Chapter 18

11.9K 147 6
                                        

Palabas na sana si Dan ng office ko para kumuha ng lunch namin nang bumalik sya. "Payakap nga muna sa girlfriend ko," lambing nya. Matipid syang ngumiti at malungkot ang mga mata. He opened his arms wide.

Niyakap ko sya. I smelled his perfume. Malungkot na kailangan naming mag-panggap na hindi kami. I didn't want this pero eto yung tinatawag ng pagkakataon. His job is his current pride now.

"They're all saying we shouldn't be together. I will change that Love, soon," halik nya sa buhok ko habang yakap ako. "I'm sorry na kailangan nating magtago ng ganito. Sorry about earlier sa bahay nyo. Si France kasi. Nainis ako."

Hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I want us to be happy. Para kasi kaming mga batang nagtatago at hindi namin ma-express ang mga sarili namin. This is no way to love someone.

"I can't wait a year for me to show you off Love. Sa weekend, birthday ng barkada ko at gusto kitang isama dun."

"Sasama ako. We're workmates. We're allowed to go out. Walang magagawa si Mr. Cortez," sabi kong pinagbibigyan sya. Pero pa'no kung mahuli kami? Mag-iisip si Mr. Cortez na kami at 'pag nalaman ni France, baka mag-wala na naman yun.

"Talaga?" tanong nyang hopeful. "Sige. Sana mangyari. Pero hindi ako aasa."

Hay. "Kumain na tayo Dan," sabi ko not prolonging that type of conversation.

"Sige punta na ako sa office ko, nandun food natin," sabi nya at lumabas na ng kwarto ko.

Sumalampak ako sa upuan ko. I opened my laptop and checked my emails. May email si France. Attached was a link to a video.

The video played how we started as a young couple in love. That was France's attempt to win me over. Those were our happy moments together sa walong taon namin. Hindi ko na napansin na naiyak ako.

"O ba't ka umiiyak?" tanong ni Beth na nakapasok na pala sa office ko.

Pinaikot ko ang laptop para makita ni Beth ang pinapanood ko.

"Mahal mo pa ba sya?" tanong ni Beth sa'kin nagtataka.

Bumuntung-hininga ako. "Syempre he's special to me. Kaya nga kami nag-tagal. Hindi kami masaya Beth, pero mahal ko kasi sya. Naiiyak siguro ako kasi I'm grieving the loss of that love, yung eight years na hindi successful. Sayang kami. I now have chosen to respect myself. Ako naman. Matagal na sya yung inintindi ko, inuna at pinasaya 'ko. Ako naman."

"Lunch o!" usog ni Beth sa'kin ng pagkain. "Tama na yan."

Biglang pumasok si Dan. "O, anong nangyari kay Liana?" tanong ni Dan kay Beth na napansin ang pag-luha ko.

"Mahal nya pa si France," ang napiling isagot ni Beth kay Dan.

Kumunot ang noo ni Dan. Tumiing-bagang sya. "Kaya ka umiiyak?" tanong nya sa'kin. Bumaba ang mga balikat nya. He's pissed off.

Nakita ni Dan ang nagpe-play na video. Umupo sya sa harap ni Beth sa mga upuan sa harap ng desk ko at inulit nya ang video and played it.

"Ano? Miss mo na? Babalikan mo?" mga sunud-sunod na tanong ni  Dan.

"Hindi 'no! Hindi ko na sya mahal."

"Umiiyak ka eh," sabi ni Dan na naka-turo sa mukha ko.

"Oo nga," gatong ni Beth na nag-aayos ng lunch nya kaya hindi nya napapansin ang facial expressions ni Dan na naiinis.

"I was just sad. Hindi pwedeng malungkot?" reak ko. "Ang sabi ko nga kay Beth, na mali-mali ang impormasyong sinabi sa'yo, I was just grieving the past, alam mo yun, yung wasted eight years?"

That Unfaithful Night (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon