THE FACELESS
••Chapter 14: Believe It••"You cannot force someone to understand a message they aren't ready to receive..."
--Lonerwolf❌❌❌
KIRA'S POV
Patuloy pa rin kami sa paghahanap kay Lorna pero hanggang ngayon hindi pa rin namin siya mahanap. Habang tumatagal ay mas lalo kaming natatakot para sa kaligtasan niya.
Nasuyod na namin ang lugar, nilibot ito at naghanap kung saan pwede siyang magpunta. Pero wala pa rin eh. Hindi namin matunton ang kinaroroonan niya. 'Wag naman sanang pati siya ay masama ang kakahantungan.
Tagaktak na ang mga pawis namin at pagod na kami. Pero desidido kaming mahanap si Lorna. Nang bigla-biglang may na-recieved kaming isang text.
"ANG ITINURING MONG KAIBIGAN, AY SIYANG PAPATAY SA'YO."
Halos sabay tumunog ang mga cellphone namin kaya halos sabay-sabay din naming nakita ang nakuha naming mensahe. Lahat kami ay nagtaka sa nilalaman ng mensahe na nanggagaling sa hindi namin kakilala na numero. Otomatiko kaming nagkatinginang apat.
"Ano 'to?" agad na tanong ni Pong.
"Hindi magandang biro 'to ah!" Sambit ni Joven at halata ang pagkainis sa kanyang mukha sa pag-aakalang isang biro lang ang text na na-received namin.
"Guys, this is not good. If this is a prank, this is bullshit." galit na galit kong saad. Hindi na nga maganda ang mga nanyayari tapos makaka-received pa kami ng ganitong text. Anong gustong ipaalam samin ng kung sinong nag-send nito. May kinalaman ba siya sa lahat nang nangyayari sa amin ngayon?
"Kalma..." pagpapakalma ng boyfriend ko sa'kin.
Hindi na kami mapakali at galit at kaba ang namamahay sa kaloob-looban namin. Kung isang biro lang ang lahat ng ito ay hindi maganda ito. Kung panaginip man, sana'y magising na ako.
❌❌❌
KILLER'S POV
Gusto kong tumawa ng malakas pero OPS! Hindi ko pala pwedeng gawin dahil baka magtaka at maghinala pa sila. Mga BOBO!
Hindi nila alam na pinaglalaruan ko lang sila. Akala nila siguro na magpapagago at magpapagamit pa rin ako sa kanila. Dapat silang magbayad lahat.
Tignan natin kung hanggang saan nila kayang tumakbo. Kahit anong tago pa ang gawin nila ay makikita at makikita ko sila. Kanina pa ako parang tanga, palihim na ngumingiti.
"1 new message recieved." ito na.
Pagbukas ng cellphone ko ay agad kong nasilayan ang ngayo'y walang buhay na katawan ni Dadap. Ang ganda. Nakabitin siyang patiwarik at may laslas sa leeg.
Ang galing niya. Hindi nga ako nagkamali sa pagpili sa kanya. Alam kong tutulungan niya ako. Alam kong papatay siya para sa akin. At alam kong mahal niya ako.
Patuloy pa rin ako sa pagkukubli sa mga ngiti ko. Ngiti ng tagumpay at paghihiganti.
Kulang pa ito. Kulang pa ang lahat na nangyayari. Humanda sila sa katapusan nilang lahat.
❌❌❌
THIRD PERSON'S POV
Agad na denial ni Jegs ang numero ni Kira para ma-contact ito. Sa unang tawag palang niya ay agad na itong nasagot ng dalaga.
"Asan kayo? Nanganganib ang buhay niyo...natin." mabilis na sambit ni Jegs.
"Si Jhong...si Lorna..." 'yan lang ang mga katagang nasagot ni Kira sa kabilang linya.
"Anong nangyari? Nahanap mo na sila Jhong? Napano si Lorna?" sunod-sunod na tanong ni Jegs.
"Wala na si Jhong at ang nobya niya. Patay na sila. Si Lorna nagtatatakbo kanina tapos hindi na namin nasundan. Nawawala siya," mahinang sagot ni Kira.
Agad nasapo ni Jegs ang noo niya. Hindi na alam ng binata kung paano sasabihin sa ibang kasama ang sinapit din ng iba.
"May masama din akong balita." Nagdadalawang isip na saad ni Jegs. Alam niya na kung sasabihin niya ang sinapit din ni Biggy at Dadap ay mas lalong lalalim ang pagkatakot ng iba niyang kasama.
Pero wala na siyang magagawa. Kailangan na niyang sabihin ito para mabalaan ang iba. Dahil hindi na maganda ang sitwasyon nilang lahat.
"Si Biggy nakita niyo?" aligagang tanong ni Kira kay Jegs. Naunahan na si Jegs ni Kira sa pagtatanong bago paman maibalita ang kinahinatnan ng ibang kasama.
"Wala na din siya. Pati na si Dadap." walang buhay na sagot ni Jegs.
"Ano bang nangyayari sa atin, Jegs? Sino ang may gawa nito?" pabalik na tanong ni Kira.
"At...at...yung text. May na-reieved kaming text." dagdag na saad ni Kira.
"Anong text? Yung kay Dadap o yung isa?" nalilitong tanong ni Jegs.
"Wala kaming na-recieved na text about kay Dadap. Yung text lang, yung..." naguguluhang paliwanag ni Kira.
"ANG ITINURING MONG KAIBIGAN, AY SIYANG PAPATAY SA'YO." sabay na bigkas ni Jegs at Kira.
"Hindi rin namin alam kung anong ibig sabihin nu'n," mahinang sagot ni Jegs.
"Jegs, hindi naman totoo 'yun diba?" tanong ulit ng dalaga.
Biglang naputol ang tawag ni Jegs dahil na-lowbat na ito. Naiwan sa ere si Kira na may malaking tanong sa isip niya.
Hindi alam ng magkakaibigan kung ano ang ibig sabihin ng text na na-recieved nila. At ayaw nilang malaman kung totoo man ang hinala nila.
❌❌❌
SALAMAT NG MARAMI! 😁😉
❌ATENG ZK❌
BINABASA MO ANG
The Faceless: FS#1 COMPLETED
Mystery / ThrillerLabing-anim na magkakaibigan. Ang isa ay traydor. Sama-samang nag plano para sa isang kasiyahan. Pero ang isa nag plano ng kasamaan. Labing-anim na buhay. Labing-apat ang mamamatay. Sino'ng matitira? At sino ang nagtatago sa likod ng maskara? FACELE...