Chapter 23

9.6K 120 5
                                    

Dito sa Hongkong? Ang daming bansa diba? Dito din sila gumala?

At ngayon na ngayon pa?

"At eto si ChinChin!" patuloy ni Estelle sa introductions, hawak ang alaga nyang bata.

"Ay si Gavin pala at si Ana," banggit ni Maria ng mga pangalan namin.

"Si Ate Maria pala," pakilala din ni Estelle sa Ate nya. "At si... Antonio ba Ate?"

"Oo, oo," tango at kabig ni Maria kay Antonio nya.

"Excuse us ha?" sabi ni Gavin sa kanila na umakbay na sa'kin wanting us to leave there. "Sorry guys you had to witness that. Nakakahiya," sabi nya pero hindi sya nahihiya. He was proud of our shared kiss.

"Sus wala yun," sabi ng amo ni Estelle. Maganda ang ngiti nya sa'min. "Ang sweet nga eh."

"Ana, Mahal, halika na," hila sa'kin ni Gavin palayo sa kanila.

Mahal? Kinurot ko si Gavin. Nasaktan sya kunyari.

"Saglit," tawag ni Dan sa'min nang palayo na kami.

His voice. Sh1t his voice! Ang tagal kong 'di narinig yun. Napasinghap ako.

Ikakasal na sya Liana. Ngayon pa kasi nag-kita kung kelan ganito na ang sitwasyon... pero ikakasal na sya.

"Yes?" tanong ni Gavin sa kanya.

"Why don't we all have lunch?" suggest ni Dan. "Hindi ba kayo nagugutom? Maria? Antonio? Gavin?... Ana?"

Ana. He was unsure why I was called Ana. Makahulugan ang tingin nya sa'kin when he called me that.

Hindi ko mawari ang expression nya. I didn't know if he was angry but he was definitely curious at alam kong nagpipigil sya ng kung anumang mga nararamdaman nya.

"Busog kami," sabi ni Gavin. "Kayo ba Maria?"

"Hmmm-" nag-iisip na reak ni Maria.

"Sige na, it's my birthday," pilit ni Dan. "It's my treat," sabi nya. "The more the merrier."

"Eh yun naman pala. Go!" sabi ni Maria.

"Happy Birthday," nasabi ko bago ko mapigilan ang sarili ko.

"Thanks," ngiti ni Dan. Nangiti syang parang gusto sana nyang pigilan.

"That's funny. Kanina nung tulog ka you were singing Happy Birthday," turo sa'kin ni Gavin.

"Talaga ba?" natuwang tanong ni Dan na tumingin sa'kin.

Hinila ko na si Gavin palayo kay Dan, paalis, palayo sa kanilang nag-lalakad.

Mahigpit ang hawak ni Gavin sa kamay ko. Nasa kaliwang dibdib nya ang kamay ko. Dun nya lang ipinuwesto yun habang naglalakad kami. Masaya and he's letting me feel his heartbeat.

Nagpahuli si Dan ng lakad para masabayan kami. Nasa likuran namin sya. Alam kong tinitingnan nya kami.

"Ang saya 'ko Ana. Sobra!" bulong ni Gavin sa'kin na excited. "I'll make you happy," halik nya sa buhok ko.

Ngumiti lang ako sa kanya. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya. Hinalikan nya ang kamay ko at ibinalik din yun sa puso nya.

Biglang umakbay sa'min si Dan. Napansin kong inamoy nya ang ulo, ang buhok ko o siguro ako.

I could smell his perfume sa lapit nya. He still wears the same perfume. Hindi ako makapaniwalang pagkatapos ng mahabang panahon, katabi ko lang sya. Andyan sya.

Napipigilan ko ang sistema ko pero nagwawala yun. It's bringing back memories and feelings. Para akong nagising sa matagal na pagkaka-tulog nakita lang sya. I was on edge. Hindi ko alam kung akong mangyayari.

That Unfaithful Night (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon