Chapter 38

9.5K 121 9
                                    

Phil said 'I love you.' He said 'I love you'! He told me he loves me!

Ano ba yun, as a friend ba? Nagkamali lang ba sya? Hala! Kinikilig ako!

Napa-skip pa 'ko sa tuwa habang naglalakad. Tumigil ako dahil mukha na 'kong tanga sa ligaya. I laughed at myself.

Paulit-ulit kong inalala kung pa'no binanggit ni Phil yun sa'kin.

Ang sweet ni Dan!

Wait. Si Phil yun Ana. Hindi yun si Dan, okay?

Naguluhan ako sa sarili ko. Kinikilig ako sa sinabi ni Phil pero biglang sumagi sa isip ko si Dan dahil imbis na pangalan ni Phil, pangalan ni Dan ang naisip ko.

May girlfriend na si Dan Liana. Tama na. Hindi naman sya nagpapakita o tumatawag sa'yo even if he can. Pinuntahan mo sya pero ayaw nya na diba?

Pero bakit kasi may pakiramdam na parang naka-reserve na 'ko kay Dan? Ang tanga oo pero bakit parang inaantay kong mag-hiwalay sila ni Lovely tapos parang magiging kami?

And would Phil even make a move? Pahapyaw lang sya lagi. Mahal nya ba talaga 'ko o gusto lang nyang gantihan si Dan. Pero hindi nya naman siguro gagawin sa'kin yun.

But would Phil let himself love me? Eh diba may rule rule nga sila? Bro code? Eh teka, hindi na nga sila friends lahat eh.

Gusto ko nang magka-boyfriend. At kinikilig ako kay Phil. Hindi 'ko 'to naramdaman kay France nung bata kami kasi serious issues na agad yung mga topics namin. Shet gusto ko si Phil.

I shook my head when I realized I was imagining Phil in a less than wholesome setting. "Oh my goodness Liana! Stop!" sigaw ko bigla.

"Hoy baliw!" sigaw ni Maria sa'kin na kausap ang mga magulang nya sa Skype. "Itakbo mo nga yang kilig mo. I-exercise mo yan nang 'di ka nakakainis dito."

Medyo bitter si Maria lately dahil kabebreak lang nila ni Antonio pero alam kong parang nadedevelop na sya kay Gavin, tinatago nya lang.

"Okay!" sigaw ko. I changed my outfit to a running one to exercise.

Sa takbo ko masaya 'kong iniisip si Phil habang nagi-guilty ako kay Dan which was not making any sense dahil matagal nang walang kami at may girlfriend syang kagulat-gulat na sila pa.

Ang problema, hindi ko magawang maniwalang mahal ni Dan si Lovely. Para kasing I had promised Dan forever so parang in the future mangyayaring kami talaga.

Ugh! Pero ang tanga! Hanggang kelan ba 'ko maghihintay?!

Nagalit na nga si Phil kay Dan for having a relationship with his ex pero pinangatawanan pa rin ni Dan si Lovely!

Pvta! Shet! Eh 'di sila na!!!

Padabog kong hinagis ang twalyang ginamit ko sa kama.

"O, ang saya-saya mong umalis tapos galit kang bumalik. Anong nangyari?" puna ni Maria.

"May girlfriend na si Dan."

"Oo nga diba? Tatlong buwan na kamo," naguguluhang sagot ni Maria.

"Bakit parang naka-on hold yung buhay ko hangga't sa bumalik sya? Why can't I love Phil? Ba't parang inaantay ko si Dan? Eh hindi na nga! Wala na nga!"

Niyakap ako ni Maria. "I can understand your frustration," hagod nya ng likod ko. "Let go. Asan ba si Dan? Nasa Manila, may girlfriend Ana. May iba. Hindi ikaw. Hindi, ikaw. If you want to love Phil, go."

"I think he's also holding back. Yung prinsipyo kasi."

"Well tell him his principles won't keep him warm at nights," sabi ni Maria na malandi ang ngisi.

That Unfaithful Night (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon