Chapter 33

8.8K 124 1
                                        

"Aya I'm back in Macau," tawag ko kay Aya sa phone. Kadarating ko lang sa tinutuluyan ko sa Macau at number nya agad ang ni-research ko na thankfully nasa Facebook page pa rin nya.

"Liana?!?!" sigaw ni Aya sa phone. "Hindi ko nga alam kung nasaan ka for the past year! Ano na bang nangyayari sa'yo?!"

Mabilis ko syang kinuwentuhan ng summary ng mga recent na nangyari. Isinama ko rin pati yung kuwento kung bakit ako biglang umalis ng Pilipinas noon. I owed her a lot of kwento and apologies at masayang nailabas ko lahat yun sa kanya.

"At ayaw mo na dyan sa Macau dahil alam na ni Dan na dyan ka nagta-trabaho?" tanong nya.

"If he goes after me, dahil ba yun mahal nya 'ko o dahil niloko sya ni Liv?" katwiran ko.

"Natural Liana magagalit sya sa kanila. Hayaan mo naman sa kanya yun na maramdaman nya. Niloloko sya ng mga taong matagal nya nang kasama buong buhay nya, mga taong pinagtitiwalaan nya: kababata at matalik na kaibigan. Hindi naman ibig sabihin nun hindi ka na nya mahal."

"Bakit laging magulo, bakit laging may kumplikasyon 'pag sya?"

"Ganun talaga. Pag-ibig eh. Ano, magtatago ka na naman? 'Pag Fight or Flight, laging flight ang response mo. Lumaban ka naman. Para sa sarili mo, para kay Dan, para sa inyo. At utang na loob para sumaya ka naman. Hanap mo ba ang sakit ng katawan? Nung una si France, kinulong mo ang sarili mo ng eight years sa kanya. Ngayon naman si Dan! Takas ka naman ng takas sa kanya."

"Ayoko ng masaktan. At ayokong masaktan sya. His parents wouldn't approve of me. I'm sure of it. Ako lang ang ipapalit sa prinsesa dati?"

"Ang gulo mo. At sa tingin mo ba hindi sya nasasaktan ngayon na iniwan mo na naman sya nang walang paalam?"

"I don't want to cloud his mind. Ayokong nasa'kin sya tas nasasaktan sya dahil ginawa yun sa kanya ng jowa at bestfriend nya."

"Whatever Liana."

"Puntahan kaya kita dyan? Mage-extend ako ng leave o magre-resign na 'ko."

"Seryoso ka ba talaga? Para lang maka-iwas kay Dan?"

"Hindi ko alam."

"Mahal mo ba sya?"

"Oo."

"Go after him. Sige na. Go! Liana take charge of your own happiness naman."

"What if we don't work out?"

"You will make it work. Kilala kita. At alam kong mahal na mahal ka ni Dan. Isang taon rin kaming nag-uusap para hanapin ka."

Nag-paliwanag ako kina Gavin at Maria nang umuwi na sila ng Macau mula Hongkong.

Needless to say, nag-hiwalay kami ni Gavin. Nalaman nya na ang totoo tungkol sa'min ni Dan at syempre nagalit sya dahil nag-lihim ako at dahil din dun nag-pasya syang lumipat ng tirahan. Hindi ko naman sya masisisi dahil pati mga magulang nya napaasa namin sa pagiging kami pero I needed to be honest with him. Kahit masakit na nagtatampo sya at least naitama ko ang sarili ko sa kanya bago pa lumalim ang kahit ano sa'min.

Hindi ako umalis ng Macau kahit gusto ko na ring takasan ang Macau. Gusto ko ulit mag-bagong buhay. Nakakaadik pala yung lilipat ka sa isang lugar na walang nakakakilala sa'yo, magbabago ka ng nickname at pwedeng maisantabi mo lahat ng mga masasamang nangyari sa'yo noon.

Mahal ko si Dan pero natatakot akong hindi kami maging okay? Tanga oo. I was willing to just leave and forget about him kasi at least kaya ko yun, kaysa kami, tas wala, hindi pala.

Lumipas ang three days: walang Dan na sumunod o humanap sa'kin. Na-realize kong ang arte ko for expecting him to find me.

Nalungkot ako na iilang araw lang ang nakalipas, mahal na mahal nya 'ko, tapos pagkatapos nun, hindi ko na alam kung asan sya.

Lumipas ang tatlo pang araw. Wala akong nababalitaan sa kanila. Hindi ko alam kung itutuloy pa nila ang kasal. Dun ako nagalit.

"Hoy!" tawag pansin sa'kin ni Maria. "Nagra-rounds tayo bakla tapos naka-busangot ka? Baka magsi-alisan ang mga tao dito uy. Ang negative ng energy mo!"

"Ha? Sorry," sabi ko. "Matutuloy kaya ang kasal nina Dan at Liv?"

Napabuntung-hininga sya. "Alamin mo kaya? Umuwi ka ng Pilipinas. Kung matutuloy pa ang kasal, um-aura ka dun ng, 'Itigil this wedding!' Ganun! Or, 'Mahal kita Dan! Ako na lang please? Ako na lang!' O diba? Ganun!"

"Isa naman atang malaking sampal yun kung uuwi ako para lang makita kong napatawad na ni Dan si Liv at itutuloy na nila yung kasal."

"Ano bang gusto mo ha? Gusto mo ba si Dan? O gusto mong mag-wonder ka habambuhay dito sa Macau? Gumawa ka ng paraan Ana! Get who you want!"

"Pa'no kung ayaw na nya sa'kin?"

"Iiwan nya dapat yung jowa nya para sa'yo Ana. Ayaw nya ba nun sa'yo?"

"Oo nga. Ba't 'di nya pa ginagawa?"

"Tanga! Iniwan mo sya eh. Pati nga kami iniwan mo."

"Grabe ka sa Tanga."

"Eh hindi ba?"

"Sorry na nga diba? Sa pag-iwan sa inyo dun."

"'Di mo maipaliwanag ang mukha nya nun Ana. He was devastated. Hinahanap ka nya sa'min. I think pumunta pa sya sa Mirador, sa guest house, hinahanap ka. Ang OA mo rin kasi."

"Ayoko ngang takbuhan nya lang ako dahil nasaktan sya kay Liv. It would mean he still loves her. Pvta naman yun Maria. Iiyak ba sya sa'kin nun kasi niloko sya?"

"Bahala ka! Ang gulo mo!" sabi nya at nilayuan na ako.

Tulala na naman akong paikot-ikot sa hotel nang nakita ko ulit si Maria na palapit, malaki ang ngisi sa'kin.

"Bakla ka!" sigaw nya palapit habang naka-turo sa'kin, masayang-masaya.

"Ako? Kelan pa?" I mindlessly went through her joke.

"Guess who's here!" sabi nya sa'kin.

Nangiti ako. Si Dan? OMG si Dan!!! "Sino?" pakipot kong tanong looking around.

That Unfaithful Night (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon