Chapter 20

11K 121 3
                                        

"Liana?" tawag ni Dan papasok ng office ko. Nakita nya si Papa. "Good evening po," bati nya.

"Dan alam mo ba ang history ng parents mo with Mr. Cortez?" tanong ko agad. Ayokong ilihim ang bagay na yun kay Dan.

"Liana," tigil ni Papa sa'kin.

Nagpalit-palit ng tingin si Dan sa'kin at kay Papa. Hindi nya naintindihan ang sinabi ko. "Sorry? I'm not getting this," sabi nya. Umupo sya sa harap ni Papa sa mga upuan sa harap ng desk ko.

"Kayo na pala ng anak ko," sabi ni Papa kay Dan clearly changing the topic.

"Pa," ako naman ang sumuway.

"Buti po nabanggit nya na sa inyo. Gusto ko rin po kasing ipakilala sya sa mga magulang ko," sabi ni Dan. "Seryoso po ako sa anak ninyo."

"Hindi maganda ang relasyon nyo lalo na't dito kayo nagtatrabaho," matigas na sabi ni Papa.

Hay naku Pa. Bumaling ako kay Dan. "Dan, mommy mo at si Mr. Cortez, they were together before your Dad," patuloy ko na, sa gusto kong malaman nya agad.

Kumunot ang noo nya. He was looking at me confused, pati na rin kay Papa.

Sumuporta naman si Papa sa news-breaking, "Magkaka-eskwela kami. Kaibigan kong matalik si Pareng Boy, alam mo na naman siguro yun. Si Mateo ay..." naghahanap sya ng salita, "kumpetisyon, ayun, kumpetisyon ni Pareng Boy."

Dan seemed to consider what was said, "And mom and Mr. Cortez were-"

"Oo, sila dati," tapos ni Papa para sa kanya.

Halata mong kinakaya lang ni Dan ang gulat. Hindi nya 'to alam.

"Dan?" banggit ko ng pangalan nya dahil halatang malalim ang iniisip nya.

"I don't know what to say," sabi ni Dan. He turned to me, "Liana mauna na 'ko. Mauna na po 'ko Tito," paalam nya rin kay Papa. Bumaling ulit sya sa'kin. "Na-email ko na yung mga kailangan mo. Tatapusin ko tonight yung iba."

Tumango ako. "Okay."

"Mauna na po 'ko," ulit nya kay Papa na tinanguan ni Papa.

"Sige, ingat ka," paalam na din ni Papa sa kanya.

Tulirong lumabas si Dan ng office ko.

"Tingin mo ba nagulat sya?" tanong sa'kin ni Papa pagka-alis ni Dan.

"Oo naman. Ako nga gulat na gulat," sagot ko.

"Basta mag-iingat ka. Ang akin na lang, malayo ka sa gulo nila. Yun ang gusto ko," seryosong sabi ni Papa.

"Pero mahal ko si Dan Pa."

"Kaya mo ring mag-mahal ng iba. At kakakilala nyo lang, pa'nong mahal mo na sya agad?"

"Hindi Pa. Basta. Hindi ako hihiwalay sa kanya," diin ko.

"Oh eh 'di basta mag-ingat ka," sabi nya. "Halika na uwi na tayo."

Nag-send ako ng reports at mga natapos naming proseso kay Mr. Cortez. Pagkatapos, umuwi na kami ni Papa.

Nang gabing yun, inantay ko ang text o tawag ni Dan pero wala. Hindi sya nag-reply sa mga messages ko.

Kinabukasan naka-basa na 'ko ng text kay Dan: Sorry wasn't able to call you back / text kagabi. I met with mom, we talked. See you sa office. Love you.

Kaya pala. Bakit biglang nakipag-kita sya sa mommy nya? Has that something to do with what he knew from Papa kahapon? Bakit nga ba hinire ni Mr. Cortez si Dan?

Malakas ang katok ni Papa sa pinto. "Liana, gising, gising na!"

Binuksan ko yun kaagad. "Bakit Pa? Gising na 'ko."

That Unfaithful Night (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon