XX: HUMAN BAIT

164 57 6
                                    

THE FACELESS
••Chapter 20: Human Bait••

❌❌❌

THIRD PERSON'S POV

Matapos magsalita ng lalaki sa mikropono ay agad itong sumandal sa upuan niya. Nilagay niya ang kanyang mga kamay sa likod ng kanyang ulo at bahagyang inangat ang ulo nito.

Sentro sa kanyang kinauupoan ang posisyon ng ngayo'y nakagapos na si Jp. Tahimik lang ito at rinig na rinig ang malakas na paghinga.

Kusang lumabas ang malademonyong ngiti ng lalaki at agad tumayo at humakbang papalapit kay Jp.

Tahimik lang itong lumapit sa nakagapos na binata at mariing pinagmasdan ang binata habang paikot na lumalakad sa kinauupoan nito.

Walang imik lang si Jp at tila pinapakiramdam lang ang bawat kilos ng lalaki. At may sarkastikong ngiti na nagkukubli sa kanyang mukha.

"Darating sila," mahinang sambit ni Jp.

"Alam ko. Kaya nga ginawa kitang pain, diba?" agad na tugon ng lalaki at bahagya pang tumawa.

"Paano kung hindi? Paano ka nakakasigurong kakagat talaga sila sa pain mo?" sarsakastikong bulalas ni Jp.

"Hahahahaha!" malakas na tawa ang itinugon ng lalaki at dahan-dahang bumalik sa kanyang upuan.

"Alam kong pupuntahan ka ng kapatid mo. Kitang-kita naman sa mukha niya kanina. Galit na galit siya. Nakakatawa nga lang tignan. Alam kong hindi rin naman pwedeng siya lang mag-isang pupunta dito, kahit pa tututol yung iba ay wala silang magagawa kundi samahan yung kapatid mo," paliwanag ng lalaki.

"Tignan natin," tipid na sagot ni Jp.

Hindi na nagbalak pa si Jp na humanap ng paraan para kalagan ang sarili dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay walang silbi pa rin iyon. At sa oras na may mali siyang ikilos ay alam niyang ikapapahamak niya ito dahil nasa mesa lang ng lalaki ang isang baril na handang kalibitin ano mang oras.

Mas pinili nalang ni Jp na tumahimik at 'wag kumilos. Inipon nalang niya ang kanyang lakas para sa pagdating ng mga kaibigan at Ate niya. Alam niyang kailangan niya ng lakas mamaya dahil mapapasabak siya. Hindi na siya nag-atubiling kilalanin ang salarin o tanungin kung anong motibo nito sa kanila. Alam niyang hindi ito kilala ng kanyang mga kaibigan.

Habang tahimik lang si Jp ay siya namang pagmamasid ng salarin sa monitor sa kanyang harapan. Nakikita niya ang anim sa resort sa pamamagitan ng cctv camera.

Pinagmamasdan niya ang bawat kilos ng anim at inihanda ang sarili sa oras na lusubin siya ng magkakaibigan. Kanina pa niya hinihintay 'yun at handa na rin siya.

❌❌❌

Habang sa resort ay abala ang anim sa paghahanda para puntahan ang nasabing kubo na pinanggalingan nila Jegs kanina. Naghanap sila ng pwedeng gamitin sa oras na lumusob sila. Mga gamit na pwedeng pangdepensa nila sa salarin.

Pinuntahan ni Pong at Joven ang loob ng receiving area ng resort. Naghanap sila ng mga bagay na mapakikinabangan. Nang wala silang makita sa receiving area ay agad nilang pinuntahan ang isang pinto na sa tingin nila ay kusina ng resort. Dali-dali silang naghanap ng kutsilyo o kahit anong matulis na bagay. Agad naman nakakita si Joven ng dalawang di kalakihang kutsilyo, yung tipong kitchen knife.

Nakahanap din si Pong ng isang flashlight at isang tubo. Naghanap din siya ng pagkain na pwede nilang dalhin para kahit papaano ay maroon silang lakas. Dinako niya ang isang malaking refrigerator at agad na binuksan ito. Tumambad sa kanya ang mga pagkaing hilaw. Halos mga hilaw na gulay. Humanap nalang siya ng kahit anong pwedeng kainin ng deretso at agad na isinilid sa dala-dalang bag.

