Chapter 7

19K 183 11
                                    

"O anong sasabihin mo?" tanong agad ni Aya pagdating nya sa kitaan namin.

I was considering not telling her about my thing with Dan dahil it makes it official. And someone knows about my infidelity? Hindi yata maganda yun. She will judge me. If I keep it na sa akin lang I will only know about it. And of course Dan, kami lang. Pero kailangan ko kasi ng tulong. Mahirap bunuin ang ganitong klase ng gawain mag-isa, mahirap intindihin.

Hindi muna ako sumagot sa kanya. I just looked at her. Hindi ko rin naman alam kung pa'no ko sisimulan.

"France-related 'to of course. Either bwisit na bwisit ka na or buntis ka at ayaw mong sya ang ama or gusto mo ng mawala sa mundong 'to dahil sa pagkakakulong mo kay France. Ano bang ikaw, kundi si France lang. Kaya I'm sure France-related na naman 'to," irap nya.

"Ganun na ba talaga? All that I am is France?" tanong ko sa kanya.

"Oh eh hindi ba?" sabi nya. "All that you are is France and his family. Gusto kong sabihing at least you have a great job pero sa Cortez pa rin yun," irap nya.

"Sorry naman disappointed ka sa buhay ko," sarcastic na sabi ko.

"Eh ano bang sasabihin mo?" tanong nya.

"I had sex with someone yesterday," mabilis kong banggit sa kanya dahil baka hindi ko pa masabi.

"Not with France?" tanong nya agad intrigued.

Tumango ako waiting for her reaction.

"Oh my God ka. You're cheating on France," she stated. It was like a seal, a confirmation. You're cheating on France. I'm cheating on France.

I tried to gauge her reaction: If nalalandian na sya sa'kin, if nahahalayan sya sa'kin pero nakatingin lang sya sa'kin na parang nakakita sya ng multo. I figured I could ask her, hindi ko naman kailangang hulaan ang reaksyon nya. "Anong masasabi mo?"

"Sure ka? I mean pa'nong sex? Baka kiss lang tapos since ang tagal mo na kay France hindi mo na alam yung sex," nasabi nyang unsure.

"Eng, eng."

"Sino? Teka, bakit? Ikaw? Mangingibang-pugad? Sex lang ba? One-time? Umulit? Saan? O relasyon?" sunud-sunod nyang tanong.

"Ano talaga yung reaksyon mo?" tanong ko.

"Gaga ka," sinabi nya agad.

"Anong gaga ako?" tanong ko.

"Matagal ko nang gustong hiwalayan mo sana yang si France pero sana Liana, inuna mo muna yun bago ka nag-explore," paliwanag nya.

"Eh nangyari na," tulala kong sabi.

"Teka, ulit. You had sex with someone. Who?"

"Guy from work," sagot ko.

"Pvta from work pa?" reaksyon nya kaagad. "Ginagago nyo ang nagpapasweldo sa inyo."

"Nangyari na nga," ulit ko. Para kasing naninisi nya at pag sinisi nya pa ako, hindi mangyayari yung masamang nangyari na.

"Hindi ko alam Liana kung anong masasabi ko. Ikaw yan eh, good girl Liana. Kaya ka nga nandyan sa kulungan na dulot ng tatay mo eh kasi mabait ka. Para kasing I expected more from you and I couldn't picture you doing this? Pero siguro gustung-gusto mo na talagang hiwalayan si France kaya ka nagkakaganyan?"

Siguro nga.

"Ano? Gusto mo ba syang hiwalayan?" tanong nya.

Oo. Ang tanong, is that an option?

"Gusto kong malaman ang mga detalye of course pero kasi 'pag nalaman ko na parang may responsibilidad na akong sabihin kay France. That's the right thing to do."

That Unfaithful Night (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon