THE FACELESS
••Chapter 29: Escaping Reality••❌❌❌
KIRA'S POV
Ang bilis ng pangyayari. Napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa'king mga kaibigan. Napahawak nalang ako sa bibig kong nakaawang at biglang bumilis ang pintig ng puso ko.
Kasalukuyang nakikipagbuno ang mga kaibigan ko sa kapatid ko at kay Dadap. Si Joven ay nakikipag-agawan sa baril kay Dadap habang si Jegs ay kay Jp. Nasa lapag na silang apat at patuloy sa pagkikipagbuno.
Hindi ko namalayan na nanginginig na pala ako at binalot ako ng sobrang takot. Sa takot na may posibling masamang mangyari. Napahawak nalang ako sa door frame ng pinto dahil sa panglalambot. Unti-unting bumibigay ang katawan ko habang nasasaksihan ng mga mata ko ang mapangahas na aksyon nila Joven sa kapatid ko at kay Dadap.
Tuluyan nang naagaw ni Joven ang baril kay Dadap. Mas higit na malakas si Joven sa kanya dahil lalaki ito. Matapos makuha ni Joven ang baril ay agad niya itong itinutok kay Dadap na siyang dahilan para matigilan si Dadap. Habang patuloy pa rin si Jegs sa pakikipaglaban kay Jp. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawang pares na naglalaban. Tila tinakasan ako ng lakas ng loob para gumalaw. Pero hindi ko rin alam kung sino ang tutulungan ko. Nalilito ako. Sobrang gulo ng utak ko.
Ayaw kong mamili sa kanila. Para akong nasa bingit ng kamatayan na dapat pumili ng isang tao na makakapagsalba ng buhay ko. Pero sino sa kanila? Gusto kong iligtas ang kapatid ko sa tuluyang paglamon ng kasamaan sa kanya. Gusto kong iligtas si Dadap dahil alam kong sa kalooblooban niya hindi siya masama, biktima lang din siya. Biktima ng pag-ibig na nagdala sa kanya sa kapahamakan. Gusto kong tulungan sila Joven at Jegs para mailayo sa kapahamakan dahil ayaw kong may madagdag na namang buhay na mawala.
Akma na sana akong hahakbang pero bago ko paman magawa ay isang pangyayari na naman ang nakapagpatigil sa akin. Hindi nagdalawang-isip si Dadap at sinunggaban ulit si Joven. Bago pa tuluyang makalapit si Dadap ay agad my hinugot si Joven sa likod niya at tumambad ang isang kutsilyo. Sa ilang segundo lang, mabilis naitarak ni Joven ang kutsilyo sa leeg ni Dadap. Agad na sumirit ang dugo ni Dadap at biglang bumagsak ito. Dumanak na naman ang dugo at isang buhay na naman ang nawala. At wala na naman akong nagawa.
Natigilan pa bahagya si Joven habang tinititigan ang katawan ni Dadap. Tila sinusuri at sinisiguradong patay na ito. Nabitawan ni Joven ang kutsilyo at tinapunan ng tingin sila Jegs at Jp na patuloy sa pag-aagawan ng baril. Lalapit na sana si Joven pero biglang pinigilan siya ni Jegs.
"Umalis na kayo!" malakas na pagkakasigaw ni Jegs.
Agad namang tumango si Joven at hinigit ang braso ko at mabilis na hinaktak ako papalabas ng kwarto. Gusto ko sanang umalma at manglaban dahil ayaw kong iwan ang kapatid ko. Ayaw ko rin na iwan si Jegs. Pero masyadong malakas si Joven at tila inaanod ako ng paghatak niya.
"We can't left them." giit ko habang kinakaladkad ako ni Joven pero hindi ko magawang pigilan siya.
Hindi nagsalita si Joven at patuloy pa rin ito sa paghatak sa'kin. Dahil sa panlalambot ko ay hindi naging mabilis ang mga hakbang namin. Bago paman kami tuluyang makalayo ay namayani ang isang putok ng baril. Ilang segundo pa ay umalingawngaw ang sunod sunod na putok. At nagimbal ang buong sistema ko dahil doon.
"No! No!" mahina kong iling habang iniisip ang posibling taong tinamaan ng mga putok na iyon.
"Kailangan na nating umalis. Hindi tayo nakakasiguro kong si Jp ang tinamaan o si Jegs. Kung si Jp, malaya na tayo. Kung si Jegs, mas dapat tayong makalayo dito." Tuluyan ng nagsalita si Joven ng mapahinto ako bigla at humagulgol.
"Ang kapatid ko..." mahina kong bulong sa gitna ng mga hagulgol ko.
"Kung si Jp ang nakaligtas, hahanapin niya tayo. Hahanapin ka niya at sisiguraduhing papatayin ka niya." dagdag na giit ni Joven.
