"Saan ba kayo nagka-kilala nitong anak ko?" tanong agad ni Papa kay Dan, ni hindi pa kami nakaka-upo sa hapag-kainan para sa almusal.
"Sa office po. Ako po yung bagong General Manager," sagot ni Dan.
"Valerio ka kamo?" biglang alala ni Papa na paupo na sana. "Hindi ba kayo ang nauna sa mga Cortez sa Agri business? Bakit ka nagtatrabaho sa mga Cortez ngayon?"
"Wala na po yung business namin matagal na. Sa States na lang po nag-iinvest ang family namin. May properties po ang family namin dun," sabi ni Dan.
Saka pa lang naupo si Papa kaya gumaya na kami ni Dan. "Anong sabi ng ama mo na sa Cortez ka nagta-trabaho ngayon?" tanong ni Papa.
Tumingin sa'kin si Dan.
"Pa pakainin mo muna kaya kami bago ka mag-question and answer dyan," sabi ko.
Tumahimik naman saglit si Papa pero naka-tingin pa rin sya kay Dan kaya sumagot na si Dan, "My Mom knows po at siguro po alam na rin ni Dad pero hindi pa po kami nakakapag-usap."
"Hindi pa? Aba malaking bagay ito. I'm surprised tinanggap ka ni Pareng Boy," sabi ni Papa na hindi makakain sa gulat. 'Pareng Boy' ang tawag nya kay Mr. Cortez.
"Pa bago pa lang si Dan. Kakastart nya lang nung Friday," sabi ko. "Nung Monday lang sya nag-full day."
"Si Mateo ang ama mo hindi ba?" tanong ni Papa na hindi binibitiwan ang topic. "At si Elisa ang mommy mo?"
"Opo," sabi ni Dan na nagtataka. Tumingin sya sa'kin sa pagka-gulat nya sa nalalaman ni Papa.
"Kilala mo Pa?" ako na ang nagtanong para kay Dan sa gulat ko rin.
"Wala. Hindi. Magkaka-sabay lang kami noon sa eskwela," sabi ni Papa at tumayo. "Maiwan ko na kayo. May pupuntahan ako."
"Sige Pa," alanganin kong sagot. "Hindi ka ba kakain muna?" tanong ko.
"Hindi na," sabi nya. Nagpaalam din sya kay Tita Tess na nagulat sa pag-alis bigla ni Papa.
Hindi pa nakakalabas ng pinto si Papa nang dumating si France. Napabalik si Papa sa kusina kung nasaan kami.
"Anong ginagawa ni Daniel dito?" walang pasintabing tanong ni France. Walang nag-salita sa'min. Papalit-palit ang tingin nya sa'kin, kay Dan at sa bulaklak na nasa kitchen counter. Napansin naming lahat yun.
"France!" pasok ni Tita Tess sa kusina mula sa hallway. "Aba eh, kumain ka na rin."
"By?" tanong ni France sa'kin sticking to his question. "Ano?"
Tumayo si Dan. "Nanliligaw ako. Wala na kayo diba?"
Hay naku Dan!
Umamba si France. Napigilan sya ni Papa kaya nag-pigil sya.
"France ano ba?" nasabi ko.
Nagulat si Tita Tess na bumalik sa mga kwarto para siguro tingnan kung asan sina Billy at Paula.
"Boyfriend mo na 'to? Agad?!" sigaw ni France na naka-duro kay Dan.
"France!" sabay na suway namin ni Papa.
"Huminahon ka nga," dagdag ko.
Hindi 'to maganda. Mainit si France pero nilabanan din kasi ng init ni Dan who should've known better.
"Mauna na 'ko Liana," sabi ni Dan sa'kin. "France dun tayo sa labas kung gusto mo."
"Dan ano ba?" suway ko sa kanya. "France!" suway at baling ko rin kay France. "Some sense into you guys please."
BINABASA MO ANG
That Unfaithful Night (Completed)
RomanceI found him, my escape. He was every bit what I wanted and needed to get out of the stale and abusive relationship that I was in. He too, though, was in a relationship with someone. We were wrong but I have grown to love him. Making things right i...
