Chapter 13

13.2K 142 4
                                        

"I'm also thinking of having the office separate from the factory and the warehouse. I want to take advantage of the low-cost offices dito sa Metro Manila at spacious pero murang mga warehouse sa Pampanga na pwedeng gawing factory. Maraming mababago pero 'pag naplano natin ng maayos maisasakatuparan natin 'to. Gusto ko ring mag-dagdag ng satellite offices at mas marami pang warehouse tutal naman 'pag napa-renta ko 'tong lupang 'to dadami ang kapital. In a year, bago na at in place na ang lahat," patuloy ni Mr. Cortez sa mga plano nya.

A year lang? Lahat? Pati lipat equipment? Lipat office? Parang imposible.

Worry ang nasa mukha naming lahat. Napalunok si Beth. Maraming expenses at adjustments na mangyayari. Pailing-iling si Shiree. Lilipat ng site kaya baka marami ang umalis kaya marami rin ang need na i-hire. At kami ni Dan, marami kaming aasikasuhin.

Mas pressure sa'min 'to ni Dan, sa relasyon namin. Dahil dito, dapat na kaming umalis kaagad. Dapat na kaming mag-paalam ni Dan immediately. Need nang makahanap ng bagong papalit samin para ma-train na namin kaagad-agad.

"And Dan. I need your input. Magdadagdag tayo ng line. Kailangan natin ng bagong Product Manager na magdedevelop ng bagong feeds for poultry. Kailangan nating i-develop ang current line natin. Prioritize this. This and the move. Si Liana solely sa move dahil subok na ang organizational skills nya. Pero Liana tulungan mo si Shiree sa pag-hire ng bagong Product Manager. Gusto ko ng Industrial Engineer o Chemical Engineer na may ten years experience sa same industry."

"Sir sahod?" tanong ni Shiree asking what we would be offering the new Engineer.

"Forty-thousand," sagot ni Mr. Cortez.

What?! Lang?!

"Sir?" ulit ni Shiree pero narinig nya yun. Alam kong nabababaan sya.

"Hanggang sixty sige," sabi ni Mr. Cortez na hindi pa rin nakatulong sa sitwasyon.

"Mababa po ata," ako na ang nag-sabi. "Ang running po siguro nasa eighty na ngayon and that's minimum."

"Call headhunters to help you," sabi na lang ni Mr. Cortez.

Bumuntung-hininga na lang si Shiree. Makahulugan nya 'kong tiningnan.

"Dan, Liana kailangan nyong mag-site visit sa mga lugar na pwedeng gawin nating factory. Pati mga possible offices dito sa Metro Manila."

Napatingin ako kay Dan. Pailalim syang ngumiti. Pagkatapos ay tiningnan nya ako. "Noted Mr. Cortez," nag-seryoso nyang sagot.

"We need to acquire a property for the factory as soon as possible. Kaya ba ng two months pati paperworks, registration?"

"Pati po business permits? Or to follow na lang yun?" nag-aalalang sabi ni Shiree. Sya rin kasi ang Admin Head bukod sa full functions ng HR. Pero may tatlo naman syang tao. Ako kahit Assistant wala. Wala kaming Secretary ni Dan dahil kahit si Mr. Cortez wala.

"Saan po ba ang options for the factory?" tanong ni Dan. "This is so Liana and I can visit the sites immediately." Iba ang tunog sa'kin ng sinabi nya lalo nang sinabi nyang 'so we can we visit the sites agad-agad.'

"Dalawa sa Pampanga, isa sa Bulacan. I'm also thinking of a site dito sa San Mateo, Rizal," sagot ni Mr. Cortez.

"We'll visit the first three mentioned bukas. Is that alright Sir? On the road we're going to plan for this big move. It will be a moving meeting. We'll send reports end of day sa natapos namin. This is kung okay lang kay Liana," sabi at tingin ni Dan sa'kin. Nanunukso ang mga mata nya. Pabor na pabor 'to sa'ming dalawa, sa relasyon namin, sa trabaho namin. Takas 'to kay France.

"Liana, I now know about you and France," sabi bigla ni Mr. Cortez. "We'll have to talk about that pero dito ka muna mag-focus."

"Opo. Oo nga po. Sige po," sagot ko. My heart was singing. Buti business comes first kay Mr. Cortez at kailangan nya 'ko.

That Unfaithful Night (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon