Chapter 12

13.7K 139 1
                                        

Nakarinig ako ng malakas na tawanan mula sa opisina ko habang patungo ako doon. May mga tao dun?

Pagpasok ko nagtatawanan sina Mr. Cortez, Beth, Dan at Shiree, na HR Manager ng kumpanya.

"Liana!" bati ni Beth sa'kin pagkakita nyang papasok ako sa office ko.

Tiningnan ko silang lahat na kumakain. Makahulugan ang tingin ni Dan sa'kin na hindi ko masyadong pinansin. Mahirap nang mahalata kami.

Hinila ako ni Beth palapit sa kanila. "Kain ka o. Birthday pala ni Dan kahapon. Nagdala sya ng cake na bigay ng girlfriend nya. Ang sweet 'no?"

Hindi ko na napigilan ang ngiti ko. Pailalim ding tumingin si Dan sa'kin na naka-ngiti. Ngumuso sya para mapigilan ang mas lumalaking ngisi.

Ang gwapo nitong hayup na 'to. Kaya lang walang pasabi.

Dinala nya nga ang cake na dala namin ni Aya. Iyon ang pinagsasaluhan nila.

"Talaga?" nasabi ko lang. Kinuha ko ang inabot sa'kin ni Shiree na platito na may slice ng cake.

"So, how old are you now again, Dan?" tanong ni Mr. Cortez.

"Twenty-six po," sagot ni Dan.

"O ba't 'di ka pa mag-asawa? Marrying age na yan," sabi ni Mr. Cortez. "Gaano na ba kayo katagal ng girlfriend mo, if you don't mind me asking?"

I held my breath. Anong isasagot nya?

"We're fairly new," sabi nya. "But I know we're going to get there," dugtong nya at tiningnan ako.

Tumalikod ako sa kanila sa kilig. Kunyari nilapag ko ang gamit ko sa sulok ng kwarto away from them.

"That reminds me, Liana si France. Ang sabi ng Tita nya may lagnat daw? Dumiretso sya sa inyo kagabi?" tanong ni Mr. Cortez sa'kin.

Nakita ko ang atensyon ni Dan na tumutok sa'kin paglingon ko pabalik sa kanila.

"Yes po. Nasa bahay. Inaapoy nga po ng lagnat," sagot ko.

"Eh ano namang regalo ng girlfriend mo sa'yo?" tanong bigla ni Beth kay Dan.

Nakuha nun ang atensyon nya. "Marami eh," tuwang bahagi ni Dan. "Pero binigyan nya 'ko ng tee shirts."

"Live-in ba kayo?" tanong ni Shiree. "Sorry ah, tsismosa."

Sumulyap si Dan sa'kin. "Mahirap nang pumasok sa trabaho kung magli-live in kami pero sana. Yayayain ko sya. Sana pumayag sya," sabi ni Dan.

Bumalik ako sa bag ko para tumalikod ulit. Kunyari na lang kinuha ko ang phone ko. Hindi ko kinakaya ang saya sa mga naririnig ko kay Dan.

Live-in? Parang bahay-bahayan! Parang sa Bulacan!

"Mauna na 'ko sa inyo," sabi at tayo ni Mr. Cortez mula sa inuupuan. "Ten later, management meeting okay?"

"Okay boss." "Yes Sir." "Copy po." "Okay po."

"May picture ka ba ng jowa mo? Patingin naman," request ni Shiree kay Dan. "Siguro maganda."

"Oo naman! Sobra!" sagot nya bigla. "Tsk, wala pa 'kong picture eh pero sige, 'pag meron na kaming magandang kuha," payag ni Dan.

Bumulong sa'kin si Beth. "May sasabihin ka daw sa'kin sabi ni Aya?"

Akala ko ba hindi sasabihin kay Beth Aya? Kasi buntis nga yung tao? Anong nangyari sa ayaw nating i-stress at ipitin si Beth dahil katrabaho nya kami ni Dan? Hay naku ka Aya.

Napansin yun ni Dan. "Shiree may question pala ako HR-related. Dun tayo sa office mo?" yaya ni Dan sa kanya para siguro makapag-usap na kami ni Beth privately.

That Unfaithful Night (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon