Chapter 21

10.3K 130 3
                                    

Ang sakit!

Napahawak ako sa likod ng ulo ko. Basa.

Bumalik lahat ang mga nangyari at mabilis akong binalutan ng takot. Masakit ang ulo ko pero mas iba ang pumapangibabaw sa'kin. Binuksan ko ang mga mata ko. Nasa isang 'di pamilyar na kwarto ako.

Nakita ko ang kamay ko na pinang-hawak ko sa likod ng ulo ko at madugo yun.

Nasan ako? Anong nangyari? Pilit kong inisip ang mga huling nangyari.

Yung banggaan! May pumalo sa'kin.

Pinakiramdaman ko ang buo kong katawan. Mukha namang walang nawala sa'kin. Maayos pa rin ang mga damit ko. Madumi na nga lang. Maalikabok.

Malakas ang kabog ng dibdib ko at hindi ko na napansin na iyak ako ng iyak pero pinigil kong gumawa ng kahit anong ingay. Gusto kong maka-rinig ng kahit anong pwedeng makapag-sabi sa'kin kung nasaan ako.

Tiningnan ko ang paligid. Isang maduming kwarto na parang dating opisina yun. Walang kasangkapan dun, ni walang mesa. Walang masyadong marinig sa paligid kundi kuliglig.

Bakit ba ako nandito? Anong nangyayari?

Naisip ko nang mamamatay na 'ko. Naisip ko si Papa agad. Mas tumindi ang hikbi ko na pilit kong iniimpit para hindi ako maka-likha ng ingay.

Naisip kong baka ma-rape ako. Kinatakot ko yun pero naisip kong gusto ko pa ring mabuhay kung mangyari man yun. Pero lalaban ako kung mangyayari yun.

Hindi ko alam kung gaano na 'ko katagal dun. Hindi ko alam kung nag-lagay sila ng droga sa sistema ko. Hindi ko alam kung sino sila. Sino ba ang kumuha sa'kin? Bakit ako nandito?

Kung tatakas ako, pa'no? Nasang parte ba 'ko ng Pilipinas?

"Asan?" narinig kong tanong. Mas lalo akong kinabahan. Sumiksik ako sa sulok ng kwarto.

"Nasa loob po," ang sabi ng kinausap.

"Nagalaw nyo na ba?"

Nagalaw? Rape?

"Hindi po. Babae po eh," ang sagot.

Huh?

"Babae?! Lalaki dapat! Anong babae?!" galit na tanong ng kausap.

Hindi ako! Nagkamali sila! So pakakawalan nila 'ko! Please sana pakawalan nila 'ko. Lord!

"Wala naman kasing kasama pala. Sya lang mag-isa eh."

Kasama? Dapat kami ni Dan ang pupunta sa site. Si Dan? Si Dan ba ang tinutukoy nila?

"Naku parating na si Boss. Anong gagawin natin ngayon dyan?"

May boss. Sino ang boss?

"Hindi namin maiwanan. Nataranta 'to eh. Pinalo sa ulo."

"Nakita na tayo eh. Ang tagal nya kayang bumubusina. Nakabisado na nun plate mo!"

Nakarinig ako ng sasakyan na dumating. "Asan?" may nagtanong.

France? Boses ni France yun.

"Dun po."

Tila ko mamamatay sa kaba ng tumunog ang pinto. Bumukas yun.

"France?" Pvta si France? Dinukot ako? "Ano 'to?!" hiyaw ko sa kanya. Nailabas ko agad ang tinatago kong iyak.

"By? Anong-?" gulat at gulung-gulong sabi ni France. Tumingin sya sa likod nya.

Hindi ko alam kung relieved ba ako na nakita ko sya o ano. Pero it's done. Natakot na 'ko na halos ikamatay ko.

That Unfaithful Night (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon