XVII: PERFECT SCHEME

143 50 10
                                    

THE FACELESS
••Chapter 17: Perfect Scheme••

❌❌❌

THIRD PERSON'S POV

Palakad-lakad paroon at padito si Pong sa cottage. Iniisip niyang maigi at tinatansya kung anong oras namatay ang mga kaibigan niya. Hindi ito mapakali sa pag-iisip hanggang napasabunot na siya sa kanyang buhok.

"Ahhh! Tangina!" marahas na napasabunot si Pong sa kanyang buhok.

Tahimik lang ang iba habang si Pong ay hindi pa rin mapakali. Hindi mapigilan ni Kira na pumatak ang mga luha habang pinagmamasdan ang mga kaibigang patay na.

Napagpasyahan nila kanina na kalagan sa pagkakatali at ilapag ang bangkay nila Bjay, Emi at Sej. Tinabunan nila ito ng tuwalya para hindi na nila makita ang nakakaawang mga mukha nito. Wala mang bahid ng dugo ang tatlo pero nagdudulot pa rin ito ng takot dahil sa mga dilat nilang mata.

Hindi pa rin alam ng apat kung anong gagawin. Ang alam nalang nila mas ligtas sila sa resort. Mas pinili nilang tumigil na dito at hintayin nalang ang iba pang kasamahan na makabalik. Pero hindi sila nakakasiguro kung makakabalik pa nga ito ng buhay.

"Humingi na tayo ng tulong," biglang saad ni kira.

"Tatawag ako ng pwede nating hingan ng tulong." tila natauhang saad ni Joven.

Pero ng tignan ni Joven ang cellphone niya ay wala itong signal. Nagtaka siya dahil may signal naman sa resort kanina.

"Teka, walang signal," naguguluhang sambit ni Joven.

"Anong wala? May signal naman dito kanina ah," sabat ni Cyrie. Agad na kinuha ni Cyrie ang kanyang cellphone para tignan kung wala talagang signal at totoong wala talaga.

Maging si Kira ay tinignan ang cellphone niya at nanlumo dahil ang pag-asang tulong na inaakala nila ay naglaho ng parang bula.

"Yan na nga bang sinasabi ko eh! Alam kong mangyayari ito. Mawawalan tayo ng signal para hindi tayo makahingi ng tulong. Gumamit ng signal jammer para ma-block ang signal sa mga cellphone natin. Bwesit talaga!" galit na saad ni pong.

"Ba't parang ang dami mong alam? At paano ka nakakasiguro du'n?" pagdududang tanong ni Joven kay Pong.

"Palagi akong nanood ng mga crime fiction at suspense na mga movies. Yung mga tipong patayan, yung parang ganito sa sitwasyon natin. Pag ganitong nasa malayo sa kabihasnan, at mahirap maghanap ng tulong, ang unang pag
-asa ng mga biktima ay cellphone. Lahat ng killer ay matalino, mautak at sigurista. Kaya naman siguradong gagamit ito ng signal jammer para hindi agad makahingi ng tulong ang mga biktima niya." Mahabang paliwanag ni Pong sa mga kasama.

"Hindi tayo makakahingi ng tulong. Walang pakinabang ang mga cellphone natin. Pag lumabas naman tayo ng resort, hindi tayo nakakasigurado kung ligtas tayo o hindi. Kung maghiwa-hiwalay tayo, hindi natin alam kung may mangyayari satin na ikapapahamak natin," dagdag pa ni Pong.

"Ano'ng gagawin natin?" kunot-noong tanong ni Cyrie.

"Maghintay. Magmasid. Mag-isip. Kailangan hindi tayo padalos-dalos sa gagawin natin. Kailangan nating pag-isipan ito. Sa sitwasyong ganito hindi makakatulong ang magpanic. Sigurado akong kanina pa patay sila Bjay dahil malamig na malamig na sila. At unti-unti naring umeepekto sa kanila ang rigor mortis. Isa itong state ng katawan na pag namatay na mas bibigat ang katawan ng bangkay. Nang ilapag natin sila kanina halos pagtulungan pa natin si Bjay. Sa tansya ko nasa 4-7 hours na silang patay. Natulog tayo ng mga around 11, pasado alas dos na ngayon. Mga 11 namatay sila Emi at Sej, siguro nung tulog tayo. Pero si Bjay malamang kanina pa patay dahil sa dobleng bigat n'ya. Anong oras ba s'ya natulog?" dagdag pa ulit ni Pong.

"Sa pagkakatanda ko around 8-9pm siya natulog. He sleep early," agad namang sagot ni Kira.

"Wala bang kakaibang nangyari kanina?" pagtatanong ulit ni Pong.

Lahat ay tahimik lamang. Lahat sila ay nag-isip at pilit inaalala ang mga nangyari kanina. Pilt nilang inaalala kung may kakaiba o kahinahinalang kilos kanina habang nagsasayahan sila.

"Si Albert...Naalala ko kanina na umaandar yung motor niya. Pinuntahan niya iyon at umalis siya para raw ipa-vulcanize yung motor niya dahil flat." biglang saad ni Pong.

"Hindi na siya bumalik. Baka siya ang killer?" tahasang bintang ni Cyrie.

"Posibli. Pero naunang umalis si Albert bago paman natulog si Bjay," sagot pabalik ni Pong kay Cyrie.

"Posibli pa rin na siya ang killer. Malaya niyang nagagawa yun dahil akala natin umuwi na siya. At mas may oras siyang gawin yun lahat dahil kanina pa siya wala." katwiran naman ni Kira.

Mas lumalim ang kanilang pag-iisip. Pilit pa rin silang nag-iisip ng mga anggulo kung kailan nga pinatay ng salarin sila Bjay. Pinakaramdaman nila ang isa't-isa at lihim na sinsulyapan ang bawat kasama. Hindi pa rin maiwakli sa kanilang mga sarili ang pagdududa sa isa't-isa. Iniisip nilang si Albert ang lahat ang may gawa nito pero hindi pa rin mawala sa kanilang isipan na pwede ring inosente ang kaibigan at isa sa mga naiwan dito sa resort ag salarin.

Biglang nakita ni Kira ang dalawang taong tumatakbo papunta sa kanila. Kilala niya ang mga ito, si Lexai at Jegs. Pero nagtataka siya kung bakit hindi na kasama nilang dalawa si Jp. Ang pagkakaalam ni Kira kanina ay si Dadap lang ang nawawala.

Rumehistro kang Kira ang takot sa buo niyang katawan. Naiisip na niya agad na wala na rin si Jp dahil tanging si Lexai at Jegs nalang ang nakabalik.

Agad napabalikwas sa pagkakaupo si Kira at tarantang itinuro ang mga kasamahang patakbo ang pagbalik ng resort.

"Guys, si Jegs at Lexai..." tarantang sambit ni Kira habang itunuturo ang mga kaibigan.

Napalingon silang lahat sa bandang itaas at muling nabuhayan nang makitang buhay pa ang nga ibang kasama. Subalit nadismaya pa rin sila dahil tanging ang dalawang kaibigan nalang ang natira.

❌❌❌

SALAMAT NG MARAMI! 😁😉

ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon