Chapter 23

103 6 4
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

"ANO BANG MERON DYAN SA UTAK MO?"

Pagpasok palang ng bahay ay di ko na maiwasang masigawan sa galit si Devianni.

Kanina pa ko nagpipigil sumigaw simula nang hilain niya ko mula kay Jace kaso lang di ko magawa dahil ayoko namang makadistract sa driver namin kanina sa loob ng sasakyan.

Nanggagalaiti ako ng sobra-sobra. Hindi ko lang dalawang beses napatay si Devianni sa isip ko. Isang daan na beses na! Nanggigigil ako to the point na gusto ko siya buhusan ng acid!

"Hoy saan ka!?" sasabog na ata ulo ko sa sobrang init nito dahil sa pinaggagawa ng abnormal na nasa harap ko.

Sukat lagpasan ako habang sinisigawan siya?

Napaka bastos ng ugali! Antipatiko!

"Ughh! Ang panget mo!" inis kong sigaw. Feeling ko any second puputok at magiging fireworks na yung ugat sa utak at leeg ko sa sobrang lakas ng sigaw ko sakanya.

Huminto naman siya bigla nung nasa ikatlong hakbang na nya sa hagdan. Akala ko lilingunin niya ko pero mas nainis ako dahil kukunin lang pala niya yung phone niya at mukhang may sinagot na tawag.

"Yes dad?"

Nanatili naman siyang nakatalikod sakin samantalang ako pinapatay siya sa titig gamit ang matutulis at matalim kong mata. Kung nakakamatay lang ang tingin nagdidiwang na ko kanina pa.

"Okay. Bye" tapos binalik na niya sa bulsa yung phone niya.

After nun dali-dali siyang bumaba ulit ng hagdan na parang nagmamadali. Akala ko lalagpasan niya lang ako ulit pero nagawa niya pang huminto sa akin at nagsalita.

"May emergency meeting na magaganap sa office. Dahil wala si dad, ako ang haharap dun kaya aalis ako." and with that tuluyan na siyang naglaho sa harap ko.

May paalam pa! As if naman may concern ako sakanya. Buti naman lalayas siya. Sana naman di na siya bumalik.

Dumiretso na ko sa kwarto ko na may kasama pa rin na nararamdamang inis. Syempre di naman ganun kaagad mapapatawad yung isang yun.

Kinuha ko yung phone ko at dinial ang number ni Smritti. Actually, isa siya sa tatlo na nasa contacts ko. Una, si mommy. Yung isa ay si Manang Sita. Hindi ko na tinanong kay Smritti dahil alam ko naman ang number niya. At isa pa, wala na kong balak ipagsabi sa iba ang new number ko dahil baka malaman pa ng Devianni na yun na may bago akong phone.

Nakailang ring at redial na ata ang ginawa ko pero puro unattended ang naririnig ko sa kabilang linya. Itinabi ko nalang ang phone ko dahil mas lalo lang ako naiinis. Wala naman ako number ni Jace. Hinanap ko rin siya sa facebook pero di ko siya matunton. Nakita ko twitter at instagram niya pero 2 months ago pa ang last tweet and post niya. Wow, so updated huh.

Nung sobrang nabore na ko napagdesisyunan kong magpalit ng damit para makalabas ng bahay at magmuni muni. Siguro para mapakalma nalang din ang sarili ko.

5 pm narin ako nakalabas ng bahay. Tahimik lang dahil nasa kanya kanyang loob ng bahay mga tao rito. Laging may sariling mundo at di marunong makipag usap sa kapitbahay. Buhay mayaman nga naman.

Nung ilang metro na ko malapit sa park medyo nahinto ako dahil parang may napapansin na ko. Kanina ko pa napapansin na nasunod sakin yung Veneno LP750-4 na Lamborghini. Hindi naman ako masyadong natakot dahil malapit na rin ako sa park at may mga batang naglalaro at may mga tao na rin dun pero di ko rin naiwasan na maghanap ng bagay na pwedeng maihahampas sa kung sino man yung laman ng tao sa kotseng nasunod sakin kung sakaling sumugod sa akin.

Naglakad ako ng sobrang bagal para icheck yung kotseng nasa likod ko at ramdam kong medyo pinatakbo din ng kaunti nung kung sino mang driver ang nagdradrive sa likod ko. Ginawa ko pa siya ulit ng isang beses at yun din ulit ang nangyari.

Sa sobrang inis ko tumalikod ako at pinuntahan yung lamborghini sa likuran ko at walang pakundangan na sinipa yung unahan nito. Wala akong pake kung mahal to!

"Nakakabastos ka ah! Sinusundan mo ba ko?" inis kong sigaw habang pangalawang beses na sinipa yung unahan nito.

Naramdaman ko naman ang pag open nung pinto at di ko expected kung sino ang lalabas mula dito.

"Woah! Relax Cassy! Relax! It's me Jace"

Natulala naman ako mula sa pagkakasipa at kunot noo pang binanggit ang pangalan niya sa patanong at di makapaniwalang tono.

"Sorry. Nahalata mo pala ako at di ko alam. na magfrefreak out ka dahil sinusundan kita" aniya.

"Baliw ka ba? Sino ba namang di matatakot dun! Kahit mahal pa yang sasakyan mo medyo kakabahan ako noh!"

"Sorry"

Pinilit kong ikalma ang sarili ko at ngumiti sakanya.

"Okay na. Next time, wag na wag mo na gagawin yun please? Di lang sipa aabutin nitong alaga mo"

Natawa naman sya dun sa sinabi ko at nagsorry ulit.

"Nga pala, bakit ka nandito at bakit mo ko sinusundan?" tanong ko.

Kinamot niya muna ang batok niya bago sumagot. Mukha pa siyang nahihiya.

"Uhm. Sinundan kita nung hinila ka nung fiance mo kaya ayun. Pinatawag ko yung secretary ni dad para magset ng emergency meeting sa company ng fiance mo tapos yun. Di lang agad ako nakapasok sa bahay niyo dahil nahihiya ako."

What? So siya ang dahilan kung bakit umalis ang Devianni na yun? Omg I owe my life to him.

"E teka. Bakit mo nga ko sinusundan?"

Sumeryoso ang mukha niya at mukhang nagdalawang isip pa siya kung itutuloy niya ang sasabihin niya sakin.

"Hey?" panggigising ko dahil medyo natahimik at natulala siya.

"Cass. Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. May alam ako tungkol sa fiance mo"

Tila bumagal saglit ang oras sakin nung marinig ko ang mga salitang yun. Halos makalimutan ko na pero ramdam ko ang kaba sa dibdib ko na maalala ko dahil sa sinabi niya.

"Cass. Si Devianni."

Teka. Natutuwa na kinakabahan ako sa sasabihin niya ah? Eto na. Eto na yung secret na maipanglalaban mo sa fiance mong abnormal Cass! This is it!

Ilang segundo sya huminto bago magpatuloy muli sa sasabihin niya pero hindi ko ineexpect at halos malaglag ang panga at mata ko sa mga salitang dinugtong niya.

"He's a gay"

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon