THE FACELESS
••Chapter 8: The Real Game••"Don't go in the woods."
❌❌❌
THIRD PERSON'S POV
Alas dose impunto ng hating gabi at isa-isang nagising ang magkakaibigan. Walang malay ang lahat na patay na ang ibang mga kasama.
"Oy guys! Asan yung iba?" tanong ni Jegs nang mapansin abg ibang mga kaibigan na wala.
"Oo nga," pag sang-ayon ni Cyrie.
"Baka naglakad-lakad lang," mahinang sagot ni Joven.
"Huwag kayong masyadong maingay. Tulog na tulog sila Emi, Sej at Bjay." paalala ni Kira sa mga ibang kaibigan.
Ang inaakala ng magkakaibigan ay tulog lamang ang tatlo nilang kasama na sila Emi, Sej at Bjay. Sino ba naman ang mag-aakalang patay na sila na tila ba lamang ay mahimbing lang ang tulog.
"Shots!" biglang sigaw ni Lorna.
"Diba madami pa tayong natirang mga inumin? Sayang din naman 'yan." gatong ni Lexai na may nakakalokong ngiti.
"Eh di ano pang hinihintay natin?" asik na sabi ni Dadap.
Nagsimula ulit ang magkakaibigan na tumungga ng alak at nagpakasaya. Wala ni isa ka kanila ang nagduda o nag-alala kung asan ang ibang mga kaibigan.
Pumanhik sa swimming pool area ang magkakaibigang buhay at naiwan sa cottage ang mga ngayo'y patay ng mga kasama. Masaya silang nag-aaliwan at nagkakantahan.
Lumipas ang ilang mga minuto ay nagtaka na si Jegs kung bakit hindi pa bumabalik ang mga ibang kasamahan.
"Takte! Parang ang tagal 'ata nilang makabalik ah?" pagyayamot na sabi ni Jegs.
"Easy lang pre!" sagot ni Jp.
"Sure akong gumagawa na ng milagro yung si Jhong at yung babae n'ya. Hahaha." malokong sabi naman ni Joven.
"Tawagan n'yo kaya?" suhestyon ni Lexai sa mga kasama.
Isa-isa nilang denial ang mga numero ng mga kaibigang wala.
"Naman oh! Ayaw sagutin ni Jhong eh!" galit na sabi ni Jegs.
"Si Biggy ba sumasagot?" Tanong ni Lorna kay Joven na siyang tumatawag kay Biggy.
"Cannot be reach eh!" sagot naman ni Joven.
"Asan na ba sila? Hating-gabi na ah. Imposibli din namang nagsama yung tatlo. Kung dumadamoves si Jhong sa babae niya ay imposibling isama niya si Biggy. At off pa cellphone ni Biggy," pangangatwiran ni Kira.
"Hanapin nalang kaya natin sila?" matipid na suhestyon ni Cyrie.
Napagdesisyunan ng magkakaibigan na hanapin nalang ang mga nawawalang mga kasamahan. Nag-hiwalay sila at bumuo ng dalawang grupo para mas mapabilis ang paghahanap sa mga kasama.
Hindi na sila nag-atubiling gisingin pa ang mga kaibigang natira sa cottage sa pag-aakalang natutulog lang ang mga ito. Isang malaking pagkakamali pala ang hindi nila paggising sa iba.
Pumanhik ang magkakaibigan sa bandang itaas ng resort dahil yun lamang ang ibang lugar na maaring mapuntahan ng mga tao. May bakod kasi sa ibabang parte ng resort at wala ng maaaring makalagpas pa dito.
"Jp, Lexai, Dadap. Sumama kayo sa'kin. Doon tayo banda pumunta." pangunguna ni Jegs sa mga kaibigan.
Tumango ang tatlo bilang pagsang-ayon kay Jegs.
"Kira, Cyrie, Pong, Joven, Lorna. Kayong lima doom naman kayo banda," dagdag na bilin ni Jegs sa mga kaibigan.
"Kung nakita niyo na sila, tawagan niyo kami kaagad. At tatawagan din namin kayo pag nakita namin sila." sagot ni Kira.
Naghiwa-hiwalay ang magkakaibigan sa paghahanap sa mga nawawalang mga kasamahan. Ang grupo nila Jegs ay nagpunta sa may kaliwang bahagi ng resort kung saan may namamahay na mga malalaking puno. Ang grupo naman nila Kira ay nagpunta sa may kanang bahagi ng resort kung saan ay may mahabang daan na 'di nila alam kung saan papunta.
Medyo malayo pa ang guard house kaya't hindi nalang sila nag-atubiling sabihan ang mga gwardiya sa balak nilang paghahanap sa mga kaibigan nila.
Hindi alam ng magkakaibigan na palihim na ngumingiti ang salarin at handa ng isagawa ang mga planong pagpatay sa kanyang mga kasamahan. Makikita sa kanyang mga mata ang saya at pananabik.
Pero walang nakakapansin man lang dahil sa abala sila sa paghahanap. Wala ni isa sa kanila ang nagduda sa maaring mangyaring malagim sa kanila.
At wala ni isa sa kanila ang nagduda na kasa-kasama lang nila ang taong kikitil ng kanilang mga buhay.
❌❌❌
SALAMAT NG MARAMI! 😁😉
BINABASA MO ANG
The Faceless: FS#1 COMPLETED
Mystery / ThrillerLabing-anim na magkakaibigan. Ang isa ay traydor. Sama-samang nag plano para sa isang kasiyahan. Pero ang isa nag plano ng kasamaan. Labing-anim na buhay. Labing-apat ang mamamatay. Sino'ng matitira? At sino ang nagtatago sa likod ng maskara? FACELE...