Chapter 44

9.9K 123 11
                                    

Ted turned on the microphone. "Hey, hey y'all," sabi nya. "Happy Birthday Liana!!!"

Sumigaw ang lahat, pati ako.

"Thank you!" sigaw ko.

"I need your wish. What's your birthday wish? Halika dito, tell us!"

I was game 'cause I was drunk. Phil helped me get near the mic. All eyes were on us at mas dama ko rin nun ang titig ni Dan. "Hey, ho, haha, super thank you sa inyo for coming. Sooobra!" pasalamat ko sa lahat.

"Walang anuman Ana," sagot ni Ted sa isa pang microphone. "Because of you, because of this party, we all came back to being friends. Mah boys!"

"Cheers!" sigaw ni Kearn who raised his glass.

Sumugod ang lahat sa kanya to clink glasses with him.

"Wish! What's your birthday wish?" tanong ni Joyce sa'kin. "Or wishes."

I squeezed Phil's hands and smiled at him. "I already have him," sabi ko. "My Bear."

"Ayiiieee!!!" tukso ni Ted kay Phil na tinuro si Phil.

"Boring! What else?" pilit pa ni Joyce.

"Sobrang happy ko ngayon. Sooobrang natuwa ako sa surprises ni Bear. Nandito sina Maria at Gav. Lalo na sina Beth at Aya na matagal ko nang mga hindi nakita." Nagpayakap ako kay Phil na feeling proud.

"Wala eh, best boyfriend ever eh," kibit-balikat ni Phil. Pinanggigilan nya 'ko sa hug nya sa'kin.

"Oy, 'wag ka ngang ganyan," sabi ni Kearn kay Phil. "Dan's hurting o," turo naman nya kay Dan.

"Oist," suway at duro ni Ted kay Kearn.

"Gago," sabi lang ni Dan kay Kearn.

"Joke lang, kayo naman. Ako din naman mang-aagaw," sabi ni Kearn.

"I didn't take anyone's girl," depensa agad ni Phil. "I just fell in love."

"Ops, ops, mag-uungkatan pa eh," tayo at pakalma ni Maria sa gitna. "Birthday nyo? Birthday nyo?"

"Sheesh, move on na. Pares pares na naman kayo oh," sabi ni Joyce.

"Hah!" biglang reak ni Lovely na natawa bigla on her own.

"Kantahan na lang!" yaya ni Gavin. Thank God he said that dahil the tension eased a bit because of that.

Wala namang natigil sa inom. Mas delikado ang mga pwedeng mangyari pero wala naman kasing pumipigil sa kahit kanino sa pag-inom.

'Di naglaon nagsawa na sina Maria at Gavin sa kakakanta. "Birthday girl ikaw nga," sabi sa'kin ni Maria.

All This Time played. "Ay ako muna! I like the song," sabi ni Joyce.

"Okay go!" sabi naman ni Maria at abot sa kanya ng mic.

Kumanta ang mag-asawa. Nang matapos sila, nawalang parang bula sina Gavin at Maria.

"Asan na yung mga emcees?" tanong ni Joyce.

"Busy," nguso ni Lovely sa bahay ni Phil where Gavin and Maria disappeared.

"Let's hear the Birthday girl now!" sabi ni Ted.

"Go! Go! Go!" sigaw ng mag-asawa.

Hinila ko si Phil. "Pati si Phil kakanta. May lagi kaming pina-practice nito eh 'pag nagluluto kami."

"Ay teka, you live together ba?" tanong ni Joyce sa'min.

Tumango kami.

"Talaga?" nasabi ni Dan agad.

That Unfaithful Night (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon