THE FACELESS
••Chapter 1: Memoire••"You we're unsure which pain is worst, the shock of what happened or the ache for what never will."
--chroniclesofanadaption@blogspot❌❌❌
April 28, 2014
KIRA'S POV
Nagkamalay tao ako sa isang kwarto na puti at nakahiga. Bumungad sa aking harapan ang aking mga magulang at nakikitang may sinasabi sila pero ni isang salita ay wala akong marinig. Nakabibinging katahimikan ang bumungad sa ulirat ko. Siguro dahil wala pa ako sa saktong wisyo.
Unang sumagi sa isip ko ay pagtataka. Tila hindi rumirehistro sa sistema ko ang sitwasyon ko ngayon. Nasaan ako? Anong nangyari? Mas lalo pang gumulo ang takbo ng utak ko dahil sa labis na pagtataka. Biglang nagdilim ang paningin ko at biglang nag-iiyak nalang ako. At sa loob ng ilang segundo ay rumagasa sa utak ko ang mga nangyari. Nakakatakot. Nakakapangilabot. Masakit. At tsaka ko lang napagtanto kung bakit ako nandito.
Kung bakit buhay ako.
"Anak," sabi ni mama habang nakahawak sa kamay ko.
"Okay ka lang ba anak?" dagdag pa niya nang maramdaman niya na mas lalong lumakas pa ang mga iyak ko.
"Ma, ma, ma," yun lang ang mga katagang nasasambit ko habang humahagulgol sa pag-iyak. Tila hirap akong bumuo ng mga salita.
"Tahan na anak. Magiging maayos din ang lahat. Tumahan ka na." Alo ni Mama at tuluyan na niya akong niyakap.
"Ma, wala na sila. Wala na ang mga kaibigan ko. Wala kaming magawa. Iniisa-isa kami. Ma..." Kalauna'y nasambit ko rin ang gusto kong ipahiwatig. Halata sa hina ng boses ko na pilit ko lang itong sinasambit.
"Anak, ang importante ligtas ka." pagpatahan ni mama. Pero bakit kahit anong alo ni mama sa akin ay hindi parin mawaglit ang nararamdaman ko. Ang sakit. Sobra.
Inabutan ako ni Mama ng isang basong tubig at ininom ito. Humugot ako nang malalim na hininga at pilit na kinakalma ang sarili ko. Hindi naman ako nabigo at kumalma ako kahit papaano. Dahil na siguro sa tubig at mga hagod ni mama sa likod ko. Pero ang sakit sa puso ko ay hindi pa rin humuhupa. Katawan ko lang ang kumalma pero ang puso ko ay patuloy pa rin sa pagdadalamhati.
"Anak, pupunta ang mga pulis dito para tanungin ka kung ano ang mga nangyari. Magpahinga ka muna para makaharap ka sa mga pulis na maayos ang yung lagay." ani ni mama.
Pinilit kong isinasara ang aking mga mata at nagbabakasakaling nanaginip lang ako at isa lamang iyong bangungot ng aking gabi. Pero kahit anong pilit kong makatulog ay 'di ko magawa. At hindi ko na matatakasan ang katotohanan. Ang katotohanan na pinakamadilim na bahagi ng buhay ko.
Diko lubos maisip na totoo ang mga nangyari. Bakit namin sinapit ang gano'ng karahasan. Nananatili akong tulala sa mga nakalipas na oras. Oras na sana'y mabilis na lamang tumakbo at malimot ko ang lahat. Totoo nga ang sinasabi nila na tila pinaglalaruan ka ng oras pag pilit mo itong minamatiyagan. Sa panahong ito, tila kasing bagal ng pagong ang paggalaw ng oras.
Pagkaraan ng ilang oras ay dumating ang mga pulis. Iisang bagay lang ang naramdaman ko. TAKOT. Takot akong harapin sila. Takot akong isalaysay ang mga nangyari dahil ayaw ko nang maalala pa ang lahat ng iyon. Pero wala akong magawa kundi sabihin ang lahat.
"Kira?" tawag pansin sa'kin ng isang pulis. Mataman lang akong nakatitig sa mukha ng pulis na tila sinusuri ang buong mukha niya. Nang pasadaan ko ng tingin ang bandang dibdib niya ay nakita ko ang kanyang nameplate, SPO3 Reyes.
"Okay ka na ba? Magtatanong lang kami ng ilang mga detalye sa mga nangyari. Okay lang ba sa iyo 'yun?" aniya at tinangoan ko siya bilang pag sang-ayon.
"Ilan kayong lahat na pumunta sa lugar ng pinangyarihan?" tanong ni SPO3 Reyes.
"16 po. 16 kaming lahat," sagot ko.
"Okay. Sa pagdating niyo doon, may napansin ba kayong kakaiba sa lugar?" karagdagang tanong ng pulis sa'kin.
"Pagdating namin doon ay close ang lugar. Sabi ng guard, hindi na pwedeng pumasok kasi sarado na at wala ng pwedeng mag-asikaso sa amin. Pero alam kong bukas sila sa overnight kasi nakapunta na ako doon noon." mariin kong sagot kay SPO3 Reyes.
"Kung gayung close na sila, bakit kayo nakapasok ng mga kasama mo?" dagdag na tanong niya.
"Pinakiusapan namin yung dalawang guard na may paraan pa ba? Dahil gabi na at malayo pa ang pinanggalingan namin. Sabi ng isang guard ay pupuntahan daw niya yung tagapamahala at baka sakaling pumayag pa. At sinang-ayunan naman namin yon," paglalahad ko.
"Tapos? Napapayag niya yung tagapamahala?" patuloy niyang pagtatanong.
"Opo. Pagbalik nung guard ay pinapapasok na niya kami." sagot ko naman.
"Okay, hija. Pwede mo bang isalaysay lahat ng mga nangyari nung araw na iyon base sa iyong mga naalala." Seryosong sambit ni SPO3 Reyes.
Imbes na magsalita ay tango ang naging sagot ko. At 'yun ang hudyat ng pagsisimula kong isalaysay ang mga nangyari. Hindi ko man gusto ay kailangan. Kailangan kong isalysay ang madugong trahedya na gumambala sa pagkatao ko nung gabing iyon.
❌❌❌
Hooooy MaridelRamos5! Mwaaaah. Dedicated na sa'yo ang chapter na ito. Sana grumadwet ka ng matiwasay. Goodluck! 😁
SALAMAT NG MARAMI! 😁😉
❌ATENG ZK❌
BINABASA MO ANG
The Faceless: FS#1 COMPLETED
Mystery / ThrillerLabing-anim na magkakaibigan. Ang isa ay traydor. Sama-samang nag plano para sa isang kasiyahan. Pero ang isa nag plano ng kasamaan. Labing-anim na buhay. Labing-apat ang mamamatay. Sino'ng matitira? At sino ang nagtatago sa likod ng maskara? FACELE...