Chapter 8

16.2K 182 2
                                        

"San kayo magkikita?" tanong ni Aya.

"Sa bahay nila," sabi kong pinipilit maging normal kahit kilig na kilig na. Tumayo na 'ko at inaayos na ang mga gamit ko. Shetness! I'll see him!

"Sasama ako," sabi ni Aya na tumayo na rin.

"Huh?" takang reaksyon ko.

"Sasama ako. Kikilitasin ko 'tong Dan na 'to. At ako yung alibi mo dapat magkasama tayo. Kung bumalik ang jowa nya bigla sa bahay, wala yung iisipin kasi dalawa tayong kasama nyang andun."

May point si Aya. Pero... Kasi naman! "Okay," malungkot kong payag.

"'Wag kang mag-alala. Aalis din ako pagka-kilala ko sa kanya," irap ni Aya. "Ikaw, ang landi-landi mo."

Pumalakpak na 'ko. Natuwa ako at na-excite na.

"Gaga ka talaga," rephrase ni Aya sa sinabi nya kaninang malandi ako na akala nya hindi 'ko narinig.

"Minsan lang ako ganitong gaga," dahan-dahan kong banggit.

"'Wag mong patagalin 'to," turo o banta nya sa'kin pagkasakay namin sa sasakyan nya.

"Oo itatama ko naman," irap ko sa kanya.

"Mukhang 'di pa 'to ginagawa ng Dan mo," bigla nyang sabi.

"Huh?"

"Bago pa sya sa ganitong masamang gawain. Bakit ka nya yayayain sa bahay nya kung lagi nya 'tong ginagawa? He runs the risk of being exposed to his girlfriend or his family members by inviting you in his home. Tsk, tsk, amateur," singhal ni Aya.

"Kami na nga ang amateur Aya. Sorry na," sabi kong sarcastic.

"Sana kasi kahit pa'no inisip nyo 'to," sermon nya habang paalis kami ng parking ng mall. "Para ka kasing batang nakawala. Pwede ba bukas na bukas hiwalayan mo na si France?"

"Oo nga, oo nga. Matutuloy talaga yun kasi may Dan na nga."

"Ano bang akala mong mangyayari? Magiging kayo ni Dan pagkatapos nyo ni France? Nagtatrabaho si Dan sa kumpanya nila Liana. Mr. Cortez would know. Palilipatin mo ba si Dan sa bago nyang trabaho? Kasi Liana 'pag naghiwalay kayo ni France, magreresign ka rin sa trabaho kung di ka nila tatanggalin. May alam ka na bang gusto mong lipatan?" tanong ng Nanay ko ata.

"Bakit ba ikaw ang voice of reason ngayon?" Bakit ba kailangang may sense si Aya ngayon?

"Kaya mo 'to sinabi sa'kin Lian para ganituhin kita. Matagal mo na rin akong sinesermonan sa life choices ko 'no. Buti natandaan ko yung ibang mga sinasabi mo sa'kin para sabihin ko sa'yo ngayon, kasi obvious naman na kinakalimutan mo yung mga yun ngayon."

Puro paaala si Aya pero wala akong ibang maisip kundi ang pagkikita namin ni Dan. "Magkikita kami Aya," ngusong ngiti kong sabi.

"Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?"

"Oo, oo. Tatawag ulit ako sa'yo para mapagalitan mo 'ko ulit," assure ko sa kanya.

"Iuntog ko na lang kaya ang ulo mo? Baka mag-work yun."

"Nauntog na nga. Kaya nga gusto ko naman 'to. Masaya," masaya kong ngiti at kaway sa Security Guard ng mall.

"Masayang mali Liana, may I remind you."

"Oo oo alam ko."

Nasa EDSA na kami ng tumawag si Papa. "Pa?"

"Alam ko na yung gusto kong ipabili. Makakabili ka ba nung cake na binili mo dati? Yung may chocolate chips? Gusto kasi ng Tita Tess mo," sabi ni Papa.

That Unfaithful Night (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon