Prologue

561 104 118
                                    

THE FACELESS
••Prologue••

❌❌❌

     Isang masayang gabi na binalot ng takot. Isang normal na pagsasayahan na biglang nag iba ang ihip ng hangin. Isang karumaldumal na karanasan na nadala hanggang sa huling hininga. Isang pagtutukoy kung ano ang nangyayari.  At isang gabi na humantong sa katakot-takot na lagim.

     Ito'y isang kwento'ng puno ng katanungan; kung gaano mo kakilala ang iyong mga kaibigan, kung gaano mo kabisado ang buong pagkatao nila o ang katotohanan sa likod ng nagtatagong maskara. Kaibigan ba talagang maituturing o balat-kayo lamang? Kasama mo ba sila sa lahat ng saya? O masaya sa iyong pagdurusa?

     Paano kung ang itinuring mong kaibigan ay ang taong tatapos ng iyong buhay. Sino ang may kasalanan? Ikaw o siya? Saan ang iyong hangtungan? Buhay o Kamatayan? Magtitiwala ka ba? Tignan ang tunay na pagkatao niya, sa likod ng maskara.


FACELESS, HUMANDA KA!
❌❌❌

Author's Note:
Ngayon palang ay humihingi na ako ng patawad dahil sobrang sabaw ng storya na ito. Some chapters are too short, ang iba ay mahaba-haba rin. Pero expect that chapters 1-15 are not that good. Kasi the time na sinulat ko 'yan, hindi pa ako ganun kabihasa sa tagalog. So expect lameness of the content. Please, exert more patience on those chapters. Pero dahil nasa editing phase na ako ngayon, some chapters sa 1-15 ay edited na po. While the other half chapters, 16-34 has improvement already. Pwede ng pagtyagaan kahit papaano. Haha. Since hindi pa ito tapos i-edit expect typo errors, grammatical errors and etc. Pasensiya na rin po if bigla-biglang may nababago sa content dahil kasalukuyan po akong nag-i-edit. Feel free to share your thoughts and votes as well. Osya, 'yun lang. Ciao! 😁😉

P.S.

Dedicated ang chapter na ito kay Ineng myjeilapad. SALAMAT sa comments, votes at pag-supporta sa storya na ito. Hope to see you soon, Ineng. At sana sa Mangima mag-tagpo ang mga landas natin. 😁

Pumapatay,
ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon