VII: PLAN B

224 78 70
                                    

THE FACELESS
••Chapter 7: Plan B••

"There's always plan B."

❌❌❌

KILLER'S POV

Bumalik ako sa mga kaibigan kong walang kamalay-malay sa mga inumpisahan kong kasiyahan. Tulog na tulog pa din sila na tila ba nanaginip ng kaysarap.

Hindi nila alam na ang mga panaginip nila ay maglalaho ng parang bula at mapapalitan ng bangugot.

Iilan palang ang napapatay ko, pero parang tinamad na ako. Nakita ko ang isang bote ng beer, at nilaklak ito bg mabilis. Nakatikim ako ng malamig na langit.

Lintik na mga taong 'to eh. Dahil sa plano kong pagpatay sa kanila ay hindi ako umiinom kanina at palihim na tinatapon yung mga alak na binibigay sa'kin.

Pwes! Ngayon akin na ang lahat ng ito at iyon na ang huling pagkakataon na makaka-inom sila ng alcohol, dahil sariling dugo na nila ang ipapalasap ko sa kanila.

Habang umiinom ay napaisip ako bigla. Kung ganon pa rin na paraan ang gagawin ko sa pagpatay sa kanila, eh di boring na. Patay at tago lamang.

Dapat may thrill na at dapat masaksihan na nilang lahat. Magiging mas masaya panigurado.

"Plan B activated," utas ko.

❌❌❌

THIRD PERSON'S POV

Nagising si Kira at napansing gising din pala ang isa sa mga kaibigan niya. Tumatagay lang itong mag-isa. At patuloy pa ring tumutugtog ang musika.

"Hoy! Gising ka pa pala!" tanong ni Kira sa kaibigan.

"Ah, oo." gulat na gulat na sagot ng kaibigan.

"Saan na yung iba?" Nagtatakang tanong ni Kira nang mapansing wala ang ibang kaibigan.

"Ewan! Pag-gising ko ay wala na sila. Baka nag lakad-lakad lang o nag-trip ba kamo. Eh ikaw, ba't ka gising? O kanina ka pa gising?" aligagang tanong ng kaibigan ni Kira sa kanya.

"Ah hindi, kakagising ko lang. Binangungot kasi ako kanina. At hindi na ako makatulog ng maayos ulit and this place really creeps me out!" sagot ng dalaga sabay himas ng mga sariling balikat.

"Dapat lang!" mahinang bulong ng kaibigang lalaki.

"Ha?" tanong ni Kira pabalik.

"Wala. Sabi ko, oo nga. Tagay na nga lang tayo." Anyaya ng kaibigan sa dalaga sabay abot ng isang bote ng beer.

Tumango lamang si Kira bilang pag sang-ayon sa kanyang kaibigan at inabot ang beer.

Nagsimulang magtagay ulit ang dalawa at unti-unti ring nagising ulit ang ibang mga kaibigan. Alas dose ng gabi. Tila ba lamang, ito pa ang pagsisimula ng lahat. Ang mga magkakaibigan ay walang kamuwang-muwang sa lahat ng mga nangyari kanina.

At wala silang kaalam-alam sa mga mangyayari pa sa kanila.

❌❌❌

Maikli lang ang chapter ito. Pero sisikapin kong habaan ang mga susunod na chapters.

SALAMAT NG MARAMI! 😁😉

ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon