Chapter 22

99 4 0
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

"Cass, yung kilay mo magjojoin force na"

Natigilan ako sa sinabi ni Smritti at lalong tinitigan sya ng masama.

Nababanas pa rin ako.

Ilang oras ko rin pinagplanuhan kung paano ko malalaman sikreto ng Devilianni na yun kaso lang pagdating ko naman dito sa school wala si Jace. Malas pa dahil absent siya. Emergency daw tungkol sa business ng family nila.

May bago akong phone pero Wala naman akong makuhanan ng number niya dahil di pala sya nagbibigay ng number niya sa iba.

"Beastmode na beastmode ka sa fiance mo noh?"

Oo! To the point na ang sarap niyang batukan! Nakakainis!

Pinanliitan ko siya ng mata at nagpatuloy nalang sa pagkain ng lasagna ko. Di na rin siya sumagot dahil alam niyang masama ako makausap pag nasa beastmode level ako (Kahit na palagi talaga akong beastmode)

After nun nagring na yung bell sa school na naghuhudyat na tapos na yung break time at kailangan na naming bumalik sa kanya-kanyang room kaya kahit ayoko pa bumalik dahil katabi ko yung mokong na yun ay no choice ako kundi tahakin ang way papuntang room.

Nang makarating ako sa room naabutan ko 'siya' na mukhang bored na nakahalumbaba at may sinusulat sa notebook niya. Nang mapansin niyang paparating ako tinago niya agad sa bag niya yung notebook at balik din sa dating aura. See? Masikreto siya!

Malaman ko lang talaga yung gustong sabihin ni Jace. Paktay ka sakin.

Pagkatapos nun dumating si Teacher Eumi, Teacher namin sa Biology at nagturo na rin. Di ko lang alam kung bakit buong klase di ko maiwasang mapatingin kay Devianni. Parang gusto ko siyang suriin magdamag para mag antay ng sign about sa kung ano yung tinatago niya sa sarili niya.

Kung bakit kasi wala ba naman si Jace.

"May research work kayo today about DNA Mutation. By pair yun at bukas niyo ipapasa" announce ni Teacher Eumi.

"Kayo po mag-aassign ng partner?" tanong ni Charmine, yung isa kong classmate.

"No. Kayo na mamimili"

Pagkatapos sagutin yun ni ma'am, kanya kanya na yung pag-apaw ng ingay sa room. Partner tayo here, partner tayo there ang puro maririnig.

"May partner ka na?" tanong ko kay Ashley, pinakamatalino sa klase pero magaling sa fashion.

"Meron na eh. Si Lorence"

Tumango-tango nalang ako. Tumingin ako sa iba para magtanong pa kaso halos lahat sila may partner na.

OO NA. AKO NALANG MAG-ISA. SANAY NA AKO MAPAG-ISA

"Lahat ba may partner na?"

Wala pa!

"Si Cass po ata?" sigaw ni Ashley.

"Cass, wala ka pang partner?"

Kakasabi nga lang diba?

Imbis na magsalita dahil baka maging sarcastic ako, mas pinili ko nalang umiling bilang sagot sa tanong ni Teacher.

"Si Devianni Jake rin po ata" singit pa ng isa naming kaklase.

Nanlaki naman ang mata ko at agad na tinago ang pandidiring ekspresyon ko.

No way! I'd rather be alone than to be with that poor potato!

"Sila na lang walang partner?"

At sabay-sabay na nagsabi ng "Yes" ang mga kaklase ko.

No!

"Kayo nalang Ms. McDowell at Mr. Clinton"

I died.

"Yiee! Bagay sila" singit nanaman nung isa ko pang kaklase. Like what? Anong kabastusan pinagsasabi nito?

Dahil dun naging choir na ulit ang klase dahil sa pangungutya nila. Nasilip ko naman ang expression ni Devianni na kunot ang noo at mukhang nandidiri.

Kapal ng mukha mandiri. Dapat ako nandidiri eh

Pagkatapos ng mahaba-habang kutyaan ay natahimik na rin ang klase. After nun ibang subject na ang lumipas hanggang sa mag-uwian na.

Nauna na kong lumabas ng room kahit alam kong isang kotse lang ang sasakyan namin nung lalaking yun.

Bahala siya sa buhay niya.

Paglabas ko may naabutan akong isa pang nakakairita na tao na naghihintay sa hallway.

Wala na bang mas iirita sa araw ko?

"Cass" panimula niya. "I know na medyo makapal na ang mukha ko para gawin to pero.. uhmm. Can we talk?"

I rolled my eyes at him at nag cross arms.

"May pa 'medyo makapal na ang mukha ko' ka pang nalalaman eh makapal naman talaga mukha mo" naiirita kong sagot.

Mukha naman siyang nasaktan sa sinabi ko pero I don't care. Wala pa yan sa kuko ng panloloko at pambababae niya.

"At isa pa, I have research work with Devianni kaya wala akong time makipag usap sayo. At kung meron man, hindi ko pa rin gugustuhin makaharap ka" Wala nang paligoy-ligoy pa na sinabi ko.

Kahit ayoko, I need to mention Devianni para lubayan ako ng isang to. Wala din naman ako choice kasi yung lalaking yun pa rin naman makakasama ko sa bahay.

"Anong nangyayari?"

Sabay naming nilingon ni Darwin yung lalaking kalalabas lang ng room. Malungkot pa akong sinulyapan ni Darwin na parang sinasabi na si Devianni na pala ang pinalit ko sakanya. Like eww.

"I just want to talk to her" pangunguna ni Darwin.

Tinignan ako saglit ni Devianni at tumingin ulit kay Darwin. Ilang segundo pa sya nakatunganga bago sumagot.

I know it's a N-

"Okay."

Okay?!

Laglag ang panga ko sa sagot ni Devianni.

Anong kalokohan to?! Bakit siya pumayag? Bakit? Dahil alam niyang galit ako dito? Dahil trip niya? O gusto niya lang ako inisin?

Bakit?!

Tapos kay Jace ni isang metro ayaw niya ko makalapit!

Huminga ako ng malalim at pinilit kumalma.

Keep Calm and be Cool Cass.

"Desisyon ko pa rin ang mananalo kaya it's a no" Mataray kong sagot.

"But Cass, please?" pagpupumilit pa ng ex ko.

Itutuloy pa sana ni Darwin yung sasabihin niya kaso may biglang sumingit sa eksena sa pamamagitan ng pagtawag nanaman sakin. Nang lingunin naming tatlo halos magulat ako nung makita ko siya.

Bakit pa sya pumasok kung kailan uwian na?

"Jace!" ngiti kong tawag.

Yes! Nandito siya!

Hahakbang sana ako palapit sakanya kaso isang kamay ang humawak sa braso ko.

"We need to go" At sa pangalawang pagkakataon laglag nanaman ang panga ko sa sinabi ng fiance kong abnormal.

Sinubukan kong magpumiglas kaso nagmadali siyang hilain ako para makalayo agad sa lugar na yun. Di pa sya nakuntento, binuhat niya ko na parang sako para mabilis ang pag-alis namin sa hallway na yun para makapuntang parking lot.

Di ko man makita pero alam kong madaming nakatingin samin pati pagtawag ni Jace naririnig ko rin pero mabilis lang ang paglalakad ni Jake na parang akala mo isa akong sako sa palengke na kailangan nang ideliver.

Nahihilo man, Sigaw lang ako ng sigaw at palo rin ng palo sa likod niya.

"Shut up" At ayun. Natahimik ako nang marinig ko ang nakakatakot nanaman na boses niya.

Nakakainis!

Bakit ba wala na kong laban kapag seryoso boses niya!?

At Ano ba talagang problema niya kay Jace?

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon