"Daddy!" sigaw ni Hans. "Si Ryan o! He's kissing Ellie again!" sumbong nya. Hans is Kearn's kid with Say, Ryan with Liv.
"Ryan! Naku 'wag 'yan! Ibang chick na lang anak. Patay tayo sa tatay nyan," sabi ni Kearn sa bunso.
"Kunin mo nga kasi yang anak mo nang hindi nahahalikan," utos ko kay Dan.
Hindi pa natatapos ang sinabi ko, nang marinig pa lang ni Dan ang sumbong ni Hans, pakuha na sya sa anak nya. "Eliana! Lumayo ka dyan sa mga lalaki naku ka!"
"Why?" tanong ng prinsesa ng tatay nya sa kanya.
Binuhat sya ng ama at pinupog ng halik. "'Cause no kissing! You are not talking to boys till you're thirty okay?" sabi ni Dan sa anak namin.
Hinalikan ko sila nang nakalapit na sila sa'kin. Sumipa naman ang bata sa tyan ko bigla. "Ang likot naman ng anak mo dito sa loob," reklamo ko kay Dan. "Ito yung dancer. Kanina pa nagbe-breakdance dito eh."
"Ana, Hans like Ellie," pansin ni Phil at balita sa'kin. "But it seems like Ryan likes her too."
"No Phil," iling ni Dan. "Wala. Boys don't exist in Ellie's world," matinding tutol ni Dan na mahigpit na niyakap ang anak. "Ako lang ang lalaki sa buhay nya." Ellie kissed Dan's nose and hugged him.
"Ang pretty pretty kasi ni Ellie," sabi ni Say. "Pabuhat nga sa inaanak ko."
"Oh wait," pigil ni Phil kay Say. "Okay lang ba?" tanong nya.
"Okay lang Phil 'wag kang OA. Ako nga ang laki laki na ng tyan ko pero pwede ko pa ring buhatin si Ellie," sabi ko kay Phil. "Kaya ni Say yan." Ipinagbubuntis kasi ni Say ang anak nila ni Phil, their first.
"Pinaglilihian ni Say si Ellie Phil," pansin ni Liv. "What do you want ba? Girl? Boy?" tanong nya.
"Boy please," sagot agad ni Phil. "I can't imagine my daughter being ogled at. Ito nga lang si Dan, at bata pa si Ellie nyan ah, hirap na eh. What if 'pag nagdalaga na?" patuloy ni Phil.
"Kumbento pare, kumbento," sagot at solusyon ni Dan.
"You boys are OA," sabi ni Joyce. "It's inevitable. They will get into relationships in their teens. Ano? Are we pairing up the kids? That'd be cute!"
"We are not pairing them up. Naging magulo na tayo noon, 'wag na nating mas i-complicate ang kanila," sabi ni Say.
"They're all growing up together though. Nagkikita tayo 'pag birthdays nila, birthdays natin, 'pag play dates. They will be in each other's lives. We wouldn't be able to help it if they date," sabi ni Ted.
"Ah hindi. Porke puro lalaki ang inyo," sabi ni Dan. "Gagawin kong lalaki 'tong anak ko."
"'Wag mong gawing tibo ang anak mo kung feminine naman sya. Let her find her own identity," sabi ko.
"Theo will take after his Dad I'm sure, one woman lang forever," bida ni Joyce sa bunso at asawa.
"Sana babae 'yan Say," sabi ko sa ipinagbubuntis nya.
"Gusto ko rin," ngiti ni Say.
Hinayaan naming mag-laro ang mga bata. Hawak-hawak ni Hans ang kamay ni Ellie habang nag-lalaro sila. Ryan would sometimes try to pull Ellie away from Hans pero yayakapin lang ni Hans si Ellie to shield her from Ryan.
"Ang cute nila o," turo ni Joyce. "Mini-rivalry."
"No, no, no, no, no, no," iling at reaksyon naming mga magulang nila. Nagkanya-kanya kaming tawag ng mga anak.
"Don't put meanings behind their play. Mga bata pa sila. They don't know love yet," sabi ni Ted. "Let's not put malice. They're just playing."
"Oo nga," ayon ni Joyce. "If you try to stop them baka they'd do it more."
BINABASA MO ANG
That Unfaithful Night (Completed)
RomanceI found him, my escape. He was every bit what I wanted and needed to get out of the stale and abusive relationship that I was in. He too, though, was in a relationship with someone. We were wrong but I have grown to love him. Making things right i...
