Hindi magkandamayaw kaka-picture sina Maria at Antonio sa daan. Nasa Tsim Sha Tsui kami sa Kowloon at kabababa lang namin sa kinuha naming guest house sa Mirador Mansion.
Masaya, makulay at abala ang Tsim Sha Tsui. Iba-iba ang Nationalities ng mga tao dun na lahat may kanya-kanyang patutunguhan. Iba talaga ang energy.
"Ikaw, ayaw mong magpa-picture?" tanong ni Gavin sa'kin. Kasabay ko sya sa pag-lakad at sa paniningin ng mga andun.
Umiling ako. "Kagagaling lang namin dito nung isang buwan diba? Okay na 'ko sa dami ng kinuhang pictures ni Tita Tess at ni Paula."
"Selfie na lang tayo," sabi nya at kinunan nya kami ng picture. Magkadikit ang mga mukha namin dahil yumuko sya para maidikit yun sa'kin. Maganda ang kuha, background and malaking mall sa likod at maraming tao. "Lagi ba talagang maiksi ang buhok mo?" tanong nya habang tinitingnan ang picture namin.
"Hindi. Dati mahaba. Pero kasi magastos sa shampoo at conditioner 'pag ganun," sagot ko. Halos isang taon ko na ring mine-maintain ang maiksi kong bob cut. I had a new life so I had a new hair cut.
"Mukha ka kasing gwapong intsik dito sa picture o," asar nya.
Hinampas ko sya. "Grabe ka. Gwapong intsik talaga?"
"Sabagay maganda ka naman talaga. Kahit anong buhok bagay," sabi nyang bumabawi. "Baka 'pag mahaba ang buhok mo perfect ka na. Mas mahirap kang abutin nun."
"Bola mo yan," sabi at turo ko sa kanya.
"Hindi ah. Look," sabi nya at ginawang lock screen sa phone nya ang picture namin. "Pampangiti. Inspiration nga."
"Ewan ko sa'yo," layo ko sa kanyang natatawa. Hinabol namin sina Maria at Antonio na dahil mas matatangkad sa'min, malalaki ang mga hakbang at mabilis nang nauna sa'min.
"Ana!" sigaw ni Maria sa'kin waving her phone. Naabutan namin sila sa Victoria Harbour na. "Si Estelle ang kapatid ko, nandito din sa Hongkong!"
"Talaga? Asan sila ngayon?" tanong ko.
"Eh hindi nya rin daw kasi alam. Sabit lang kasi sya. Tanga-tanga kasi 'to sa direksyon tsaka sa lugar. Pero biruin mo ah, bago pa lang syang nurse sa napasukan nya, sinama na sya ng amo. Bongga."
"Sabihin mo nasa Victoria Harbour tayo. Tas tanungin nya sa mga kasama nya kung nasan na sila," suggest ni Gavin na tinext naman ni Maria sa kapatid na sinasabi pa ang tinetext.
Nagyaya ulit mag-picture si Antonio kaya lumayo sila.
"Dun tayo," turo ni Gavin sa elevated area. "Kung ayaw mong magpa-picture, picturan mo 'ko dun."
Kinuha nya ang kamay ko at tinakbo namin ang papunta dun. Dahil na rin sa excitement sa lugar, feeling perky kami.
"Say cheese!" sabi ko sa kanya. Pumose si Gavin ng kakaiba. Click!
"Isa pa," sabi nya.
"Photoshoot mo?" asar ko sa kanya.
"Tight shot naman. Lapit ka dito. Dapat kita dimples ko."
"Yabang sa dimples!"
Nag-selfie din kami with the Hongkong Island as view. "Ang lamig 'no?" sabi nya nang mas lumakas ang hangin.
Nakatanggap ako ng tawag. "Wait sina Papa 'to," sabi ko kay Gavin. "Pa?"
"Anak? Nasa Hongkong na kayo?"
"Opo Pa," sagot ko. "Kumusta kayo dyan?"
"Okay anak. Okay na okay. Maayos ang kalagayan at kalusugan namin. Okay kami. Eh ikaw?"
"Okay po," sagot ko. Ngumiti ako kay Gavin na nakatingin lang sa'kin.
"Eh kumusta ba yung si Gavin? Nung dumalaw kami dyan eh nag-paalam ba naman sa'kin pagdating sa'yo. Kayo na ba?"
