XV: REVELATION

176 61 23
                                    

THE FACELESS
••Chapter 15: Revelation••

❌❌❌

THIRD PERSON'S POV

Malaking tanong ngayon ang namamayani sa mga utak ng magkakaibigan. Ayaw nilang paniwalaan ang mensaheng natanggap. Pero hindi maikukubli sa kanilang mga sarili na may bahid ng pagdududa silang nararamdaman. Pagdududa sa mga kasamahan.

Ayaw nilang maniwala at takot silang malaman ang totoo. Ayaw nilang malamang na may nagtratraydor na isa sa kanila.

Patuloy ang dalawang grupo sa paghahanap sa daan pabalik ng resort. Kahit balisa na sila ay pinagpatuloy pa rin nila ang pagtahak pabalik ng resort.

❌❌❌

"Si Lorna?" pag-aalalang sambit ni Kira.

"Mahahanap natin siya. 'Wag kang mag-aalala." sagot ng nobyo niya.

"Kailangan nating bumalik sa resort. Yung iba nating kasama, baka may mangyari sa kanila." saad ni Joven.

"Hindi natin alam, baka wala na rin sila." Malamig na bulong ni Pong.

"Ano'ng sabi mo?" gulat na gulat na anas ni Kira kang Pong.

"Wala," agad na bawi ni Pong.

"Baka ikaw yung tumatraydor samin?" tahasang bintang ni Kira.

"Pinagbibintangan mo ba ako?" galit na sagot ni Pong.

Akma na sanang susugurin ni Kira si Pong pero agad na hinigit ni Cyrie ang braso ng dalaga.

"Tama na! Hindi ito ang oras para magsisihan." pag-aawat ni Cyrie sa dalawa.

Bakas pa rin sa mukha ni Kira ang pagdududa sa kasamahang si Pong. Halata rin sa mukha ni Pong ang pagkainis. Habang tahimik lamang sila Joven at Cyrie.

"Alis na tayo dito. Kailangan na nating makabalik sa resort." saad ni Cyrie.

"Tatawagan ko sila Bjay," suhestyon ni Joven.

Tumango ang iba bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Joven. Agad na denial ng binata ang numero ni Bjay na inaakala nilang buhay pa na naiwan sa resort.

Makailang-ulit na denial ni Joven ang numero ni Bjay, maging ganun din ang mga numero ng iba pang kasamahan na naiwan sa resort. Pero ni isa sa kanila ay walang sumagot.

"Walang sumasagot kahit isa sa kanila." saad ni Joven.

"Aaaaahhh!" biglang sumigaw si Kira sabay sabunot sa kanyang buhok.

"Ano bang nangyayari sa atin?" sambit ng Kira na ngayo'y umiiyak na.

Agad na inalo ni Cyrie ang kasintahan at niyakap ito.

Napagpasyahan ng apat na simulan na ang pagtahak pabalik sa resort. Hindi katulad sa grupo nila Jegs na naging mahirap sa kanila ang paghanap sa daan pabalik, sa kanila Kira ay naging madali lamang.

Sinundan lang naman nila Kira ang daan na tinahak nila kanina nung hinahanap nila sila Jhong. Tahimik lamang silang apat sa paglalakad at palihim na tinitignan ang isa't-isa.

"Takte! Pagbintangan ba naman ako." bulong ni Pong sa kanyang sarili.

"Sana wala ng mangyari samin. Dapat makaligtas kami." daing ni Kira sa isip niya.

"Hahanapin kita..." tipid pero makahulugang mga salita sa isip ni Joven.

Maya-maya ay nakakadinig sila ng pagkaluskos pero dala lang pala ito ng hangin. Mga ilang minuto ang dumaan ay tanaw na nila ang resort.

"Let's go fast," maotoridad na saad ni Kira sa mga kasama.

Nakuha nila kung anong ibig ipahayag ng dalaga kaya mas binilisan nila ang paglalakad.

Konti nalang at abot na nila ang resort ng may napansin silang apat. Hanggang sa narating na nila ang resort at bumungad sa kanila ang ibang mga kasamahan.

Nakita nila sila Bjay, Sej at Emi. Nakabitin patiwarik at dilat ang mga mata. Pero may iba sa kanila. Iba sa mga kasamahang patay na nakita nila. Wala silang dugo...walang dugong tumutulo sa kanila.

Agad napaiyak si Kira sa nasaksihan at napaluhod. Nanghina at naawa rin ang iba sa mga sinapit ng mga kaibigan.

"Teka! Teka! Wala silang dugo. Baka buhay pa sila." agad na bulalas ni Pong nang mahimasmasan ito.

Agad namang nilapitan ni Joven at Pong ang mga kasamahang nakabitin patiwarik at pinulsuhan ang mga ito. Parehong nanlumo ang dalawa ng walang maramdamang pulso sa tatlo.

"Bat ganun? May mali," pagtatakang saad ni Pong.

Takang-taka na nagtinginan silang apat at hindi malaman kung ano'ng ibig sabihin ni Pong.

"Anong oras na ba?" tanong ni Pong sa mga kasama.

Agad na tinignan ni Cyrie ang kanyang relo at sinabi ang oras.

"Alas dos," diretsang sagot ni Cyrie.

"Halos dalawang oras palang tayong umalis dito at kung napatay sila nung wala tayo, dapat medyo mainit pa ang katawan nila." paliwanang ni Pong.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Kira sa binata.

"Kanina pa sila patay. Bago pa man tayo nakaalis." sagot ni Pong.

Natahimik bigla ang mga kasama ni Pong. Pabalik-balik sa kanilang isipan ang mga katagang kanina pa sila patay bago pa sila umalis. Mas lalong nagdududa sila sa isa't-isa.

Kung kanina pa sila patay. Ang ibig sabihin ay kanina pa nila kasama ang salarin.

At ang maaaring salarin lamang ay isa sa mga kaibigan nila.

❌❌❌

SALAMAT NG MARAMI! 😁😉

ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon