"Para naman tayong nagsusumbong na mga bata Dan."
"Just ask him where his son is," udyok nya pa rin. "I will not be mindful of my actions towards you para kay France. Kung sya wala syang pakialam 'pag nasasaktan ka nya sa harap ng maraming tao, bakit ako mahihiya na mahalin ka lalo na sa harap nya. Alam kong gusto nya tayong obserbahang dalawa. Baka kulitin ka pa."
"Nag-hahanap ka ng away Dan."
"Kaya nga mas magandang isumbong mo na lang sya sa tatay nya kaysa masuntok ko pa sya," sabi nya.
Itinawag ko na ang bagay na yun kay Mr. Cortez. Maya-maya napansin naming wala ng bumubuntot sa'min.
Kinabahan ako sa nangyaring yun na hindi ko lang inamin kay Dan. Ayokong magka-gulo at ayokong may masaktan. Pero hindi ako tutupi para lang manahimik si France. Hindi ko na talaga sya babalikan para tumigil lang sya.
Isinukbit ni Dan ang kamay nya sa balikat ko. Mukha namang friendly kaya hinayaan ko na. Kahit hindi namin mga kilala talaga ang mga kausap naming may-ari o caretaker ng mga sites, hindi namin katrabaho, ayaw naming makarating kay Mr. Cortez na mukhang mag-boyfriend ang nag-site visit.
Nang lumayo ang may-ari ng second site sa Pampanga para makapag-usap kami ng pribado ni Dan tungkol sa mga nakita namin dun, sumeryoso ang mukha ni Dan.
Malalim ang iniisip nito. Baka ayaw nya dito sa site. Hindi pa sya nagbibigay ng comments eh.
Kumunot ang noo nya. "Tingin mo pwede kitang nakawan ng halik ngayon?" seryoso nyang tanong.
Nahampas ko sya sa inis. Nagbibiro sya. "Akala ko seryoso kang magbibigay ng input tungkol dito ngayon!"
Natawa sya. "Isa lang? Sa cheeks?" hirit nya.
"Dan!" natatawa kong suway.
"Gusto mo sa lips? Sige," ngumuso sya.
Inihalik ko ang mga daliri ko sa nguso nya. "Pero dito sa warehouse, ano? Ano sa tingin mo?" pag-fofocus ko sa kanya.
"The fact na naligaw-ligaw tayo kahit may mapa, yun pa lang, ayoko na dito," sabi nya. "Mas okay yung nauna, sa location at facilities. Oo mas mura at mas malaki 'to pero mas kaunti ang maintenance sa nauna. At mas liblib 'to kahit mabahay-bahay."
We called Mr. Cortez and reported what we thought about the second place. Ako ang tumawag at nagpaliwanag dahil tinatamad na si Dan. Wala raw syang masabing maganda sa lugar.
"Opo," ayon ko sa sinasabi ni Mr. Cortez sa phone. "Yes, mas may freedom din po sa terms yung naunang property," sabi ko.
Naramdaman ko ang yakap ni Dan mula sa likod. Hinampas ko ang kamay nya para suwayin pero hindi sya bumitaw. Inamoy nya ang leeg ko.
Hindi ko na naintindihan si Mr. Cortez sa mga ginagawa ni Dan. "Sir choppy," nasabi ko na lang kay Mr. Cortez sa phone. Nagpatuloy si Mr. Cortez sa mga sinasabi nya kaya hindi ko maibaba ang phone.
Dahan-dahang gumapang ang mga kamay ni Dan. "Mr. Cortez saglit," sabi ko na. Bumaling ako kay Dan. Sinamaan ko sya ng tingin. Hinalikan nya lang ako.
I thought he just wanted a quick kiss pero kinabig nya pa 'ko ng mas malapit and locked me in his arms. He gave me a deep kiss. Nahirapan pa 'kong buksan ang mga mata ko pagkatapos nun sa lalim ng pinanggalingan ng halik na yun.
"Huy Love si Boss nasa phone pa," paalala ni Dan.
"Dan naman kasi. Mamaya na," nasabi ko sa kanya pagkatapos ng halik na yun.
"Hindi ka na kasi uuwi sa'kin mamaya."
"Mr. Cortez uulan na po, tawag na lang po kami ulit," palusot ko sa phone at ibinaba na yun.
BINABASA MO ANG
That Unfaithful Night (Completed)
RomanceI found him, my escape. He was every bit what I wanted and needed to get out of the stale and abusive relationship that I was in. He too, though, was in a relationship with someone. We were wrong but I have grown to love him. Making things right i...