Totoo ba talaga. Magagagawa ba talaga akong patayin ng kapatid ko? Gusto kong paniwalaan na kaya ko pang maayos ito. May kung anong nagpapahiwatig sa puso ko nga hindi ko dapat talikuran ang kapatid ko lalo na sa sitwasyon ngayon. Pero tila nakikipagtalo ang sarili kong utak sa puso ko at dinidiktahan akong tumakbo dahil isa ng demonyo ang kapatid ko.
Nang mahimasmasan ako ay inangat ko ang mukha ko at tumango kay Joven. Hindi ko alam kung tama itong desisyon ko. Kung ang kapatid ko man ang nakaligtas sa putok na 'yon, sa ikatlong beses ay tatalikuran ko na naman siya. Isang bagay na tuluyang lalamon sa kanya sa kasamaan. Inakay ako ni Joven para makatayo. At sinimulan na naman naming humakbang. Una ay mabagal pa ang mga hakbang namin hanggang sa naging mabilis na ito. At bigla kaming may narinig na yabag na papalapit. Mga mabibigat na yabag na pilit humahabol sa amin. Otomatikong kaming napatakbo. Tila may kung anong nagdidikta sa'min na tumakbo dahil hindi pa tapos ang lahat. Malakas ang kutob ko na ang kapatid ko ang nagmamay-ari ng mga yabag na iyon. At tila alam din ito ni Joven.
"Nalintikan na," mahinang bulong ni Joven habang tumatako kami.
Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa akin at mas bumilis pa ang paghatak niya sa akin. Hindi namin alam kung saan kami pupunta o kung tama ba itong landas na tinatahak namin. Wala kaming ibang matakbohan kundi ang nag-iisang pasilyong dinadaanan namin. Binabaybay lang namin ito hanggang saan kami dalhin nito.
Malayo-layo na ang tinakbo namin at hingal na hingal na kami. Pagod na pagod na ako at halata kong si Joven din. Pero wala pa rin sa amin ang nagtangkang tumigil. Biglang may natanaw na kami. Isang nakabukas na pinto. Mas binilisan pa namin ang mga hakbang namin hanggang sa natatanaw na namin ang labas ng pinto, kakahuyan.
"Makakaligtas tayo," saad ni Joven ng malapit na kami sa pinto.
Tuluyan na naming narating ang bungad ng pinto at hinampas kami ng napakalamig na hangin. Huminto kami bahagya habang habol-habol ang hininga namin. Papalabas na sana kami pero isang putok ang narinig namin at napatingin kami ni Joven sa isa't-isa.
Biglang napahawak si Joven sa tagiliran niya at napagtanto naming dalawa na may tama siya. Agad kaming napasulyap sa likuran namin at nandoon siya. Ang kapatid ko, buhay na buhay at bakas sa mga mata niya ang labis na galit. Tumingin ulit si Joven sa akin ang nagsalita.
"Kira, takbo!" suhestyon niya.
Pero hindi ako gumalaw kaagad habang nakakatitig sa tagiliran niyang dumudugo at alam kong namimilipit na si Joven sa sakit. Napapailing nalang ako at tinignan siya sa mukha.
"Takbo na! Iligtas mo ang sarili mo." Mahina na ang kanyang pagkakasambit at nagawa pa niyang ngitian ako sa huli.
Parang dinudurog ang puso ko sa sinabi ni Joven. Ganoon nalang ba talaga ako ka importante sa kanila at handa nila akong tulungang makatakas. Bakit? Bakit nila sinasakripisyo ang mga buhay nila?
Bigla kaming napadako ulit ni Joven sa likuran namin nang marinig ang mga yabag ni Jp na dahan-dahang lumalapit sa amin. Mabagal ang kanyang mga hakbang na tila gustong ipahiwatig na pinaglalaruan niya kami. Nanginginig na naman ang buo kong katawan. Pero nahimasmasan ako ng marahas akong itulak ni Joven at sumigaw ng, "TAKBO!"
Sa hindi malamang dahilan ay otomatikong sinunod ng katawan ko ang sinabi ni Joven at tumakbo ako.
Tumatakbo ako na may malaking sugat sa puso ko. Sa pagtakbo ko ay hindi ko na mawari ang dahilan ko kung bakit ko ito ginagawa. Tumatakbo ba ako para iligtas ang sarili ko? O tumatakbo ako para takasan ang mapait na katotohanan na isang kadugo ko ang siyang magwawakas ng buhay ko.
❌❌❌
SALAMAT NG MARAMI! 😁😉
❌ATENG ZK❌
BINABASA MO ANG
The Faceless: FS#1 COMPLETED
Mystery / ThrillerLabing-anim na magkakaibigan. Ang isa ay traydor. Sama-samang nag plano para sa isang kasiyahan. Pero ang isa nag plano ng kasamaan. Labing-anim na buhay. Labing-apat ang mamamatay. Sino'ng matitira? At sino ang nagtatago sa likod ng maskara? FACELE...