"Pre, kunin mo 'tong mga tubig." Pagtatawag ni Pong kay Joven at agad na ibinigay ang mga tubig na nakuha sa ref.

"Wala na 'ata tayong makukuha pa dito. Umalis na tayo," saad ni Joven.

Agad namang lumabas ang dalawa at binalikan ang ibang kasama na ngayo'y naghahanda na rin sa pag-alis nila. Agad na inabot ni Joven ang isang tubig kay Lexai dahil alam niyang hindi pa rin ito talagang nahimasmasan sa sinapit nila kanina.

"Salamat," mahinang sambit ni Lexai.

"Ready na kayo?" pagtatanong ni Pong sa mga kasama.

Lahat sila ay tumango lamang bilang tugon. At agad na silang lumakad patungo sa kagubatan.

"Guys, paalala ko lang malawak yung kagubatan. Hindi ko kabisado kung saan tayo dadaan para makapunta doon sa kubo." suhestyon ni Jegs.

"It's okay Jegs. I know we'll definitely find the way," agad namang sagot ni Kira.

Lumakad na ang magkakaibigan patungo sa gubat kahit alam nilang mahihirapan silang tuntunin ang kinaroroonan ng kubo. Hindi pa sila nakakalayo dahil tanaw pa rin nila ang resort. Nang biglang umilaw sa may taas. Kung kanina ay madilim habang tinatahak nila Jegs ang kagubatan ay ngayo'y maliwanag na.

May mga maliliit na bombilya na nakakabit sa taas ng mga puno at may mga kabli ng kuryente. Hindi masyadong malayo ang distansya ng mga bombilya. Sapat lang na bigyan ng liwanag ang daang tatahakin ng magkakaibigan.

"He's watching us. Gusto niya talagang puntahan natin siya." bulalas ni Kira.

"Alerto kayo! Hindi natin alam kung nasa paligid lang siya o kung saan man. Dapat handa tayo. Mag-ingat tayo," saad naman ni Cyrie.

Napagtanto nilang anim na ang mga bombilya ay siyang daan nila para matunton ang kubo. Alam nila na sinasadya ng salarin na bigyan sila ng paraan para magtagpo ang mga landas nila.

Hindi na nagdalawang-isip ang magkakaibigan at agad na tinahak ang daan. Sinusundan lang nila kung saan may bombilya. Maingat nilang tinatahak ang kagubatan at hinahanda ang mga sarili sa nababadyang panganib.

Mahigit labing limang minuto na nilang tinatahak ang daan. Palinga-linga pa rin sila sa paligid.

"We're here," sambit ni Jegs nang matanaw ang kubo.

Agad naman nanginig si Lexai. Bumabalik sa kanyang isipan ang kalunos-lunos na itsura ni Biggy na nakita nila kanina. Tila binabangungot siya ng gising habang naalala ang itsura ni Biggy.

Agad namang hinawakan ni Kira ang kamay ni Lexai bilang pagpapanatag nito. Pilit nalang winawaksi ni Lexai ang imahe ni Biggy sa isipan niya dahil kailangan niya magpakatatag.

"I'm going to kill you." mahinang sambit ni Kira.

Dahan-dahan ang mga hakbang nilang anim para makalapit sa kubo. Alam nila na pinapanood lang ang kanilang mga kilos. Sa mga oras na iyon ay maingat sila. At handa na sila sa maaaring mangyari.

Habang papalapit ang anim na magkakaibigan ay siya namang paghahanda ng salarin sa loob ng kubo. Agad kinuha ng lalaki ang kanyang baril na nasa harapan niya at kumuha pa ng ibang baril at mga magasin ng bala sa loob ng drawer ng lamesa.

Agad namang lumakad ang lalaki patungo sa pinto at bago paman ito makalabas ay tinapunan niya si Jp ng isang nakaklokong ngiti.

"It's showtime," mapanuksong bulalas ng lalaki.

❌❌❌

SALAMAT NG MARAMI! 😁😉

ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon