"Birthday mo ngayon?" si Aya ang nag-tanong dahil napanganga ako.
"Oo, twenty-six na 'ko," sabi nyang nahihiya. "Matanda na ba?"
Oh my God birthday nya! Tas iniwan sya ni George na pinag-laba pa sya ng damit?!?! Tas kami pa ang nilutuan nya? Wala pa kaming dalang kahit ano for him?
"Ay bibili lang kami saglit," sabi ni Aya sa kanya. "Halika Liana bumili tayo ng cake."
"'Wag na, okay lang. Pero para kanino ba yun dapat?" tanong ni Dan.
"Si Papa kasi nagpapabili. Sige na, hayaan mo na kaming bumili. Saglit lang, ten minutes," sabi ko. Bibili rin ako ng gift! Juicecolored! Birthday na walang pamilya, walang jowa at naglalaba pa? Buti yung lover nya binisita sya.
"Kayong bahala," sabi nya.
Mabilis kaming umalis ni Aya. "I love Dan Lian! Akin na lang sya?"
"Birthday nya? Grabe. 'Di ko 'to inexpect."
"He's so adorable Lian. He's so handsomely naïve! Para syang tanga. Bagay kayo, pareho kayong parang tanga at lango sa isa't isa."
"Birthday nya tas iniwan sya ni George?" ulit ko. "Alam mo bang nag-layas sya sa kanila? So wala talaga syang kasamang nagce-celebrate Aya. Tayo lang. Kundi pa tayo pumunta..."
"Eh andyan ka naman," sabi ni Aya. "Ganda points yan sa'yo. Teka, ano ba, in love ka ba talaga o school girl crush lang yan?"
"Of course 'di ko pa alam pero gustung-gusto ko sya Aya, sobra. We clicked eh. Hindi malayong sya na yung gustuhin kong kasama sa pagtanda. Baka nga love na talaga?"
"Ang OA ah. Naku ka! Anong bibilhin mong gift?"
"Ribbon? Iri-ribbon ko sarili ko?" biro ko.
Hindi nya 'ko pinansin. "Bibili ako ng cake para sa Papa mo at kay Dan tapos ikaw mag-hanap ka ng gift na mabilis lang okay?"
Ganun nga ang ginawa namin ni Aya. Mabilis ang kilos namin pagkababa ko ng sasakyan. Bumili na lang ako ng tatlong plain tee shirt. Pamalit ba, 'pag umuulan o naputikan sya. Alam nya na yun. Bumili rin ako ng ice cream.
"Aya, mahal ko sya," biglang sabi ko sa sasakyan pabalik na kina Dan.
"'Wag mo na nga akong i-update ng mga ganyan Lian. I don't want to root for you guys. Makasalanan kayo. Saka na siguro 'pag tama na."
"Pero you're secretly rooting for us?"
"I've never seen you this happy Liana. Buhay mo yan at nandito kami ni Beth 'pag nasaktan ka na or kung anuman. Basta, technically hindi ko 'to sinusuportahan okay? Itama mo 'to agad-agad."
"Mas mahal kita Aya."
"Ang drama mo. Love you too."
"Wow naman!" salubong ni Dan sa'min habang naka-tingin sa mga dala namin.
"Happy Birthday!" sabay naming bati sa kanya. Nilapitan ko sya para humalik sa kanya. Inilagay nya ang kamay nya sa likod ko para i-assist ako sa pagtingkayad ko para halikan sya. Hindi nya na 'ko binitawan pagkatapos ng halik ko. Permanente nang naka-kabig ang kamay nya sa baywang ko. Nang-gigigil sya.
Napansin yun ni Aya pero hindi na sya nag-comment tungkol dun. "Kain na tayo! Gutom na 'ko!" iwas nya ng tingin.
Magkatabi kaming kumain ni Dan. Tulad nung sa Bulacan, hinainan nya rin ako ng pagkain. Asikasong-asikaso nya 'ko na sa kanya ko lang talaga naramdaman. Makikita mo rin na masayang masaya sya.
Makahulugan ang mga tingin ni Aya sa'kin. Alam kong natutuwa sya kay Dan at natutuwa sya para sa'kin.
"Aalis na 'ko," tayo agad ni Aya pagkatapos naming kumain.
BINABASA MO ANG
That Unfaithful Night (Completed)
RomanceI found him, my escape. He was every bit what I wanted and needed to get out of the stale and abusive relationship that I was in. He too, though, was in a relationship with someone. We were wrong but I have grown to love him. Making things right i...