Kumunot ang noo ko at tumingin kay Gavin. "Hindi po," sabi ko.
"Eh mukha namang mabait anak. Galing sa maayos at simpleng pamilya."
"Mabait nga po," sagot ko, ngumiti ulit kay Gavin.
Hinawakan ni Gavin ang mga kamay ko. Hinayaan ko na lang sya dahil na din sa lamig. Hinipan nya ang mga kamay namin. Hinalikan nya yun.
"Oh ayaw mo ba yan? Mabait anak," sabi nya.
"Pa..."
"Basta boto ako anak kung sakali," sabi nya.
Cute naman si Gavin. Maputi, matangkad, boy next door. Literally dahil sa bahay sa Macau sa kabilang kwarto lang sya.
Narinig kong bumuntung-hininga si Papa. "Si Dan pala ikakasal na," patuloy nya.
Natigilan ako. Tama ba? Si Dan? Daniel Valerio?
"Anak?"
"Po?"
"Narinig ko sa radyo na ikakasal na sya dun sa Olivia. Pinsan kasi yung Olivia nung artistang sikat na hindi makagawa ng pelikula ngayon dahil nga dun sa kasal na yun. Mayaman din ata yung babae."
Si Olivia. Si Liv. Sila ni Liv. Kababata nya.
Wala na pala. Wala na pala talaga. Nag-move on na sya. Napapikit ako at pilit kinalimutan ang lahat nang palagi kong naaalala.
"Anak?"
"Po?"
"Mahal na mahal ka namin," sabi nya.
Naiyak ako. "I miss you Pa! I love you po," sagot ko.
Niyakap ako ni Gavin. Ibinaba ko na ang phone.
Wala nang Dan at Liana. Tapos na talaga yun. Tapos na tapos na.
Humikbi ako kay Gavin. Akala nya umiiyak ako dahil sa miss ko na sina Papa. "Sige, sasamahan kita kung gusto mo. Uwi tayo sa Pinas. Mag-Bora din tayo gusto mo?"
Inalo nya 'ko. Isinubsob ko lang ang mukha ko sa dibdib nya. Masarap ang init ng yakap nya. I felt loved kahit pa'no lalo na't... lalo na't... shet tama na kaiisip kay Dan Liana. Wala na nga yun. Wala na.
Napakalma ako ni Gavin kaka-joke nya. Natawa na rin ako pero yakap nya pa rin ako.
Gavin looked into my eyes. He lowered his lips to mine. I kissed back. I'm moving on.
"Sinasabi ko na nga ba!" tuwang-tuwang sabi ni Maria na tinuturo kami. Patalon-talon pa sya. Tinapik ni Antonio si Gavin sa balikat, binabati sya. Nakita nila ang halikan namin.
Nahiya ako at napayuko. Natawa. Kinurot ko si Gavin na malaki ang ngisi.
"Si Estelle pala," patuloy ni Maria. May mga kasama pala sya! Nakakahiya. Mas nahiya, namula at napayuko pa ako. I just waved hi. "Mga kasama ko pala sa trabaho," dagdag at turo ni Maria sa'min.
"Hi!" masayang bati ni Gavin na taas noo sa kanila habang hindi ko pa rin sila matingnan sa hiya.
"Hi! Ang sweet ah! Parang kasal. Backdrop pa ang Hongkong Island!" sabi ni Estelle sa'min. Magkamukha sila ni Maria at pareho pa sila ng energy. Mas manipis nga lang si Estelle at mas matangkad si Maria. "Ay nga pala amo ko Ate, si Mam Joyce, Sir Ted tsaka mga kaibigan ni Sir Ted, si Sir Phil, Sir Kearn, Mam Say tsaka si Sir Dan."
Dan? Nagtaas ako ng tingin. Napatingin ako sa Dan.
Si Dan. Si Dan. Nandito si Dan. Si Dan! Shet si Dan. 'Di ko pa nakakalimutan yang mukhang yan, his lips, his jaw, his stare. He was surprised to see me.
Nakita nya rin ang halikan namin ni Gavin sa pagka-tulala nyang yun sa'kin.
Sh1t! Sh1t! Si Dan!

BINABASA MO ANG
That Unfaithful Night (Completed)
RomanceI found him, my escape. He was every bit what I wanted and needed to get out of the stale and abusive relationship that I was in. He too, though, was in a relationship with someone. We were wrong but I have grown to love him. Making things right i...