Tiningnan nya lang ako. "Please Liana, Liana, Liana."
Natawa ako. "Bakit mo inuulit-ulit ng ganyan ang pangalan ko?"
Nangiti sya. Ang gusto nyang tanggaling kamay ko nang paalis na sana sya, ay mas hinigpitan nya ng hawak. "Liana," ulit nya.
"Dan-iel," gaya ko sa kanya.
Niyakap nya ako. Hinalikan nya ang ulo ko. "Liana."
"Dan-iel," ulit ko rin.
"Bakit ayaw mo pang matulog?"
"Kasi kagigising ko lang?" sagot ko.
Natawa sya. Isinayaw nya ang yakap nya sa'kin. Lumayo sya para tingnan ako. "Matulog ka na. Please?"
Ang cute nya. "O-kay," payag ko. Sino ba namang hihindi sa hiling nya kung ganun syang mag-request.
Humiga na 'ko sa kama.
"Good night," sabi nya mula sa pinto.
"Night," sabi at ngiti ko.
Bumuntung-hininga sya bago nya isinara ang pinto.
Kinabukasan nagising ako sa malakas na kulog. "Umuulan pa rin?" tanong kong paupo.
"Bumabagyo pa rin," dinig kong sabi ni Dan. Nakalitaw ang ulo nya sa paanan ng kama. Naka-upo sya sa sahig.
Nandito nga pala kami. Bumagsak ulit ako ng higa. Bumalik lahat ng nangyari kagabi.
"Gutom ka na?" tanong nya.
Tiningnan ko sya. Lumingon sya. Isinampay nya ang ulo sa kama.
"Hmm? Gutom na Liana?" ulit nya.
Nangiti ako. There's something anout the way he says my name. "Hindi naman Dan-iel," sabi ko. Gusto ko ring gayahin yung cute na pag-banggit nya ng pangalan ko.
Nangiti sya. "Pa'no yan, naka-luto na 'ko ng breakfast," sabi nya.
Nakita ko ang orasan. "Seven pa lang ah. Nakaluto ka na?"
"Yes po," sagot nya.
Po. Ang cute. "Kain na tayo kung ganun. Gutom na gutom na 'ko," sabi ko na iniarte ko pa.
Tumayo sya at hinawakan nya ang kanang kamay ko. Magka-holding hands kaming tumungo sa kusina.
Pinag-hila nya 'ko ng upuan. "Wow, salamat," ngiti ko sa kanya. "Hmmm," sabi ko, "ang bango Dan!"
"Grabe ka naman maka-puri. Gisa lang yan," sabi nya. "Kain na." Sinalinan nya 'ko ng kanin sa plato. Nilagyan nya 'ko ng ulam.
OA pero gusto kong maiyak. No one had ever done that to me. Wala pang nag-silbi sa'kin, kahit sino, sa kahit ano pang pagkakataon.
"O, ba't natahimik ka? Ayaw mo ba ng giniling na ulam?" concerned nyang tanong.
Umiling ako. "Thank you. Thanks kasi..." ang dami Dan san ako mag-sisimula ng pasasalamat? "...wala. Basta thank you."
"Sige na. Kain ka na," sabi nya. Sinalinan nya rin ang plato nya ng kanin at ulam.
Bakit ang bait nya? Tapos ganyan pa yung hitsura nya?
Ano bang ginagawa ko with France?
Napansin ni Dan na hindi pa 'ko kumakain. Hindi pa rin naman sya sumusubo. Kinuha nya ang plato ko at ikinalat ang kanin. Hinipan nya pa. "Mainit nga naman, sinerve ko na agad."
He's impossible! Bakit sya ganito?!
"Ayan," balik nya ng plato sa harapan ko. "Masarap na yung init nyan. Kain ka na."
BINABASA MO ANG
That Unfaithful Night (Completed)
RomanceI found him, my escape. He was every bit what I wanted and needed to get out of the stale and abusive relationship that I was in. He too, though, was in a relationship with someone. We were wrong but I have grown to love him. Making things right i...