Chapter 6

20.6K 190 1
                                    

"Mga kahon sa likod ng L300. Nag-deliver kami sa Bulacan, na-stranded kami By. Hindi mo ba nakita yung sangkatutak kong mesaages sa'yo? Nagpapasundo pa nga ako kay Mang Pete. Wala, walang nangyari. Matutulog na 'ko By, okay? Pwede?"

Naghihinala sya 'pag France ang tawag ko sa kanya at hindi Baby o By. May paranoia syang may iba ako lagi. Nang araw na yun, tama sya for the first time.

"Agad? Kakakausap ko lang sa'yo o? Bababaan mo na 'ko?"

"By naman. Halos wala akong tulog."

"Aalis na 'ko ngayon para bukas ng umaga andyan na 'ko."

"Bahala ka." Ibinaba ko na ang phone.

Nag-ring ulit. "O?! Ano ba?"

"Liana?"

"Dan! Sorry! Akala ko kasi si-"

"Sino yang Dan?" biglang sulpot ni Paula sa pinto ko. "Isusumbong kita kay Kuya France!"

"Ayusin mo pag-aaral mo! Hindi yung bumabagyo, dito pa kayo ni Jon sa kwarto ko nag-lalandian," taboy ko sa kanya at isinara at ni-lock ang pinto.

"Sino yun? Kapatid mo?" tanong ni Dan.

"Ha?" mas mataas nga ang boses ko. Tuwang-tuwa akong tumawag sya. Dumapa ako sa kama at tinakpan ko ang ulo ko ng mga unan para hindi talaga marinig sa labas ang mga sasabihin ko kay Dan. "Anak ng asawa ni Papa," sagot ko. "Kumusta ka na? I mean, kumain ka na?"

"Hindi pa, ito kakain pa lang. Ikaw?"

Tanungan lang ng pagkain pero kilig na kilig ako. Para akong bata. Inirapan ko ang sarili ko pero kinikilig pa rin ako. "Hindi na. Baka kasi marami pa silang tanong 'pag kumain ako. Gusto ko nang magpahinga."

"Hindi pwede yan Liana. Magkaka-Ulcer ka nyan. Kumain ka. After nito, kumain ka ha?"

"Oo na, sige na, kakain na," ayon ko.

"Bukas anong gagawin mo?" tanong nya. "Pwede kaya tayong mag-movie?"

Si France uuwi. "Hindi eh. Marami kasi akong gagawin. Siguro sa Monday? After work? Gusto ko rin kasing mapanood yung cartoons na bago?"

"Ah oo. Sige, sige. After work," payag nya. "Sa Sabado sa Bulacan okay ka pa rin ba?"

"Gagawan ko ng paraan," sagot ko.

Hindi ko mapaniwalaan ang sarili ko pero gusto ko 'to. We're happening. Lalabas kami sa Monday, makikita ko sya araw-araw sa office at sa Sabado pipilitin kong pumunta sa Bulacan.

"Ulam ko tinola. Malapit nang maluto. Kung nandito ka, mauubos mo 'to lahat sa sarap," sabi nya. Nakarinig pa 'ko ng kitchen sounds. Nag-luluto nga sya.

"Sayang naman. Luto ka ng ganyan sa Sabado?"

"Spaghetti sa Sabado eh. Special day, pasta."

Ngumiti ako. Gumulong ako sa kama sa kilig. "Ganun ba? Sige."

Kung nakikita ko lang sarili ko, kinurot ko na ang sarili ko sa singit. I'm sure na 'pag si Paula yung ganto matatamaan sya sa'kin.

Pero kasi. Si Dan kasi. Spaghetti daw. Sa Saberdey!

Waaa!!!

"Tapos sa susunod na punta natin dun ikaw naman ang mag-luto," sabi nya. "Kain tayo. Luto na 'tong Tinola."

Hayyyyiiii... Kami na ba? Ba't kami ganito? Ang gwapo naman ng boyfriend ko. Okay, isa ko pang boyfriend.

"Sige lang. Pero teka, yung bahay pala dun, ano ba yun wala talagang nakatira?"

That Unfaithful Night (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon