tumingin sa wrist watch ko.

"Siguro mga 6:30 pm. Mabilis lang to" Sabi ko at nagpaalam na kay Manang.

Paalis ako ng bahay ngayon para maglakad-lakad. Plano ko sana na gumising ngayon ng maaga para magjogging kaso lang nalate ako ng gising dahil alas kwatro na ko ng umaga nakatulog sa kakaisip kagabi.

Bukod kasi sa sinabi ni Devianni sa boyfriend chuchu na yan. Nakita ko siyang nagsusunog ng mga gamit nung alas dose ng gabi sa backyard. Mga gamit pambabae, pink notebook, pati pambabaeng ballpen, mga high quality na gamit pang sarili na pambabae din! (Personal hygiene) and even make-ups. Buti nga di nya ko nahuli nung time na yun eh pero sobrang weird.

Sakanya ba yun?

Natigil ako sa pagmumuni nung may makita akong pamilyar na mukha sa malayo na pasakay ng kotse.

Teka..

"Ate Anjelica!" lumingon naman yung babae dun sa tumawag sakanya na batang babae din. Siguro mga 7 years old na ito. Medyo chubby siya at cute. Mas lalo pang nagpacute sakanya yung pink dress niya at maliit na tiara sa ulo niya.

"Pasalubong ko."

"Alecka, I'm going to a party. Not abroad. Anong iuuwi ko sayo? Vodka?"

"Yuck!! Vodka! I'm gonna tell this to dad. That's the reason why Kuya DJ dont like you. You're like a wild animal na nakatakas sa cage nila when it comes to party"

Napairap naman sa kawalan si girl. "Nagpaalam na ko kay Dad. At sinama mo pa si DJ ah? Go back to your room you little brat"

"Whatever." tapos irap din nung bata. Ayy sayang. Cute sana may ugali lang.

Pumasok na rin sa loob ng kotse yung Anjelica.

Ang sweet ng mukha niya pero bakit parang may iba sa ugali niya? Ibang-iba dun sa tahimik na babaeng nagbabasa sa Nutella Frozen Shop. Yung sinalubong ni Devianni.

The fudge.

Para namang may kakaiba sa dibdib ko nung naisip ko na magkasama sila ni Devianni.

"Okay wala to. Magjogging ka na nga lang."

I tried to focus my mind on what I am doing right now. Naglakad lakad nalang ako para mamaintain yung weight ko ngayong week.

Actually wala naman talaga akong pake sa katawan ko kaso lang naisip ko na nasukatan na ko. Paano kung fitted yung gown ko sa debut? Ayoko naman mapahiya dahil pumutok ang gown ko sa sikip sa debut ko diba?

Imagine mo nalang pag akyat ko sa stage ng diamond palace biglang pumutok yung gown ko sa harap ng maraming tao. Ughh. So embarrassing.

Sa paglalakad ko, napagdesisyunan kong magstay muna sa park ng subdivison. May mga konting bata na naglalaro doon sa playground kaya dun ako sa bench umupo.

Binuksan ko yung dala kong tubig at ininom ito.

"Cassiopeia?"

Dahan-dahan kong nilingon yung boses na tumawag sakin galing sa kanan ko at halos mabuga ko yung iniinom kong tubig dahil sa nakita ng mata ko.

"Darwin."

Oh. The jerk.

Napayuko sya sa kinaroroonan nya na parang nahihiya pa.

Wait, nasan yung girlfriend nyang sugo ng mga baklang manika?

"Hey... Long time no see. How are you?" bati niya.

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon