Chapter 25

9.7K 131 11
                                        

"Pare palit tayo. Tabihan ko sana girlfriend ko," tapik ni Gavin kay Dan.

Sa inis din ni Dan sa'kin, tumayo agad sya at pumunta sa likod ng bus, tinabihan ang mga kaibigan.

"Okay ka lang?" tanong ni Gavin.

"Oo naman," sagot ko. "Why wouldn't I be okay?" Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya.

Pinag-salikop nya ang mga kamay namin. "I love you Ana."

Sh1t. I'm not prepared for this. "Um, thanks Gavin."

"Okay," sabi nya.

"Sorry. Hindi pa siguro ako ready sa ganyan," sabi ko looking into his eyes. "Bago pa lang tayo. Let's see how it goes."

Tumango-tango sya. "Basta I love you."

I smiled at him. Isinandal ko ulit ang ulo ko sa balikat nya.

"Ang sweet!" tulak ni Maria sa mga ulo namin. Nasa likod pala namin sila.

Sh1t! Narinig nya ba ang usapan namin ni Dan? At ngayon ni Gavin?

Tinawag ni Estelle ang atensyon ng Ate nya kaya nalihis ang interes nya.

"Gavin mahal mo ba talaga ako? Bakit?" tanong ko.

"That's what I feel for you. I don't know why."

Matipid akong ngumiti. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa impormasyong yun. Akala ko makakatulong ang sagot nya sa pagdedesisyon ko kung mahal ko sya o hindi. Bakit ko ba sya hinalikan?

Masaya ang mood ng lahat pagdating sa Stanley beach dahil masaya ang mood ng mga taong naroon. Maraming tao pero hindi ganun ka-crowded ang beach.

Gavin hugged me mula sa likod. I held his arms around me. He kissed my cheeks. "You blend well with the people here. Chinita at maputi."

"Sa Macau hindi?"

"Puro Pinoy tayo dun eh or Americans o Europeans."

"Picture!" sigaw ni Joyce sa'min. He asked someone to take our group picture.

"Awww nice!" sabi ni Maria pagka-kita sa picture naming lahat. "Bluetooth mo?" Joyce sent it to her naman.

"Ako din," sabi ni Dan. Na-weirduhan si Maria dun. They also sent it to him.

"Ana CR nga tayo. Hanap tayo. Wiwing-wiwi na 'ko. Gavin bantayan mo 'tong si Antonio, baka tumingin-tingin ng mga bilat dyan sa tabi-tabi," sabi at hila sa'kin ni Maria.

"Dahan-dahan nga," sabi ko kay Maria. Napakalakas at bilis kasi ng hila nya.

"Hoy ka! Kanina pa 'ko nagpipigil. Narinig ko lahat-lahat! Anong meron sa inyo ni Dan?"

Sabi ko na eh. Umirap ako. "Tsismosa ka."

"Bilisan mo! Naiihi na rin talaga ako," sabi nya habang naghahanap din kami ng CR sa paligid. "Mag-kwento ka na kundi mag-aassume ako sige ka."

Nag-fast forward ako ng kwento kay Maria. Gulung-gulo at litung-lito sya pero kuha naman nya yung general na nangyari. "Eh ba't dinedeny nyo ang mga sarili nyo ngayon? Ba't 'di nyo aminin sa lahat na naging kayo?"

"Ikakasal na sya Maria. Anong use na kami dati? And his friends don't know me, and these are people who know Liv very well. Maaapi lang ako kung sakali. Weird."

"Kaya pala kung maka-titig sya sa'yo wagas. Kanya ka pala dati," sabi ni Maria.

"Wala na okay? Tapos na kami."

"So si France?"

"He shouldn't know where I am. Siguro naka-move on na sya but I don't want to risk it," sabi ko. "Kahit hindi na sya weird o anuman, ayokong alam nya kung asan ako. Baka makulit pa rin sya at ayoko na nun."

That Unfaithful Night (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon