"Hoy Liana, tulala ka na naman," tawag-pansin sa'kin ni Beth, friend ko. She's also the Finance Manager / Consultant of the company I work for.
Nangiti lang ako. Ayokong aminin sa kanya kung ano ang mga naiisip 'ko pero kasi kahit ako mismo nahihiya sa mga pumapasok sa utak ko nitong mga nakaraang linggo.
"Umamin ka nga. Nag-away na naman ba kayo ni France?"
Gusto ko ng hiwalayan si France. Yun yun... No, joke lang. Para rin namang posible yun. Inikot-ikot ko sa daliri ko ang engagement ring na bigay nya. "Hindi. Nasa Ilocos pa rin sya. Birthday kasi ng pinsan nya kaya nag-extend sya dun. Pinipilit nya nga akong sumunod eh," nguso ko. Oo nga pala, itetext ko pa sa kanyang busy ako kaya hindi ako makakasunod. Mamimilit na naman yun. Kinuha ko ang phone ko at itinext yun sa boyfriend ko.
"Talaga? Nakaya nyang tatlong araw na wala ka?" di makapaniwalang tanong ni Beth. Umupo pa talaga sya sa harap ko para tingnan ako ng diretso.
"Nakakatawa ka," irap ko. "Buti nga yun ng makahinga-hinga naman ako," nasabi ko. Shet! Mali! Ba't nasabi ko yun out loud?!
"Sinasabi ko na nga ba eh," turo ni Beth sa'kin. Napa-palakpak pa sya. "Sakal na sakal ka na dyan sa habambuhay mong jowa! Ano pang ginagawa mo 'te? Hiwalay na! Ang daming isda sa dagat! Kung yun ang worry mo, Ate napaka-ganda mo! I'm sure 'di pa natatapos ang unang araw na hiwalay kayo, sampu na pumoporma sa'yo."
Pero 'di ko sya pwedeng hiwalayan.
Itinuon ko ang pansin sa trabaho. Ano na nga bang gagawin ko ngayon? Ah! May bago nga palang General Manager at pupunta kami sa warehouse sa Bulacan.
"Hoy Liana!" pambubulabog ni Beth. "Nakikinig ka ba sa'kin?"
"Ano ba? Anong sinasabi mo?" tanong ko.
"'Di porke't ipit ka sa mga utang ng tatay mo kina France, eh ikukulong mo na buhay mo dito sa ganito, sa kumpanyang ito at sa pamilya nila. At lalung-lalo na sa France na yan!"
"May galit ka ba kay France Beth? Sa'n nanggagaling yang angst na yan?" walang gana kong tanong sa kanya habang hinahanda ang mga dokumento na ipapakita ko sa bagong General Manager.
"Twenty-three ka pa lang Liana! Cum laude at maganda. Dapat sa ibang bansa ka nagtatrabaho, hindi sa industriyang pakain ng baboy, manok at baka!"
"Aktibista ka ba Beth nung College?" tunay na pagwa-wonder ko.
"Ewan ko sa'yo!" irap nya.
"Leading brand naman tayo sa Pilipinas," depensa ko sa Cortez Feeds and Agricultural Supply na pag-aari ng pamilya nina France. "At mag-eexport na tayo sa Indonesia at Malaysia next year. Malapit na yun."
"Salamat sa'yo naging global ang negosyo nila. Buti ang ayos ayos mo 'no? Ang swerte ng buong angkan nila France sa'yo," dagdag nya.
"Malaki rin naman ang utang na loob ko sa kanila. Nagka-work agad ako after College. Manager-level pa agad," pagtatanggol ko sa pamilya ng boyfriend ko.
"Eh pwede namang maging Manager ka rin sa iba Liana. Akala ko ba gusto kong maging IT Project Manager? Diba techie ka? Marunong ka pang mag-program."
"Si Papa. Alam mo namang-"
Pinutol nya 'ko. "Oo na. Malaki na ang utang na loob ng tatay mo sa tatay ng jowa mo. Okay, sige. Mag-dusa ka habambuhay dahil dyan."
"Ba't ba special ang hate mo sa kanila ngayon Beth?" tanong ko.
"Eh kasi naman yung bonus natin 'di pa binibigay eh an dami namang pondo. Siguro yang kapatid ni France mangingibang-bansa na naman. Itatag na naman na Research and Development ang gastos ng pagliliwaliw nya sa Europe na dapat pondo sa bonus natin."
BINABASA MO ANG
That Unfaithful Night (Completed)
RomansaI found him, my escape. He was every bit what I wanted and needed to get out of the stale and abusive relationship that I was in. He too, though, was in a relationship with someone. We were wrong but I have grown to love him. Making things right i...