"I-abante mo ah. Bababa ako 'pag naitulak ko yung sasakyan. Tatanggalin ko lang sa putik."
"Ha? Ang lakas ng ulan."
"Alam ko," ngiti nya.
Hinampas ko sya sa ngiting asar nya.
Natawa sya. "Saglit lang."
Bumaba na sya. "Para namang kaya nyang itulak 'tong sasakyan. Ano sya si Superman?"
Basang-basa syang kumatok ng pinto. "Paandarin mo!" sigaw nya.
"Ay oo, oo!" sigaw ko.
I tried na iurong ng kaunti ang sasakyan pero malaki ang ikinalubog ng gulong sa putikan.
Kumatok na ulit si Dan. Binuksan ko ang pinto at basang-basa sya. Mabilis syang nag-hubad ng polo shirt.
"Whoa, whoa," nasabi ko sa gulat.
"Bakit, basa ako eh," sabi nya.
"Oo na. Okay, oo," sagot ko at tumingin na lang sa kabilang side. "Alam ko naman. Kitang-kita naman," bulong ko.
"May sinasabi ka?" tanong nya.
Nilingon ko sya at wala na syang pantaas.
Juicecolored! Kahit malamig, parang mainit.
"Wala. Nagugutom ako kako," nasabi kong dahilan. Natingnan ko sya. Hala baka isipin nya nagutom ako nang natingnan ko sya. "Pagkain I mean. 'Di pa tayo nagha-hapunan," bawi ko.
Natawa sya. "Ahhh kala ko...," sabi nya.
Inirapan ko sya. "Akala nito..."
"Ano?" hamon nya.
"Wala!" sabi ko.
"Tama ka. Wala ngang signal dito," pakita nya sa'kin ng phone nyang wala ngang signal.
"Ako kanina pa namatay phone ko," sabi ko. Ipinakita ko yun. "Maps kasi tayo ng maps kanina."
"Hindi mo naman pala kasi alam ang pupuntahan natin nag-prisinta ka pa."
"Umuulan kasi 'no. At saka sa ibang exit ka um-exit. At saka daldal ka ng daldal kasi. Pa-deep ka pa, yan tuloy nawala tayo."
"Ay oo kasalanan ko," sarcastic nyang sabi. "Ako na nga 'tong basa, sige ako na lang."
Na-guilty naman ako. "Sorry na. Sorry na. Eh mukha namang enjoy na enjoy kang ibalandra yang katawan mo eh."
"Enjoy ka lang tingnan. Nagutom ka pa nga eh nakita mo lang," tawa nya.
"Kapal nito!" sabi ko. "Hindi pa kasi tayo kumakain 'no. Gutom, kasi walang dinner, yun lang yun."
"Kunin mo yung bag kong inihagis ko dyan sa loob kanina. Mas biskwit dun."
"Bakit ako? Ikaw," sabi ko. "Bag mo yun eh."
"Kung maabot ko lang, ginawa ko na. Eh ikaw ang kasya dyan sa butas o," sabi nya. "Maabot mo yun."
'Pag inabot ko yun, yung pwet ko exposed dito sa kanya. Ayoko. "Ayoko."
"Eh di umikot ka. Buksan mo yung L3 sa likod, dun ka dumaan," suggest nya.
Mababasa ako 'pag ginawa ko yun. Ba't kasi 'di ako nagdala ng payong. May bagyo, may bagyo, wala kang payong Lian? Teka, ba't di yun ang gawin nya? "Eh ba't di ikaw?"
"Eh 'di pa ko gutom eh," sabi nyang sumandal at pumikit na parang matutulog na.
"Huy!" tulak ko sa kanya. "Dito tayo matutulog?"
BINABASA MO ANG
That Unfaithful Night (Completed)
RomanceI found him, my escape. He was every bit what I wanted and needed to get out of the stale and abusive relationship that I was in. He too, though, was in a relationship with someone. We were wrong but I have grown to love him. Making things right i...