Chapter 10

16.1K 152 6
                                        

What? Hindi nga? "Sabi mo kakatext lang nya na nasa plane sya at nag-happy birthday pa?" Talaga ba? Oh my gulay, really?

"Sabi nya kasi kanina hindi nya pa raw ma-digest yung sinabi ko. I hold ko lang daw muna tapos pag-uusapan namin. But as far as I'm concerned we're over. Nasabi ko na. I wouldn't do it if I wasn't sure. I was actually excited to tell her Liana. I told her about you."

"Really?!" 'di ko naitagong reaksyon. Nasalubong ko pa sya ng halik sa tuwa.

He welcomed the kiss. Natawa sya. He immediately scooped me up and carried me while we were kissing, my legs wrapped around his waist. Dinala nya ako sa sofa. He sat there with me on top of him.

Nang naka-hinga kami, "Ikaw na lang ang may kailangang gawin Liana. Ikaw na lang," masaya nyang sabi. "Let me know as soon as masabi mo kay France ha?"

Mabilis ang mga tango ko. Hinalikan ko ulit sya dahil ayokong mag-salita.

Natatakot akong sabihin kay France. Pa'no ko gagawin? Pa'no ko sisimulan? Pa'no trabaho? Si Mr. Cortez? Si Papa? Malaking gulo 'to.

Hindi pa 'ko sinisimulan ni Dan. We were just making out. Wala pang kamay na gumagapang saan man. Ayokong mag-usap kami. Ayokong tanungin nya 'ko tungkol sa kung paano ko hihiwalayan si France.

Pa'no ang mga kliyente? Pa'no ang pag-aaral ni Billy, ni Paula? Sa'n ako magtatrabaho? For sure 'pag lumipat ako mas maliit ang sasahurin ko. Kasama kasi sa sahod ko ang allowance ni France sa school. Kakayanin ba ng buong pamilya ko yung pagbabago?

T*ngina ko talaga.

"Love?" sabi ni Dan.

"Love?" ulit ko sa nabanggit nya.

"Oo, Love. Love kita," ngiti nya. "Kaya Love kita."

"Love din kita," sabi ko.

"I have a gift for you," sabi nya.

"For me? Eh ikaw yung may birthday diba? Ba't may gift ka sa'kin?" natutuwa kong tanong.

"Basta. Wala lang naman 'to."

"Wait lang, look at my gift muna," sabi ko sa kanya at inabot ang regalo kong naka-paper bag.

Binuksan nya yun. "Tee shirts?" tawa nya.

"Pamalit. Para lagi kang may suot."

"Thanks," halik nya sa pisngi ko.

Shet ang sweet! "Happy Birthday."

"Halika sa taas nandun yung gift ko sa'yo," yaya at hila nya sa'kin.

Pumasok kami sa kwarto sa right side. His room was blue and white. Panlalaki talaga ang kwarto. Walang bahid na dalawa ang natutulog dun. May isang maliit na cabinet lang na bukas na parang mga dresses ang laman. Napansin nyang nakita ko yun.

"Kay George yang closet na yan," sabi nya. Sinara nya yun. May kinuha sya sa may TV. Iniabot nya sa'kin yun.

It's a lightning keychain. "Kasi sa Bulacan, tuwing kukulog o kikidlat, ngumingiti ka," sabi nya.

His eyes shone. Masaya sya. At sa'kin. He remembers Bulacan. He remembered how we were on that house. Ibig sabihin kasi nun kaya ako ngumingiti 'pag kumukulog at kumikidlat mas matagal pa kaming ma-stranded dun. I'm so happy that happened. "Salamat," sabi ko.

"Halika na baba na tayo. Nood tayo movie," yaya nya. Kinuha nya ang kamay ko at lumabas na ng kwarto nya.

Huh? Talaga? Walang eksena sa kwarto? Owwwkay.

Bumaba nga kami. Pinapili nya 'ko ng movie. Pinili ko yung napanood ko na, superhero movie na pinanood namin ni France.

Nag-microwave sya ng popcorn. Naghanda rin sya ng softdrinks.

That Unfaithful Night (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon