Nangunot ang noo ko pagkabukas ko ng mga mata ko. Nasa hospital bed ako at naka-swero. Wala ako sa isang kwarto, nasa emergency room ako.
What happened?
Then everything came flooding back.
Si Dan... Tinaboy ako ni Dan.
"Thanks man," dinig kong sabi.
That's Phil.
Phil emerged from behind the curtains. "Hay, thank heavens you're awake. I've never been this worried in my life!" sabi nya.
Nangiti ako sa pag-aalala nya. Nandito rin kaya si Dan?
"When you fainted, I immediately brought you here. They put you on IV kasi baka daw hungry ka bukod sa stress kaya ka nahimatay?" hinanap ni Phil ang mga mata ko wanting answers. He looked really relieved that I had woken up.
"I forgot to eat," sabi ko. "Excited kasi 'kong umuwi."
Sumungaw ang galit sa mga mata nya. It was clear he remembered what happened at Dan's. "Kasalanan ko 'tong lahat. Inaya pa kita dito sa Manila eh nananahimik ka sa Macau. Gago din kasi si Dan. I'm really sorry. Pero good thing okay ka na daw. After here, kakain tayo. Bubusugin kita."
Para akong mababasag sa alalay ni Phil sa'kin palabas ng hospital. We ate at the nearest formal dining restaurant.
Tarantang taranta sya sa kung anong oorderin nya pero he started us with soup. Hindi daw kasi dapat mabigla ang tyan ko.
I wondered if he called Dan to let him know what happened to me. Did Dan even care at all when he knew?
"Um, nga pala, si-" tanong ko sana that he interrupted.
"'Wag mo na muna syang isipin Ana. Baka kasi mahimatay ka ulit. Sobrang kaba ko kanina dahil first time ko yun, na may kasamang nahimatay. Baka ako naman ang atakihin sa puso 'pag nangyari ulit yun sa'yo," sabi ni Phil. He helped me with my soup. "I called Dan but he has not been picking up. I also texted but he has not yet replied. Baka tulog."
Alam kong 'di lang ako pinag-aalala ni Phil pero alam kong wala nang pakialam si Dan sa'kin.
He didn't even bother to check up on me. Wala na. Wala na talaga.
Kasi naman ang arte arte ko pa sa pag-alis ko noon dun. Pero alangan naman kasing manatili ako dun eh outsider ako sa gulo nila. I did it for reasons I felt right at the time pero eto na nga ang nangyari. Ako rin kasi ang may kagagawan nito.
Hindi ko na napansin na sa pagka-tulala ko, naluha ako sa naalala kong pag-taboy ni Dan sa'kin.
He asked me to leave. Si Dan. I thought he loved me... I thought I meant the world to him...
Tumabi sa'kin si Phil. "No Ana, naku. Please. Don't stress yourself now. Kain ka muna?" sabi nya. "Please?" Iniharap nya sa'kin ang soup. "Ito o. Please. Have a sip."
Mas lalo akong umiyak, dahil si Phil willing akong subuan samantalang ang kailangan kong si Dan, wala ng pakialam sa'kin. Wala akong masisi kundi ang sarili ko.
"Naku," Phil hugged me. "Please Ana, stop crying."
"I'm sorry ah. Ang drama drama ko," iyak ko sa kanya.
"This is all my fault. This whole thing was my idea, I also didn't think of getting us breakfast or lunch and then I had an asshole of a friend in Dan. I'm sorry Ana. Let's go back to Macau. I shouldn't have brought you here. Akala ko lang kasi magiging okay ito for Dan."
"Hindi na. Ako na lang ang babalik," sabi ko sa kanya breaking away from our hug wiping my tears. I need to be a big girl and start to move on from this, kung eto talaga ang gusto ni Dan.
BINABASA MO ANG
That Unfaithful Night (Completed)
RomanceI found him, my escape. He was every bit what I wanted and needed to get out of the stale and abusive relationship that I was in. He too, though, was in a relationship with someone. We were wrong but I have grown to love him. Making things right i...